Episode 2

1148 Words
Tulad nang dati, kumakain ang mga magulang ko na hindi ako kasabay sa hapag-kainan. Ni hindi rin ang mga ito nagtatanong kung saan nanggaling ang ibinibigay kong pagkain sa kanila o inihahanda. Na siyang ipinagpapasalamat ko naman. Simula kasi ng makita nito ang pakikipagkaibigan ko noon sa kapwa ko mga bata, doon din sila lalong naging mahigpit sa akin. Ni ayaw ako ng mga itong makipag-kaibigan kahit kanino o makipag-usap. Nang maramdaman kong wala na sila sa kusina, dahan-dahan naman akong pumaroon. Ngunit katulad ng madalas ng mga itong gawin sa akin, walang itinitirang pagkain. Kagat-labi na lang akong nagligpit ng pinagkainan ng mga ito. Pasalamat ko talaga at kumain ako kanina ng dalang pagkain ng Ate Deth ko. Napaisip tuloy ako kung pakikinggan ko ba ang gusto nitong pagtakas sa akin. Ngunit iniisip ko pa lang ang mga bagay na iyon, napapaiyak na lang ako bigla. Hindi ko nga lubos maisip na sa kabila ng nararanasan kong pagmamalupit ng mga ito sa akin, ay hindi ko pa rin sila kayang iwan. Nagising ako dahil sa kalabog ng pinto ng kuwarto ko. Ang inay. "Uuwi kami mamayang gabi. Dapat may pagkain na sa kusina kung ayaw mong masaktan. Labhan mo rin ang mga maruruming damit at maglinis ka sa buong bahay. Huwag kang piling reyna riyan!" sigaw ng inay ko saka tuluyang umalis. Bigla naman akong nakaramdam ng kalungkutan ng maalala kong nakaalis na ang Ate Deth ko ng mga oras na iyon. Alas sais na kasi ng umaga. Kahit naman kasi magising ako ng alas kuwarto, wala pa rin akong balak iwan ang mga magulang ko. At dahil wala sila inay at itay kaya nagpahinga ako sandali. Nagsuot ako ng mahabang damit upang matakpan ang mga sugat na tinamo ko. Pansin ko rin ang mga tinginan ng kapitbahay namin sa akin. Alam kong naaawa ang mga ito ngunit hindi na lang ako nag-aksayang tingnan ang mga ito. "Bakit mo ineng, natitiis ang kalupitan ng mag-asawang iyan? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Naku, baka magkasakit ka niyan ng tuluyan," wika ng tindera. Hindi na lamang ako umimik sa mga sinabi nito. Kitang-kita ko ang mga bulungan ng mga taong nasa labas, na pilit kong binabalewala. Hapon na ng makatapos ako sa paglilinis at pagluluto. Bigla kong naramdaman ang panginginig ng katawan ko. Mainit na rin ang pakiramdam ko pati na rin ang mga mata ko. Napilitan akong humiga kahit ayaw ko naman sana dahil baka madatnan ako nila itay at inay. Ngunit hindi na kaya ng katawan ko ang lagnat na dumadaloy sa akin. Napaluha na lang ako bigla sa mga katanungang pumapasok sa isipan ko. Sa edad kong ito, masasabi kong matured na ako mag-isip. Ramdam ko ang matinding sama ng loob sa mga magulang. Napabalikwas ako bigla sa isang bagay na tumama sa ulo ko. "Ang tamad mo talagang bata ka! Alas sais pa lang nakahilata ka na riyan!" sigaw ng inay ko. "I-inay, masama po kasi pakiramdam ko. N-nilalagna-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla itong lumapit sa akin at sinampal ako sa mukha. Hindi pa ako nakakahuma ng kunin nito ang mahaba kong buhok at pakaladkad ako nitong inilabas ng kuwarto. "A-aray inay! Tama na po!" umiiyak kong wika. Halos pakiramdam ko napupunit na ang anit ko sa ginagawa ng inay ko. Lalong humapdi ang sugat na natamo ko sa mga ito dahil sa pagkaladkad nito sa akin habang nakahiga sa sahig at patuloy ako nitong hinihila. "Wala kang kadala-dala! Sinabi ko na sa iyong ayokong nakikita kang natutulog na wala kaming permiso!" sigaw nito hanggang sa itulak ako nito sa labas ng bahay. Pasalampak akong napasubsob sa lupa. "Diyan ka matulog! Wala kang katino-tino!" Humagulhol naman ako pagka-alis nito sa harapan ko. Pansin ko pa ang ilang mga tao na nakikichismis sa mga nangyayari. Wala akong nagawa kun'di ang humikbi na lamang habang humahagulhol sa iyak. Kahit ano talagang gawin ko, walang tama sa paningin ng mga ito. Talaga bang hindi nila ako anak? Wika ko sa sariling isipan habang nahihirapang huminga sa bigat na nararamdaman, sinamahan pa ng lagnat. Maraming tao ang nakiusap sa akin noon na umalis na lamang at pumunta sa bahay ampunan. Ngunit ayoko at natatakot ako sa murang edad ko. May ilang kapitbahay rin na sinubukang magsumbong sa pulis, ngunit natakot din ang mga ito dahil sa pagbabanta ng itay ko. Rinig-rinig ko kasi na gumagamit daw ng pinagbabawal na gamot ang itay ko at may baril daw ito. Kaya, simula noon, wala nang nagtatangkang tumulong sa kalagayan ko. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako sa labas na walang kahit na anong sapin. Sabagay, ilang beses ko na rin namang naranasang makatulog dito sa lupa. Kasabay ng pagpatak ng luha ko. Isang masamang bangungot ang nagpagising sa akin habang sumisigaw. "M-mommy!!" sigaw ko habang umiiyak. Napabalikwas din ako sa pagtulog mula sa labas. Pansin ko bigla ang ilang kapit-bahay na may pagtataka sa mga mukha. Kahit ako man nagtataka kung bakit may binigkas akong mommy. A-anong ibig sabihin noon? Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng bahay at inilabas noon ang mga magulang ko na kakikitaan ng pagkagulat. Kahit ako man, naguluhan sa nakikita kong reaksyon ng mga mukha nito. Ngunit saglit lang iyon at napalitan ulit ng galit. "Ano pang tinutunganga mo riyan? Magluto ka nang almusal!" pagalit na wika ni inay. Si itay naman, bigla na lang umalis at hindi ko alam kung saan pupunta ng ganoon kaaga. Ilang araw ang nagdaan, nang mapansin kong madalas nag-uusap ang mga magulang ko na parang nagtatalo. Ngunit hindi ko naman maintindihan at malayo ang mga ito. Natatakot din akong lumapit at baka malintikan pa ako. Sa ilang araw ding lumipas, hindi ko naranasan ang saktan ulit ng mga ito. Napapansin ko ang madalas nilang pagtitig sa akin. Kapag tumitingin naman ako, bigla silang nagagalit. Sa ilang araw pang lumipas, naghihilom na rin ang sugat ko dahil hindi ko na nararanasan ang saktan ng mga ito, simula ng bangungutin ako, dahilan para makasigaw ako ng salitang mommy. Minsan iniisip ko rin ang bagay na iyon. Pero imposible naman na hindi ako anak nila itay at inay. Lalo na, ilang araw na rin na hindi nila ako sinasaktan. Siguro, naaawa na rin naman sila sa akin bilang anak nila. Baka naiisip nilang hindi tama ang ginagawa nila sa anak nila. Piping wika ko sa isipan. SAMANTALANG nag-uusap naman ng palihim ang mag-asawa. "Nabubuwisit na ako ha! Tuwang-tuwa na siguro ang batang iyan at hindi na natin nasasaktan!" galit na wika ng ginang. "Magtiis ka nga! Kailangan nating gawin ito upang hindi maghinala ang batang iyan!" bulong na pagalit ng asawa nitong lalaki. "Hay naku! Nangangati na ang mga kamay ko sa batang 'yan! Lalong sumasabog ang galit ko sa tuwing nakikita ang pagmumukha niya!" inis na singhal ng ginang. Napahawak naman ang asawang lalaki sa buhok nito habang palakad-lakad. Tumiim-bagang din ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD