Chapter 6
“Ikaw ba ang bagong hardinera?” tanong kay Vekvek ng kanyang babaeng amo ng maabutan siya nito na dimadamuhan ang mga halaman na nakapaligid sa hardin.
Madali na bumangon si Vekvek at saka pa pinunasan ang maruming mga palad sa mahabang padyama na kanyang suot.
“Good morning po, Ma'am. Opo, ako ng po ang bago nyong hardinera. Ang pangalan ko po ay Revecka pero mas tawagin niyo na lang po akong Vekbek,” ang sagot ni Vekvek sa pag arte na para siyang hiyang-hiya at tinatago talaga ang mukha na may peklat.
“Nag kwento na tungkol sayo si Manang Beth at nakakalungkot pala ang mga naging karanasan mo sa buhay,” ani ng asawa ni Tongtong na hinawakan pa sa balikat si Vekvek.
Hindi kumibo si Vekvek dahil mukhang tagumpay na makuha niya ang simpatya ng mga bago niyang kasamahan.
“Ang lupit naman ng dati mong amo na nagawa ka niyang pang pagmalupitan? May mga tao talaga na hindi naman talaga tao dahil mas asal hayop pa nga. Pero mabuti naman at nakaalis ka na sa poder ng kung sinong amo mo at huwag kang mag-alala dahil kahit lamok at langgam ay hindi ko kayang saktan,” ang sabi ni Jen kay Vekvek.
Walang kaalam-alam ang asawa ni Tongtong kung sino ang babaeng kausap at kaharap nito.
“Huwag niyo na po akong alalahanin, Ma'am. Nakakahiya naman po sa inyo at inalala niyo pa po ako,” kunwari ay pagpapakumbaba ni Vekvek upang mahuli ang loob ng asawa ng dati niyang kinakasama.
“Vek, wala yon. Ako at mga kasambahay ko talaga ay nagkukuwentuhan kapag hindi naman ako kailangan na magmadali patungo sa trabaho. Siyempre gusto ko rin na malaman ang kwento ng mga kasamahan ko sa pamamahay ko para alam ko kung may ayaw ba sila o gusto.”
Napangiti si Vekvek dahil mukhang tunay ngang mabait ang asawa ni Tongtong bagay na sinamantala talaga ng dati niyang kinakasama.
Ano kaya ang magiging reaksyon at masasabi ng babaeng amo kapag nalaman ang kwento ng katotohanan sa kwento nina Tongtong at Vekvek.
“Maraming salamat po sa pagmamalasakit, Ma'am. Kaya ho pala ganito kayo kayaman. Pinagpapala ho pala kayo dahil tunay dib kayo na may mabuting puso,” pang uuto pa ni Vekvek.
“Hindi naman, Vek. Nakalakihan ko na rin kasi ang pagtulong sa kapwa dahil sa mga magulang ko kaya kahit wala na sila ay pinagpapatuloy ko.” Kwento ni Jen sa pamilya nito kaya nakaramdam ng lungkot si Vekvek.
“Wala na ho pala kayong mga magulang?”
Umiling si Jen.
“Wala na sila pareho kaya ulila na talaga ako dahil kahit isang kapatid din ay wala ako. Ikaw ba, Vek? Tagasaan ka ba at may mga magulang ka pa ba? Alam ba nila kung anong kalupitan ang inabot mo sa dati mong amo?” usisa pa ni Jen.
“May mga magulang pa ho ako pero hindi po ako makauwi sa kanila dahil sa kahihiyan na rin po,” panimulang kwento ni Vekvek.
Nagtaka naman si Jen.
“Mahabang kwento po, Ma'am. Pero nag ugat po kasi ang pagtakwil nila sa akin ng maaga akong makipag live in sa lalaking pinaglaban ko sa kanila. Pero iyon nga, sa huli ay iniwan din ako at ipinagpalit sa ibang babaeng mas nakakahigit sa akin sa kabila ng malaking sakripisto na ginawa ko sa kanya,” kwento na naman ni Vekvek na patungkol kay Tongtong.
“Nasabi na nga rin sa akin ni Manang ang tungkol sa kinasama mong lalaki na bigla ka na lang iniwan at nalaman mong nagpakasal na pala sa ibang babae matapos ang lahat ng mga ginawa mo. Napaka walang kwenta ng lalaking kinasama mo, Vek. Sa nakikita ko sayo ay mukha ka talagang mabuting tao at mapagmahal. Hayaan mo na ang walang kwentang lalaking yon at makakarma rin kung sino man siya. Ang mahalaga naman ay nakawala ka na sa impyernong buhay sa amo mo,” saad pa ni Jen na walang kaalam-alam na ang sinasabihan niyang walang kwenta at makakarma rin ay ang asawa niyang si Tongtong na wala pang alam na kasama niya na sa bakuran ang dating kinakasama na iniwan niya sa casa na halos wala ng buhay.
“Opo, Ma'am, naniniwala po ako sa karma. Hindi pa man ngayon ay alam kong darating at darating pa rin yon. Mabuti nga po kayo at swerte po kayo sa buhay. At sa buhay pag-ibig,” ani pa ni Vekvek.
Napangiti ng masayang masaya si Jen na halatang inlove na inlove kay Tongtong kahit wala naman itong kahit anong yaman.
“Hays, Vek, nagkataon lang talaga na nagkita at nagkakilala kami ng lalaking nilaan para sa akin. Huwag kang mag self pity dahil alam kong darating din ang lalaki para sayo. Malay mo at nagkita na pala kayo dati pero hindi pa lang kayo pinagtatagpong muli dahil pinaghihilom muna ang kung anong sugat ang nilikha ng dati mong kinakasama sa puso mo,” malalim na pahayag ng mga salita mula kay Jen.
“Sa palagay niyo ho ba talaga ay nagkamali lang po ako ng pinag-alayan ng buhay at pagmamahal?” tanong pa ni Vekvek.
Tumango si Jen.
“Oo naman, Vek. Gaya nga ng sinabi mo ay bata ka pa noon ng makisama sa lalaking minahal mo. Nadapa ka pero hindi naman ibiga sabihin ay hindi ka na makakabangon pa. Kaya laban lang, Vek. Maghihilom din ang lahat gaya ng paghilom ng mga naging sugat mo sa katawan.” Ang payo pa ni Jen.
Inililis ni Vekvek anv kanyang long sleeve hanggang kanyang siko kaya naman nahantad pa lalo ang mas marami pang peklat na kanya lamang tinatakpan ng manipis na tela.
“Tama kayo, Ma'am. Naghihilom at nagiging peklat na lang ang mga sugat ko sa katawan. Ngunit ang naging malalim na sugat sa pagkatao ko ay kailanman ay hindi na maghihilom lalo na at alam kong nagsasaya ang walang hiyang lalaking yon sa bago niyang buhay habang ako ang nagdusa sa mga malaking halaga ng mga pera na inutang niya. Kaya talagang dapat tayong mag-ingat sa mga taong pinapapasok natin sa ating buhay lalo pa at hindi naman po natin sila kadugo o kaanu-ano. Dahil may mga tao talagang makakapal ang mukha na pinapakain mo na nga sa palad ay nagagawa ka pang traydurin at saksakin na wala kang kaalam-alam. Kaya natuto na po ako, Ma'am,” matalinghagang pahayag ni Vekvek sa kanyang among babae.
“Tama ka, Vek. Okay ka naman pala. Alam mo ng magkwento si Manang tungkol sayo ay nag alala talaga ako. Baka kasi may trauma ka kailangang gamutin ngunit natutuwa na sayo pa ako yata makakapulot ng mga aral sa buhay. Masyado rin kasi akong nagtitiwala sa mga tao kahit ngayon ko lang din nakakasalamuha. Para kasi sa akin ay walang masamang tinapay. Ngunit tatandaan ko ang sinabi mo, Vek. Mag-iingat ako sa mga tao sa paligid ko lalo pa at laganap na ngayon ang mga manloloko, mga scammer sabi nga nila na laman lagi ng mga balita sa socila media,” sabi pa ni Jen.
“Tumago-tango si Vekvek dahil talagang inosente rin ang kanyang among babae.
“Dahil nga po sa mga naging karanasan ko kaya po takot na takot na akong makisalamuha pa sa ibang tao lalo na po sa lalaki. Pero huwag po kayong mag-alala at hindi naman po ako na trauma. Sadyang dumidistansya lang po ako. Kaya nga po laking pasalamat ko po ng tanggapin niyo na po ako bilang hardinera. Sa ngayon po ay binubuhos ko pa lahat ng mga oras ko sa pagpapaganda at pagpapanatiling malinis nitong hardin niyo, Ma’am Jen.” Pag-iiba ni Vekvek sa kwento.
“Nakikita ko nga na kahit ilang araw ka pa lang nag uumpisa sa trabaho mo rito ay nagawa mo ng linisan ng mabuti. Kahit isang d**o ay wala na yata akong makita,” biro pa ni Jen na pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang garden.
“Sisiguraduhin ko rin pong walang mga uod o mga insekto na makakapanira ng mga halaman sa hardin na ito, Ma'am,” ani pa ni Vekvek.
“By the way, Veck. Bibigyan kita ng mga ointment na pwede mong ipahid sa mga naging peklat mo para mag lightened kahit paano. At malay mo sa kakatiyaga mo sa pagpahid ay mawala ng tuluya. Ang ganda mo pa naman. Tinatakpan mo lang ang mukha mo pero hindi naging kabawasan sa ganda mo ang peklat na ngayon ay nariyan,” pagpuri ni Jen sa kagandahan na taglay ni Vekvek na kanya na ngang tinakpan dahil sa malaking peklat sa kaliwa niyang pisngi.
“Salamat po, Ma'am. Pero ang totoo ay ayoko na pong gumanda pa. Para po sa akin ay pahamak ang pagkakaroon ng magandang mukha. Lapitin ho ba ng tukso o ng masamang tao na may masamang intensyon lalo pa at ako ay isang babae. Kaya tama na po sa akin ang mukha ko,” pagsasabi ng tapat ni Vekvek.
Kung nais niya lang na ibalik sa dati ang kanyang mukha at kinis ng balat ay matagal na dahil kay Sir Gav at Mr. Shin pero mas nais ni Vekvek na nakikita ang mga peklat para huwag maglaho ang galit niya kay Tongtong.
Gusto niyang makita ni Tongtong ang lahat ng mga naging peklat niya sa katawan para maalala ng lalaki ang pagtraydor nito sa kanya ng iwan siya sa casa at hindi na binalikan pa.