Chapter 3

1611 Words
Chapter 3 “Sayang at hindi ko natanong ang walang hiyang si Erik kung saan ko pwedeng mahanap si Tongtong,” panghihinayang na sabi ni Vekvek sa sarili. “Pero paano naman ako nakakasiguro na sasabihin sa akin ng gagong sipsip na yon kung nasaan si Tongtong? Malamang nga na magbigay pa ng kondisyon iyon kung sakaling alam niya kung saan ko matatagpuan si Tongtong,” si Vekvek na rin ang nagbigay sagot sa kanyang katanungan. Mas malaki ang posibilidad na hindi talaga sabihin ni Erik kung nasaan si Tongtong kung alam nito at saka kapag nalaman ng mga ito na hinahanap niya talaga si Tongtong ay gamitin pa laban sa kanya. Naglalakad lang sa mahabang kalsada si Vekvek at hindi alam kung saan siya aabutin ng pagod na hindi na siya makakalakad pa. . Sinasadya niya talagang panatilihin a madungis ang sarili para hindi malagay sa panganib ang kanyang kalagayan lalo pa at siya ay babae na nag iisa lang na lakad ng lakad at natutulog lang sa kung saan abutan ng pagod. Walang kahit na anong natira kay Vekvek. Ang lahat ng mga ipon niya sa bangko ay hindi niya makuha dahil wala siyang kahit na anong gamit na nakuha sa casa gobernador kaya naman kahit marami siyang naging ipon sa bangko ay hindi niya nga makuha. At isa pa, ayaw niya talagang lumantad ng lumantad dahil mainit siya sa mga tauhan ni Dimitri. Mangingimi ang malupit na boss na saktan siya at gawan ng masama pero hindi nga naman siya nakakatiyak kung hanggang saan ang hangganan ng pagpapasensya nito sa kanya. Pagal na pagal na sumalampak sa sulok ng isang establisemto si Vekvek dahil malayo na rin ang kanyang inabot sa paglalakad. Hindi niya alam kung sumunod ba sa kanya si Erik pero wala naman syang pakialam pa sa lalaking yon dahil kahit na anong gawin din nito sa kanya ay wala itong mapapala. Tumingala sa lawak ng madilim na kalangitan si Vekvek dahil gaya ng walan hanggang dilim nito ay ganun din ang kanyang buhay. Madilim. Walang siyang tamang direksyon na tinatahak baata ang alam niya lang ay kailangan niya pa rin mabuhay. Napasandal na lang ang ulo ni Vekvek sa pader na nasa kanya ng tabi. Marami namang tao sa paligid at marami rin namang mga gaya niyang taong lansangan kaya mukhang ligtas naman ang lugar at bawat building sa paligid ay may mga nakatalagang guard. Inunat ni Vekvek ang mga nangangalay niya ng binti at hita dahil talagang patang-pata na ang mga ito at kailangan ng ipahinga gaya ng buong katawan niyang pagod na pagod na rin. “Vek? Vek, ikaw ba yan?” mula sa hindi kalayuan ay may nagtanong kay na boses lalaki kaya naman napatingin siya rito. Kinilala ni Vekvek ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair nito at sa kanya nga nakatingin. “Vek, ikaw nga. Anong nangyari sayo?” pag-aalala pang tanong ng lalaki na nilapitan pa ng mas malapit si Vekvek. “Sir Gav, kamusta?” ang nahihiyang tanong ni Vekvek ng makilala na kung sino ang lalaking naka wheel chair. Isa na sa mga naging VIP client niya ngunit ang nag book sa kanya ay ang bilyonaryong koryano na si Mr. Shin. “Vek, tara na. Sumama ka sa akin para makapaglinis ka ng katawan at ng maayos kang matulugan kahit ngayong gabi lang,” ang pagyaya ni Sir Gav kay Vekvek na tinawag niya pang p****k noong unang gabi na nagkita sila. “Hindi na, sit Gav. Okay lang ho ako. Huwag niyo ng abalahin ang sarili niyo dahil sa akin,” matinding pag tanggi ang ginawa ni Vekvek dahil may dahilan kung bakit talagang ganun ang kanyang itsura. “Anong nangyayari, Gav? Bakit hindi ka pa umuuwi?” isang pamilyar na boses na naman ang dumating. Si Mr. Shin. “Vek? Anong ginagawa mo riyan at bakit ganyan ang itsura mo?” gaya ng kung anong reaksyon ni Sir Gav ay ganun din si Mr. Shin. “Mahabang salaysayin, Mr. Shin.” Ang malungkot na sagot ni Vekvek. Lumapit kay Vekvek ang bilyonaryong korayano at tinangka siyang hawakan. “Huwag mo na akong hawakan, Mr. Shin. Marumi ako at maraming sugat sa katawan,” pagtanggi pang muli ni Vekvek at umilag sa tangka na paghawak sa kanya ni Mr. Shin. Ngunit hindi man nakadama ng pandidiri si Mr. Shin at dalawang kamay na hinawakan ang mga kamay ni Vekvek at saka dahan-dahan na itinayo. “Sumama ka na, Vek. Kahit tumanggi ka pa ng tumanggi ay hindi naman ako makakapayag na iwan ka na lang lalo pa sa ganitong kalagayan,” saad ni Mr. Shin at saka na nga walang alinlangan na inalalayan si Vekvek palapit sa kanyang sasakyan. Sa isang malapit na five star hotel na pag-aari ni Mr. Shin sila tumuloy at madali itong nag utos sa mga staff ng hotel na asikasuhin si Vekvek ng mabuti. “Hayan at presentable na ang itsura mo. Kanina ay talagang mukha kang taong grasa pero dahil hindi ka makalimutan nitong si Gav ay kahit madungis ka ay nakilala ka pa rin niya,” nakangiting sabi ni Mr. Shin ng makita ng malinis na ang itsura ni Vekvek. “Salamat, sir Gav. Salamat Mr. Shin,” buong pusong pasasalamat ni Vekvek kahit pa ayaw niya talagang sumama sa mga ito. “Anong nangyari, Vek? Nagpunta kami sa casa at hinahanap ka pero ang sagot ni Ada ay wala ka na. Tumakas ka raw sa casa,” saad ni Mr. Shin. . Umiling si Vekvek. “Nasa loob lang ako ng casa, Mr. Shin. Ikinulong nila ako at araw-araw na pinaparusahan sa paghampas sa katawan ko ng latigo at gutumin ako para kahit kaning baboy ay kainin ko,” pagkwento na ni Vekvek sa kung anong nangyari sa kanya. Mataman na nakinig lamang sina Mr. Shin at sir Gav sa kaawa-awang babae na hindi mapanamantala. “Kaya ba puro sugat ang katawan mo hanggang sayong mukha ay dahil sa pagmamalupit ni Dimitri?” tanong pa ni Mr. Shin. “Tama, Mr. Shin. Pinagbintangan niya ako na siyang nagsumbong sa mga NBI kaya siya nawalan ng mga vip client kaya pinarusahan niya ako ng pinarusahan.” Dagdag kwento ni Vekvek. “Pero naka kulong si Dimitri dahil nga ni raid na naman ang casa at wala siyang kawala ng ituro siya ng kanyang mga tauhan bilang boss,” ani pa ni Mr. Shin. Tumango si Vekvek. “Oo, Mr. Shin. Nakakulong si Dimitri pero malamang na nagpapalamig lang siya pero makalalabas pa rin siya. At kaya nga ayokong sumama sa inyo ni Sir Gav ay ayokong madamay kayo sa galit sa akin ni Dimitri,” pag amin ni Vekvek. “Palagay mo ba ay hahanapin ka pa niya at ibabalik sa casa sa ganyang kalagayan?” sabi ni Mr. shin. “Hahanapin talaga ako ni Dimitri, Mr. Shin dahil may kailangan siya akin. Madali niya lang naman akong matagpuan sa lansangan ngunit hindi niya ako pwedeng patayin dahil nga may hawak akong alas na nais niyang makuha,” pahayag pa ni Vekvek. “Kung ganun pala na nanganganib ang buhay mo ay sumama ka sa akin sa ibang bansa para makapagtago at makalayo sa panganib na dala ni Dimitri,” ang alok ni sir Gav. “Tama ang naisip ni Gav. Sumama ka nga sa kanya, Vekvek. Dalawang araw mula ngayon ay lilipad pa ibang bansa si Gav para magpagamot. Doon ka na rin siguro rin magpagamot para mawala ang lahat ng mga peklat mo sa buo mong katawan,” pag sang ayon ni Mr Shin sa pagyaya ni Sir Gav kay vekvek. “Huwag na po, Sir Gav, Mr. Shin. Ang totoo po ay pahilom na ang mga sugat ko at kaya ko naman po ang sarili ko. Gaya nga ng sinabi ko ay hindi ako mapapatay ni Dimitri dahil may kailangan siya sa akin,” tanggi na naman ni Vekvek. “Huwag ka ng tumanggi pa, Vek. Oo at may hawak ka ngang alas laban kay Dimitri pero paano ka lalaban sa ganyang kalagayan? May malalalim ka pang mga sugat at kapag hindi mo pinagamot ay baka lalong lumala at magdulot pa ng impeksyon. Kaya sumama ka na muna kay Gav para makapagpalakas at saka ka na muling magbalik kung gusto mo pang bumalik,” ani pa ni Mr. Shin “At kahit paulit ulit ka pang tumanggi ay hindi kami papayag na hindi ka makakasama, Vek. Kaya pumayag ka na para naman wala na tayong maging usap. Palagay mo ba ay matatahimik kami ni Mr. Shin na alam namin na ganyan ang kalagayan mo at nanganganib ang buhay mo sa banta ng kung sinong Dimitri ang pinag uusapan niyo?” si sir Gav. Wari naman nakaramdam ng kaayusan si Vekvek dahil wala pa yatang tao bukod sa kanyang pamilya ang nag alala sa kanya ng ganitom Kahit si Tongtong ay wala naman pakialam sa kanya dahil mahalaga sa datint kinakasama ay ang kung anong pakinabang ang makukuha sa kanya. Tumango si Vekvek. “Salamat, Sir Gav. Salamat Mr. Shin. Kung talagang wala na akong magagawa para tanggihan pa ang alok niyo ay tatanggapin ko na nga.” Pahayag na ni Vekvek. Napagtanto rin ng kaawa awang babae na masyado talagang mapanganib para sa kanya ang mabuhay sa lansangan lalo na kapag nakalaya na si Dimitri. “Huwag kang mag-alala, Vek. Kami na ang bahala sayo. Ilalayo ka namin kay Dimitri at kung nanaasin mo pa ay ako na ang bahalang tumapos kay Dimitri o sa kung sinong mga taong umabuso sayo,” seryoso at walang halong pagkukunwaring pahayag ni Mr. Shin na ikinagulat ni Vekvek. Hindi niya akalain na may mga tao pala talagang handang tulungan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD