bc

THE BILLIONAIRE'S HEART [Tagalog R18]

book_age18+
9.1K
FOLLOW
116.2K
READ
brave
CEO
drama
bxg
heavy
city
weak to strong
lonely
naive
victim
like
intro-logo
Blurb

! TEARS ARE EXPECTED IN THIS STORY !

Isang babae na puno ng hirap at hinanakit sa nakilalang mga magulang, hanggang sa matuluyan siyang mabaliw dahil sa mga pagpapahirap ng mga ito sa kaniya.

Alexander napukaw ang kaniyang interest sa isang babaeng galing sa mental.

Kakayanin niya kayang ipaglaban ang babaeng ito sa kabila ng maraming humahadlang sa kanilang dalawa.

Kakayanin niya bang ipaglaban ito sa mga taong kumukutya rito?

Alamin ang kuwento ni Alexander Dimitri at Nandine Priscilla.

chap-preview
Free preview
Episode 1 (Nadz)
Walang katapusan ang pagsusumigaw ko para lang tigilan ng aking ina ang pangbubugbog sa akin. Halos pakiramdam ko, wala nang lumalabas na boses sa bibig ko sa sobrang sakit na hagupit ang ginagawa nito sa akin. Hilam na hilam na rin ang mga mata ko ng luha na halos pati sipon ko nalalasahan ko na rin. Mula pagkabata hanggang ngayong sampung taong gulang na ako, ganito pa rin ang pagtatrato ng sarili kong mga magulang. Walang araw na hindi ako ng mga ito sinasaktan. Pakiramdam ko tuloy, hindi nila ako totoong anak sa mga pinaggagawa nila sa akin. "Tama na po inay! Maawa po kayo! Aray! I-inay t-tama na po!" nagmamakaawang hiyaw ko sa aking inay sa sobrang sakit ng paghahagupit nito sa akin ng sinturon. "Kapag hindi mo, sinunod ang lahat na inuutos ko sa'yo, hindi lang iyan ang mangyayari sa iyong bata ka! Buwisit! Walang kuwentang bata!" wika ng aking ina sa akin na halos lumuluwa ang mga mata nito sa sobrang galit. Nakayuko naman ako habang nakasiksik sa isang sulok. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang sakit na dulot ng ginawa nito at takot na rin. Pansin ko ang mabilis nitong paglabas sa kuwarto. Doon ko naman nilabas ang hikbi ko na kanina ko pa pinipigilan. Halos nahihirapan akong huminga sa bigat na nararamdaman ko. Ang sakit! Ang sakit sa pakiramdam na ginaganito ako ng sariling mga magulang. Lalo pa akong napahagulhol ng makita ko ang katawan kong puro pasa ng sinturon na pinaggamitan nito sa akin. Pilit man akong kumilos, ngunit hindi ko kaya dahil sa sobrang sakit ng mga sugat sa aking katawan. Hindi na siguro magtatagal ang buhay ko.." humahagulhol na bulong ko sa sarili. Paputol-putol rin ang bawat pinapakawalan kong hininga sa sobrang sama ng loob sa mga magulang. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na lang ako bigla. Isang malamig na tubig at sipa ang nagpagising sa akin. "Wala ka talagang kuwentang bata ka! May patulog-tulog ka pang nalalaman! Gabi na, wala pa ring pagkain!" sigaw ng itay ko. "I-itay tama na po!" pagsusumamo ko ng sipain na naman ako nito. Hindi ko na naman napigilang mapaiyak. "Huwag mo akong iiyak-iyakan diyan! Tumayo ka at magluto! Kapag dumating kaming wala pang pagkain diyan, bugbog aabutin mo at sa labas ka matutulog!" wika pa nito sa paraang pasigaw. Nang maramdaman kong wala na si itay, doon ko naman inilabas ang malakas na pag-iyak at hagulhol. Ngunit sa kabila ng mga sugat ko at pananakit ng katawan, mas pinili kong tumayo kahit nanghihina at nanginginig ang buo kong katawan. Ilang beses akong natumba dahil sa sakit at panghihina ko. Lalo akong napaiyak ng makita kong walang bigas sa lalagyanan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sobrang takot. Diyos ko, anong gagawin ko? Tulungan niyo po ako.." hagulhol na panalangin ko sa sarili. Ilang sandaling nakaupo ako sa may kusina ng may marinig akong mahinang boses. Paglingon ko sa may bintana, nakita ko ang isang kaibigan. Kitang-kita ko rito ang awa sa mga mata nito. Na lalo kong ikina-iyak. Tumalon ito sa may bintana upang makapasok. Hindi na rin ako kumilos sa pagkaka-upo sa sobrang sakit ng mga sugat ko. Mabilis ako nitong niyakap. Rinig ko na rin ang pag-iyak nito. Lalo tuloy akong naawa sa sarili. "Itatakas kita rito," wika ng kaibigan ko. Labing limang taong gulang na ito. Limang taon ang agwat namin sa isa't-isa. Siya si Bernadeth Diaz, isang matalik na kaibigan. Mabilis akong umiling sa sinabi nito. "H-hindi ko kaya," lumuluhang wika ko. "Ano ka ba?! Hindi mo alam ang sinasabi mo. Halos patayin ka na nang inaakala mong mga magulang! Bata ka pa kasi kaya hindi mo naiisip ang naiisip ng mga taong nasa paligid mo. Nadz, gumising ka, I know na matured na ang pag-iisip mo, kaya sana gamitin mo. Sa ginagawa nila sa'yo, isang katunayan na hindi ka nila totoong anak!" galit na wika nito sa akin. Hinawakan pa nito ang magkabilaan kong balikat para tumingin ako sa mga mata nitong lumuluha na rin. "Maawa ka sa sarili mo, please lang. Gusto mo bang mamatay sa mga kamay nila? Pahalagahan mo naman ang sarili mo," garalgal na wika na nito. Lalo naman akong napaiyak sa sinabi nito. "Maraming salamat Ate Deth. Pero hindi ko kayang mawalay sa mga magulang ko. Ayoko kong tanggapin na hindi nila ako tunay na anak. Baka mas lalong hindi ko kayanin kapag nangyari ang sinasabi mo. Kaya ko pa naman tiisin," umiiyak na wika ko rito. Bigla naman itong bumitaw sa balikat ko. Tiningala ko ito at pansin ko sa mukha nito ang biglang pagka-inis. Hindi ko naman ito masisisi, pero hindi ko kayang mawalay sa mga magulang ko. Lalo na't napakabata ko pa. Mas natatakot akong mawalay sa mga ito. Sila ang mga magulang ko. "A-aalis na ako kinabukasan papuntang maynila para tumungo sa ibang bansa. Kinukuha ako ng tita ko upang doon makapag-aral at nakapagdesisyon na sila mama at papa," wika nito habang lumuluha. Bigla naman akong nagulat sa sinabi nito. Nakaramdam din ako ng kalungkutan sa isiping wala na akong kaibigang maaasahan pa. Natatakot rin ako at tiyak wala nang sasaklolo kapag kailangan ko ang tulong nito. Bigla itong tumitig sa akin habang umiiyak. "K-kaya nga, ginawa ko ang lahat upang makapasok sa bahay niyo, dahil gusto kitang itakas dito. Gusto kong maging kampante ang loob ko na iiwan ko ang kaibigan ko sa safe na lugar at hindi sa mga taong iyon na kinikilala mong mga magulang. Maaaring kinamulatan mo sila bilang magulang. Pero tandaan mo ang sasabihin ko sa'yo ngayon, walang magulang na gagawa ng ganiyang mga bagay sa tunay nilang anak. Wala Nadz," garalgal na wika nito habang pinupunasan ang mga luha. Hindi ako nakakibo sa sinabi nito. Patuloy lamang ako sa pag-iyak. Hanggang sa mapansin ko ang pagkilos nito sa may kusina. Inabot nito ang kaldero at nagsimulang magsaing. Doon ko lang napansin na may dala itong bigas at ulam na rin. Lalo tuloy akong napaiyak. Nakaramdam din ako ng sobrang takot sa isiping kinabukasan, aalis na ito. Wala na akong maaasahang tutulong sa akin sa ganitong sitwasyon ko. "S-salamat Ate Deth," garalgal na wika ko. Tumingin lang ito sa akin. Pansin ko rin ang mabilis nitong pagpunas ng luha nito sa pisngi. Pagkasaing nito kaagad itong lumapit sa akin at nilagyan ng ointment ang mga sugat ko. Pinakain rin ako nito ng dala nitong lutong pagkain. Awang-awa ako sa kalagayan ko. Minsan naiisip ko rin na baka nga hindi nila ako totoong anak. Kasi ito ngang kaibigan ko, napakabait sa akin kahit na hindi ko kadugo. Pero bakit ang mga magulang ko halos patayin na nila ako sa pananakit nila? Gusto ko mang paniwalaan ito, pero sobra akong natatakot na malaman na hindi nila ako tunay na anak. Hindi ko kakayanin. Oras din ang nilagi ng kaibigan ko. Hanggang sa kunin nito ang palad ko. "Itago mo ito maigi Nadz. Para may maipangbili ka sa tuwing wala na kayong bigas o ano pa man. Hanggat maaari gawin mo ang lahat, maiwasan mo lang ang pananakit ng mag-asawang iyon," wika nito sa akin. Simula ng makita nito ang pagtrato ng mga magulang ko. Hindi na nito matawag na mga magulang ko ang tinuturing kong mga magulang. "P-pero.." "Huwag ka nang tumanggi. Inipon ko talaga iyan ng ilang buwan para sa'yo. Basta itago mo ng maigi iyan ha. Masakit man para sa akin na iwan ka, pero wala rin akong magagawa sa plano ng mga magulang ko para sa akin. Ang totoo, nakiusap ako sa mga itong tulungan kang makalayo rito at pumayag nga sila na dalhin ka ng maynila, ngunit ayaw mo naman," mahabang wika nito. Akmang magsasalita pa ito ng marinig namin ang mga boses sa baba. Taranta namang nagpaalam ang kaibigan ko. "Bibigyan kita ng isang pagkakaton Nadz. Hihintayin kita sa tagpuan natin dati ng alas kuwarto ng umaga. Sana magbago ang isip mo," wika pa nito hanggang sa pumatak muli ang mga luha nito. Ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin na hindi ko man lang naramdaman sa mga magulang ko. "Nasaan na ang batang iyon," rinig naming wika ng inay ko. "Sige, aalis na ako. Ang pera ha, itago mo ng maigi iyan. Mahal na mahal kita Nadz. Maghihintay ako hanggang alas singko pa iyan ng umaga," garalgal na wika nito. Hindi ko na nagawang magpasalamat dahil kaagad din itong tumalon sa may bintana. Sakto namang bumukas ang pintuan. Bigla akong napalunok.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook