Kanina pa ako nakatulala sa labas ng kuwarto ng Kuya Alex ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Simula yata ng malaman ko kung ano ang ibig sabihin ng relasyon para akong naduwag sa hindi malamang dahilan. Para akong nahihiyang humarap dito gayoong wala naman dapat ikahiya! Bigla kong nakagat ang ibabang labi ko. Nang bigla akong mapasinghap ng biglang bumukas ang pinto. Napa-awang ang labi ko. Ang nakangiting Kuya Alex ko. "Good morning. Kanina ka pa ba kumakatok? Galing kasi ako ng banyo." At bigla na lang bumaba ang paningin ko. Nakatapis ito ng tuwalya at walang saplot ang pang-itaas nito. Hindi ko alam kung bakit ako napalunok kasabay ng pamumula ng pisngi ko. Para bang nang-aakit ang katawan nito?! Bigla akong napayuko saba

