Chapter 7 “Anong gagawin mo sa mga ointment na yan?” tanong ni Tongtong ng makita na may hawak na ilang ointment ang kanyang asawa. Kasalukuyan silang nasa isa sa mga malalaki nilang pharmacy at dito nga kinuha ni Jen ang ointmet na pangako niya kay Vekvek. “Ibibigay ko ito sa bago nating hardinera. Kung makikita mo lang ang kanyang mga peklat at sa katawan hanggang sa kanyang mukha ay maaawa ka. Ano pa kaya iyong kasalukuyan siyang hinahagupit ng latigo ng dati niyang malupit na amo. Kung bakit ba kasi kailangan natin manakit ng kapwa na pare pareho lang naman tayong mga tao.” Ang sagot ni Jen kay Tongtong. “May bago na pala tayong hardinera? Hindi ko pa nga siya nakikita o nakikilala dahil alam mo naman maaga tayong umaalis sa bahay at gabi na kung nakakauwi. Malayo rin ang agwat ng

