"Ang kapal ng pagmumukha ng malanding babaing iyon! Napaka-mukhang pera? At talagang gusto pang tumira sa condo ni kuya?" nanggagalaiting wika ni Danila. "Kating-kati na ang kamay kong masabunutan ang babaing iyon! Kung bakit naman kasi mommy, pinulupot niyo pa ang hampas lupa na iyon! Iyan tuloy ang iginanti niya sa'yo! Pati si kuya inakit! Buwisit na babaing iyon! Humanda talaga siya sa 'kin oras na umalis si kuya!" namumula ang mukha ni Danica sa galit. Nagtaas-baba naman ang paghinga ni Donya Elisha. Nakakuyom ang kamao nito. "Hindi na nahiya sa sarili. Ang lakas ng loob na patulan si kuya, isa lamang siyang pulubi! Galing sa kalye! At baliw na babae! Nanggigigil talaga ako sa kaniya, everytime na nakikita ko ang pagmumukha niya ang sarap niyang gawing basahan na ikinukuskos sa sahi

