"What do you think you're doing Alexander?" madiin na bigkas ng mommy ko. Tahimik lang na nakaupo si daddy sa single sofa. Hinihilot nito ang sariling sintido. "What do you mean, mom?" pabalik tanong ko rito. Nakakunot ang noo ko. Marahas itong bumaling sa akin. Kita ko ang galit sa mukha nito. "Bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo bakit si Nadz pa? Hindi ka ba nag-iisip? Isa lamang siyang mahirap at pulubi--" "So what, mommy?" Biglang gumalaw ang panga ko. Ramdam ko ang sakit na dumaloy sa puso ko sa panlalait nito sa nobya ko. "Mahal ko siya. At matagal na kaming may relasyon--" Nagulat ako ng sampalin ako nito sa pisngi. Ito ang unang pagkakataon na nadapuan ako ng palad sa mukha ko. At mismong galing pa sa sariling ina! Tumigas ang mukha ko. Ngunit kaagad din akong natigilan

