Chapter 13 “Hindi ka talaga iinom, Jen? Paninindigan mo talaga yan?” tanong ni Kena habang magkakaharap na silang nag iinuman na tatlo sa paborito nilang pwesto. Sa terrace ng second floor. Umiling si Jen bilang sagot. “Pass muna ako. Medyo nahihilo pa ako kagabi sa dami ko nga yatang nainom na alak,” sabi ni Jen kahit wala naman talaga siyang matandaan na nakaubos siya ng isang bote ng alak. “Kahit isa lang, asawa ko,” sabay umang ni Tongtong ng isang bote ng alak kay Jen na mabilis niya talagang binuksan. Ngunit ngumiti lang si Jen at saka umiling dahil talagang ayaw niyang uminom dahil nga merong gumugulo sa kanyang isipan. “Ang KJ mo naman, Kena. Kailan ka pa natutong tumanggi sa kasiyahan na kasama ako o kami nitong asawa mo,” sabi pa ni Kena sabay lagok sa kanyang hawak na bote

