"Bro, relax ka lang. Sigurado naman ako nasa mabuti siyang kalagayan. Kaunting tiis pa, mahahanap din natin siya," wika ni Jorge. Nasa isang bar kami at lugmok na ako sa kalasingan. Sinundo nga lang ako nito para ihatid sa mansion. Pero ayokong umuwi roon. Umiinit ang ulo ko sa tuwing nakikita ang sariling mga magulang at kapatid! Ramdam ko na may kinalaman sila sa paglayo ng nobya ko! Hindi pa nga lang ako makakuha ng evidences sa mga ito. Laking disappointed ko ng walang maibigay sa akin na information si Lester. Wala naman daw ipinagtatapat ang nobya ko sa mga ito. Tanging si Nanay Len daw ang lagi nitong nakakausap. "Ang hirap...!" Nakayukyok ako sa lamesa. "S-sobra na akong nag-aalala sa nobya ko." Kumuyom ang kamao ko. Hinawakan nito ang balikat ko. "Let's go. Ihahatid na k

