Chapter 12 “Mag iinuman ulit tayo?” tanong ni Jen sa matalik na kaibigan na si Kena na nagyaya na naman ng inuman gayon nag inuman na rin sila kahapon kaya nga hindi niya nakasama ang asawa sa trabaho dahil maghapon itong tulog dahil lasing na lasing. “Oo, Jen. Ano ka ba? Madalang lang ako rito kaya dapat ay magwalwal tayo ng magwalwal,” sagot ni Kena na inilabas na muli ang mga biniling alak. Kanina ng kinuha niya kay Vekvek ang mga basyo ng alak ay hindi niya naman talaga ito isasauli sa tindahan gaya ng sabi ni Vekvek dahil hindi naman na talaga ito sinasauli sa pinagbilhan. “Pero narito ka lang noong nakaraang buwan, Kena. Ganun din sa mga nakalipas na buwan?” ani pa ni Jen ngunit nakangiti para huwag makahalata ang matalik na kaibigan na naghihinala na siya. Tama naman si Vekvek

