ISANG BUWAN ANG NAKALIPAS. "Hey, Nadz!" Bigla akong napalingon. "Sama ka sa amin!" yaya ni Loida. "Ha? Saan?" "Sa birthday ni Ma'am Florida. Invited tayong lahat!" excited ni Emily. Kaagad akong napailing. "Hindi ako puwede." "Pero puwede ka naming ipagpa-alam sa amo mo. Sasama kami sa'yo. Papayag naman iyon. Minsan lang ito e!" nakangusong wika ni Loida. Ngunit umiling pa rin ako. "Sigurado akong hindi sila papayag sa ngayon. Siguro sa susunod na lang." Lumungkot ang mukha ng mga ito. "Promise, sa susunod sisikapin kong makasama." "Oh sige na nga! Baka sa susunod ha?" Si Emily. Ngumiti ako sabay tango. Naputol ang pag-uusap namin ng dumating si teacher Lou. At dahil may quiz kaya naman kaniya-kaniyang kuhaan ng papel. Gusto kong matawa at kandahaba ang leeg ng mga kaibigan

