Chapter 4
Sumama nga si Vekvek sa ibang bansa kay Sir Gav upang pareho silang magpagamot.
Si sir Gav para sa mga binti na hindi makalakad habang si Vekvek ay ang mga sugat. Ngunit tinanggihan ni Vekvek na burahin ang kanyang mga peklat. Mas gusto niyang makita ang mga ito hanggang sa magsawa na siya at siya mismo ang magdesisyon na ipalaser ang mga peklat at ng bumalik sa dati ang makinis niyang balat.
“Konti na lang at makakalakad ka na talaga, sir Gav,” pagbati ni Vekvek sa lalaking kaibigan ni Mr. Shin ng nagagawa nitong humakbang ng walang anumang hawak na tungkod.
Naaksidente pala si sir Gav na siyang naging dahilan kaya naapektuhan ang mga binti at hita nito kaya hindi nakapagkalad. Ayaw na nga sana ng lalaki na gumaling pa ngunit dahil ayaw niya na rin na kinakawaan kaya nagdesiyon na itong magpagamot para makalakad muli.
“Salamat din sa pagtulong mo sa akin, Vek. Sa pag-motivate kapag napanghihinaan na ako ng loob. Talagang hindi nagkamali si Mr. Shin ng pagkilala sa pagkatao mo. Talagang mabuti kang tao sa kabila ng naging malupit sayo ang mundo,’ saad ni Sir Gav dahil talagang naging malaking tulong sa kanya si Vekvek.
Ang babae ang nagsasabi na kayang-kaya niyang makalakad para mabawi ang lahat ng sa kanya ay nawala simula ng maaksidente at maging baldado.
“Sir Gav, hindi po ako mabuting tao. Ang totoo ay napakasama ko nga hindi ba? Minsan sa buhay ko ay naging p****k ako. Naging parausan ng kung sinong mga lalaki. Kaya ano ang mabuti sa pagkatao ko gayong buhay na buhay pa ako pero sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa ko dahil sa malalaswa at kasuka-sukang mga gawain na ginawa ko bilang babae at bilang tao,” walang buhay na pahayag ni Vekvek dahil hindi niya na talaga mababago ang katotohanan sa nakaraan.
Kahit pa sabihin na wala na siya sa casa ay hindi pa rin mawawala ang bakas ng kalupitan ng mga taong halang ang bituka sa kanyang katawan na tumagos sa kanyang kaluluwa.
“Vek, hindi mo ginusto ang anuman na nangyari sayo. Alam ko na kung may pagpipilian ka ay hinding hindo mo gagawin na magkasala. Ngunit sadyang madaya ang mundo. Sadyang mapang abuso ang mga tao sa kapwa na inaakala nilang mahina at kaya nilang pasunurin,” saad naman ni sir Gav na napahanga talaga sa pagkatao ni Vekvek dahil maaasikaso pala ang babae at masipag.
“Siguro nga, sir Gav. Nabulag lang kasi ako ng pagmamahal ko sa isang tao na buong akala ko ay sasamahan ako hanggang sa huli. Pero hindi pala. Matapos makahanap ng iba at masiguro ang kaligtasan niya ay basta na lang din akong iniwan sa kalunos-lunos na kalagayan.” Ang malungkot na sambit ni Vekvek ng maalala na naman si Tongtong.
Sa pamamagitan ni Mr. Shin ay napag alaman niya na kung saan matatagpuan ang lalaking minsan niyang minahal at pinaglaban sa buong mundo.
Kasal na ito sa mayamang babae na bumili rito sa casa at ang babaeng iyon ay ang VIP client na lagi ngang binobook si Tongtong .
Negosyante ang babae at nagmamay ari ng mga malalaking tindahan ng mga gamot at may sarili rin itong ospital na pinapatakbo kaya naman buhay hari talaga si Tongtong.
“At siya pa rin ba ang dahilan kung bakit gusto mo ng bumalik sa Pilipinas, Vek? Sa kabila ba ng lahat ng mga masamang ginawa niya sayo ay nais mo pa rin siyang makasama?” mga tanong ni Sir Gav dahil nagpaalam na nga si Vekvek na nais na muli nitong magbalik sa bansa.
Isang buntong hininga ang ginawa ni Vekvek.
“Oo, sir. Siya pa rin ang isa sa mga dahilan ko kung bakit gusto kong bumalik ng Pilipinas. Gusto ko pa rin makita si Tongtong sa kabila ng lahat,” sagot ni Vekvek na talagang nais ng magbalik sa bansa na isang taon na rin niyang iniwan.
“Hindi ka ba talaga papipigil pa? Balita ko ay buhay na buhay na naman ang casa at patuloy pa rin ang paghahanap sayo ni Dimitri. Paano kong makita ka niya? Paano kong oramismo ay patayin ka na lang niya kapag nagkasalubong kayo?” buong pag-alala ni sir Gav sa kaligtasan ni Vekvek.
Umiling si Vekvek.
“Hindi ako natatakot, sir Gav. Ilang beses na akong nakaligtas mula sa bingit ng kamatayan pero heto at kasama mo pa ako rito sa ibang bansa, hindi ba? Katulad nga ng sinabi ko ay hindi ako basta mapapatay ng demonyong si Dimitri. Malaking malaki ang mawawala sa kanya kapag pinatay niya ako.” Paniniguro na naman ni Vekvek.
Kahit ilang beses na sinabi ni Vekvek ang tungkol sa pinanghahawakan niyang alas ay hindi naman na nagtanong kahit kailan si sir Gav o si Mr. Shin tungkol sa ano ba ang hawak niyang alas laban kay Dimitri. Ngunit walang imposible kay Mr. Shin at baka nga matagal na nitong alam ang tungkol sa hawak ni Vekvek.
Tinanggihan ni Vekvek ang alok ni Mr. Shin na ito na ang magpapatay kay Dimitri. Ayaw ni Vekvek na maging kriminal ang mabait na tao dahil sa kanya.
Uuwi siya ng Pinas para balikan ang mga taong may mga atraso sa kanya. Lalong lalo na si Tongtong.
Gusto niyang balikan si Tongtong at ipaalam sa lalaki na buhay na buhay pa siya.
Nais niyang ipamukha sa lalaki na sa kabila ng pag abandona nito sa kanya sa panahong kailangan niya ng tulong ay bumangon siya mula sa hukay para balikan ang kanilang sumpaan na magsasama habang buhay.
“Kung talagang desidido ka ng umuwi ay wala na rin naman akong magagawa. Basta lagi kang mag iingat, Vek. Huwag na huwag kang mag aatubiling humingi ng tulong sa akin o sa amin ni Mr. Shin,” ang bilin ni sir Gav kay Vekvek dahil sa isang taon din nilang pagsasama ay nakilala niya ang babae na hindi talaga humihingi ng tulong at kinakaya ang lahat ng hindi talaga dumadaing o kahit pa magreklamo.
Kaya naman napagtanto nga ni Sir Gav na talagang maaabuso si Vekvek dahil nga mabait ito sa mga taong mahal sa buhay na sinasamantala nga ng iba lalo na ng dati nitong kinakasama na sinamahan niya hanggang sa casa kahit nababoy ang inosenteng katawan ngunit sa huli ay iniwan lang ang babae na muntikan pang mamamatay kung hindi lamang nakahawak ng alas laban kay Dimitri.