Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. "Okay ako." Pinilit kong maupo sa kama kahit nahihilo pa ako sabay sabi ng,"bunganga mo Jai." "Mukhang okay ka na nga bes! Ano ba kasi nangyari sayo?" "Di ko alam Mai. Bigla na lang ako nahilo kanina." "Did you even eat breakfast at home?" tanong ni Tristan. "Shunga. Sabay sabay tayong nag-almusal nina mama kanina diba?" "Huwaw! mama na talaga tawag nya! Parang bagong kasal ah? Wait! Hindi kaya, buntis ka?! Ouch!" sinapak ko sya pero mahina lang. "Bunganga mo din Mai eh." "Sorry naman. Oh sya sige, may klase pa kasi tayo remember? Pahinga ka na muna dyan. Ii-excuse ka na lang namin sa teacher natin, okay?" "Oo nga. Si Papa T na bahala sayo ha? Byee!"sabay na umalis yung dalawa. Mga kaibigan ko talagang yun kahit kailan mga baliw din eh.

