Z. J. RESTAURANT "So, kailan mo balak ipapakilala sa amin ang nobya mo, bro?" tanong ni Jorge. Kauuwi lang nito ng Pilipinas. At ang walang hiyang kaibigan kong si Danilo, 'agad nitong ipinaalam dito ang tungkol sa girlfriend ko. Inunahan pa talaga ako! Tinapunan ko ng masamang tingin ang kaibigang si Danilo. Pangisi-ngisi lang ang luko. "Kailan ba kasi? Masyado mo namang itinatago?" nakakalukong tanong din nito. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Hindi pa siya handa. Masyado iyong mahiya--" Nang bigla akong mapahinto. Sabay-sabay yata kaming napalingon ng bumukas ang pintuan ng restaurant. Kumunot ang noo ko hanggang sa mapatulala ako. Baby?! Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Nasa pinakahulihan ito. At kahit natatakpan ang mukha nito ng mahabang buhok nit

