Chapter 5
“Ay? Anong nangyari sa mukha at balat mo?” tanong ng mayordoma ng mga katulong kay Vekvek ng makita na siya.
Nakauwi na siya sa Pinas at napagpasiyahan na mag-apply bilang isa sa mga katulong sa bahay ng asawa ni Tongtong.
Tinakpan ni Vekvek ng mahaba niyang buhok ang bahagi ng mukhang may malaking peklat.
“Gawa mo ng dati kong amo. Hinagupit po ako ng latigo,” nakayuko ang ulo na sagot ni Vekvek.
Nagkatinginan naman ang mga kasamabahay at ang tumatayo nilang mayordoma.
Ang mayordoma, ang tagaluto, tagalaba, taga plantsa, tagalinis at ang panghuli ay si Vekvek na siyang tatayong hardinera para sa malawak na halamanan ng asawa ni Tongtong.
Pinag-aralan ni Vekvek kung paano ba siya makakapasok sa bahay at sa buhay ng dating kinakasama. At sa matiyaga nga pagmamatiyag ay natiyempuhan niya ng nagpaskil sa labas ng gate na nangangailangan ng hardinera. Kahit wala siyang alam sa paghahalaman ay lakas loob na siyang nag-apply para makapasok na sa bahay.
“Grabe naman, yan? Talaga ba? Ang lupit naman pala ng dati mong amo?” mga tanong ng mayordoma na agad naawa kay Vekvek.
“Kaya ba kahit ang init ng panahon ay balot na balot ang katawan mo ay dahil may mga peklat ka rin saga braso atga binti mo?” tanong ng tagaluto.
Sabay-sabay na napanganga at napatakip sa kanilang mga bibig ang ibang mga kasambahay sa nalaman tungkol kay Vekvek.
“Ang likod ko ang tadtad ng peklat dahi sa tuwing nagkakamali ako kahit sa maliit na bagay lang ay agad akong pinaparusahan. Mabuti nga at nakaalis na ako sa dati kong amo,” kwento pa ni Vekvek sa mga bagong makakasama sa araw-araw.
“Mabuti naman nga at sa kabila rin ng pagmamalupit sayo ay nabuhay ka pa?” ani naman ng tagalaba.
“Iyon din nga ang pinagpapasalamat ko. Siguro kaya nabuhay pa akong muli ay dahil may misyon pa akong dapat na gawin at tapusin,” matalinghagang sagot ni Vekvek.
“Tama ka naman diyan, Vek. At saka, mabuti naman din at nakaalis ka sa dati mong amo? Tumakas ka ba?” ang tagalinis ng bahay.
Umiling si Vekvek.
“Nakulong po siya. Napag alaman pala na nagpapatakbo siya ng ilegal na casa at naaktuhan siyang naroon mismo sa loob at maraming testigo ang nagturo na siya nga ang nagmamay-ari nito kaya siya nakulong at nakaalis ako sa pagmamalupit niya.”
Muling mga napasinghap ang mga kasambahay sa narinig.
“Sadyang gumawa talaga ng paraan ang nasa Itaas para nga makalaya la na sa pang aabuso ng malupit mong amo, Vek. At huwag kang mag-alala at mababait naman ang mga amo natin. Dalawa lang naman silang mag-asawa at wala pa silang anak. Madalas din ay wala sila sa bahay kaya halos araw-araw na hindi naman natin sila kasama,” saad ng mayordoma.
“Gagawin ko naman po ang trabaho ko ng mabuti para matuwa po ang mga amo natin.” Ang determinadong pahayag ni Vekvek.
Masaya na siya na nakapasok ng muli sa buhay ni Tongtong.
Maaring mahigit isang taon man silang hindi nagkita ay walang nabago sa hangarin ni Vekvek na magpakita at balikan ang dating kinakasama na ngayon ay nagbubuhay ng marangya kasama ng babaeng pinakasalan na ubod ng yaman.
Sa labas pa lang ng bahay ay nagsusumigaw na ang ganda ng bahay kaya hindi na nagtataka si Vekvek ng makita ang nasa loob nito.
Malaki ang bahay na may tatlong palapag at maging ang bakuran ay napakaluwag din.
Nangarap din si Vekvek na magkaroon sila ng sariling bahay ni Tongtong pero napaka simple lang ng kayang pinangarap para sa kanilang dalawa at sa kabilang bububuin sanang pamilya.
“Manang, kung sakali pong dumating ang ating mga amo ay pakisabi po sana agad na huwag po sana silang matakot at handa po akong magpa medical para makatiyak ho kayo na wala po akong nakakahawang sakit,” wika ni Vekvek sa mayordoma.
“Vek, huwag kang mag-alalal at mababait ang mga amo natin. Hindi ka pandidirihan at baka nga kaawaan ka pa lalo na ni Ma'am Jen,” ang sagot ng mayordoma kay Vekvek na ang layunin lang ay mangalap kung anong ugali at pagkatao meron ang asawa ni Tongtong.
“Salamat naman po kung ganoon. Kinakabahan ho kasi ako at baka kapag nakita niya ako lalo na po ang mga peklat ko ay pandirihan po ako,” pagpapaawa pa ni Vekvek.
“Naku, hindi mangyayari yan, Vek. Mabait na tao si Ma'am Jen at maawain sa mga nangangailangan.” Giit pa ng mayordoma.
“Kaya pala. Kaya pala ganoon na lang din siyang kadali na nauto ni Tongtong ay dahil mabait na tao rin pala ang naging asawa nito,” bulong ni Vekvek sa kanyang isipan.
“Paano po si Sir? Ang asawa po ni Ma'am Jen? Mabait din po ba siya gaya ni Ma'am?”
“Okay lang naman si sir Tong. Siguro mga kulang dalawang taon pa lang naman namin siya nakakasama sa baahay na ito. At sa mga panahong iyon ay wala naman kaming nakitang mapipintas sa kanya. At saka lagi lang din siyang kasama ni Ma'am Jen sa mga lakad nito.” Kwento ng Mayordoma.
“Ah, bago lang po pala sila mag-asawa? Kaya po pala wala pa po silang anak,” ani ni Vekvek.
“Oo, Vek. Baka nga ganoon pero hindi rin, eh. Dapat sa dalawang taon ay may anak na sila kahit isa. Siguro ay hindi pa napapanahon. Umaasam na nga rin kaming lahat na magkaroon na ng bata sa bahay na ito para magkaroon na ng buhay. Ang kaso lang ay hindi pa makatiyempo ang mga amo natin.”
Kung ganoon na halos dalawang taon na silang magkasama at hindi nagbubuntis ang babae ay malamang na si Tongtong ang may problema dahil ilang taon din silang nagsama ay hindi man lang siya nagbuntis.
“Siguro nga ho ay may ganun talaga. Labing anim na taon pa lang ho ako ang makipag live in na pero sa ilang taon din ho namin nagsama ng live in partner ko ay hindi rin po niya ako nabuntis kahit sikreto ko ng itinigil ang pag inom ng contraceptives,” ang pahapyaw na kwento ni Vekvek sa kanyang nakaraan.
“Talaga ba? Ang bata mo rin pa lang nakisama sa lalaki? Hanggang ngayon ba ay kayo pa rin?” usisa ng may edad na mayordoma.
Malungkot na umiling si Vekvek.
“Hindi na ho. Ang alam ko po ay kasal na siya sa ibang babae matapos akong iwan na lang basta. Kaya ho ako napunta sa poder ng malupit kong amo dati ay dahil po nabaon sa mga utang ang dati kong kinakasama kaya ang ginawa ko ay nagtrabaho para tulungan siyang makabayad. Ngunit ng makakita ho siya ng ibang babaeng mas nakakahigit sa akin ay basta na lang akong iniwan na nagdurusa sa mga utang na siya ang may gawa.”
“Ang kapal naman ng mukha ng dati mong kinakasama kung ganoon? Anf mga ganoong lalaki o tao ay kailanman ay hindi magkakaroon ng tunay na katahimikan. Ang kapal ng mukha sobra,” ang komento ng tagaluto ng bahay ng marinig ang naging kwento ni Vekvek sa kanyang nakaraan.
“Oonga, dapat sa mga ganoong klase ng lalaki ay pinuputulan ng ari ng wala ng maipagmalaki. Ano yon? Matapos monv magsakripisyo ay basta ka na lang binalewal ng makakita ng bago? Baka naman may pera ang bagong asawa kaya ka agad iniwan, Vek?” ani ng platsadora na bitbit ang plantsa na ginagamit.
“Ang balita ko nga ho ay oo. Mapera nga raw ho ang naging asawa kaya ganoon na lang niya binalewala ang lahat ng naging sakripisyo ko para sa pagmamahal ko sa kanya. Itinakwil ako ng buong pamilya ko dahil pinili ko siya. Nagsakripisyo ako para matulungan siya sa mga utang niya pero sa huli ay itinapon lang niya ako ng gaya sa isang walang kwentang basura,” patuloy na pahayag ni Vekvek na walang alam ang mga kasambahay na nakikinig sa kanya na ang dati niyang tinutukoy na kinakasama ay walang iba kung hindi ang asawa ng kanilang among babae.
“Hay, naku, Vek. Sigurado lang kapag wala na rin siyang naging pakinabang sa asawa niya ay iiwan niya rin gaya ng ginawa sayo. Ang mga ganung lalaki ay hindi na dapat pinanghihinayangan pa. Iyon nga lang ay nakakahinayang ang mga panahon at pagmamahal na ibinigay mo sa kanya,” sabi pa ng tagalinis ng bahay na may bitbit naman na malinis na puting basahan at panay ang kuskos sa mga kasangakapan kahit wala namang alikabok.
“Tama. Ang hindi naman siya dapat pinanghihinayangan. Ang kaso lang ay nakakagalit kapag iisipin kong pinaglaban ko ang pagmamahal ko sa kanya at iniwan ang pamilya ko ngunit hindi pa pala sapat para huwag niya akong iwan at ipagpalit sa ibang babae. Sayang na sayang lang ang lahat ng mga nagawa kong sakripisyo,” sabay buntong-hininga ni Vekvek ng maalala na naman ang kalagayan niya noong kasama si Tongtong.
“Hayaan mo, Vek. Ang karma ay hindi natutulog. Babalik at babalik sa lalaking yon ang masamang karma na nararapat sa kanya dahi sa ginawa sayo,” anang mayordoma.
“Oo naman po, Manang. Balita ko nga ay nagsisimula na ang karma niya. Ang balik ng karma dahil sa ginawa niya sa akin,” tugon ni Vekvek dahil ang karma na tinutukoy niyang nagsisimula na ay dahil nakapasok na nga siya sa bahay at bagong buhay ni Tongtong.
“Oo, mabilis talagang bumalik ang karma lalo kapag may inabuso at tinapakan kang tao. Kaya naman kahit ganyan ang nangyari sayo, Vek ay nasa pa rin ang huling halakhak,” sambit pa ng mayordoma.