"Wag na lang kaya?" nag-aalangan na tuloy akong bumaba ng kotse nila. "Gusto mo ba sapakin din kita?" "Ano?!" "Dali na naghihintay na si mommy!" Wala na din ako nagawa kundi ang bumaba sa kotse at magpakaladkad kay Tristan papasok ng restaurant. Pero bago kami tuluyang makapasok ay pinigilan ko si Tristan saglit. "What now?" "Pero Tristan kasi hindi naayon yung suot ko dito?" "Alyson, just be yourself. Your clothes dont matter." hinawakan nya kamay ko. Napangiti naman ako. Hinigpitan ko din hawak sa kamay nya saka pumasok na kami ng tuluyan. Pero ng nasa loob na kami ay lalo ako kinabahan. Mas lalo na ng makita ko ang mama nya na nakaupo sa table namin na naka-dress na naman at pagkaganda-ganda. "Mom," tawag ni Tristan. Lumingon ito at sinalubong kami ng isang malaking ngiti saka

