PRISCILLA'S COMPANY "Good morning sir!" "Hi. Nandiyan ba si Danilo?" nakangiting tanong ko. "Yes, sir. Sandali lang po at tatawagan ko." Mabilis akong tumango sabay iwas ng tingin dito. Sinasadya kasi nitong ipakita ang cleavage nito sa akin. "Pasok na raw kayo sir!" Pa-cute nito. Binigyan ko naman ito ng simpleng ngiti bago pumasok sa loob. Isang tikhim ang pinakawalan ko upang makuha ang atensyon ng kaibigan. Nakayuko ito habang abala sa pagpipirma. Nang bigla itong umangat ng tingin. "What's up bro?" wika ko habang nakangiti. Nagyakapan kami nito. Halos magkasingtangkad lang kami nito at halos magkapareho ng pangangatawan. Isang taon lang ang agwat nito sa edad ko. "Kumusta? Ngayon ka lang yata naligaw? Balita ko ilang weeks ka na rito sa Pilipinas?" Bigla naman akong na

