“Ay ano yan? Bakit ganyan ang itsura niya?” tanong ng isang babae ng mapansin na ang kakaiba ngang itsura ni Vekvek. Halos nakatingin sa mukha ng dalaga ang mga tao sa paligid na para bang ngayon pa lang nakakita ng taong kakaiba ang mukha. “Dito ho ba ang dulo ng pila?” tanong ni Vekvek sa isang babae na mukhang nasa dulo ng pila. “Oo, Miss dito nga,” sagot naman ng babae na kargan ang isang batang lalaki na malaki na malaki ang tiyan. “Salamat,” pasasalamat ni Vekvek at pumila na nga sa dulo. Umungot ang batang lalaki na karga ng kanyang nanay. Mainit kasi hindi lang dahil sa init ng singaw kung hindi dahil sa dami rin ng mga taong nasa paligid. “Oo, nak. Konting tiis na lang at makakahingi na rin tayo ng tulong. Mapapa opera rin natin ang tiyan mo at gagaling ka na rin,” ani ng na

