Nakarating si Vekvek ng ibang bansa para nga sumailalim sa operasyon na magpapabalik ng kayang dating itsura at mawala rin ang mga peklat na bakas ng malupit na kahapon ng magkamali siya ng desisyon sa buhay. Hindi naging madali ang operasyo sa kanyang mukha dahil talagang malaki ang naging sira. Tatlong beses siyang sumailalim sa operasyon bago sabihin ng doktor na matagumpay ng naibalik ang kanyang dating mukha. “Mr, Shin?” pagtatakang tanong ni Vekvek ng pumasok sa kanyang pribadong silid sa isang magandang ospital ang mabait na lalaking koryano na tumutulong sa kanya. “Hello, Vek. Balita ko ay ngayon na tatanggalin ng doktor ang benda mo sa mukha kaya naman nagmamadali akong sumakay sa eroplano para makapunta agad dito at maging saksi sa pagiging matagumpay na pagbabalik ng maganda

