Pabalik na sana ako sa itaas kung nasaan ang kuwarto ng Kuya Alex ko ng bigla akong matigilan. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang isang maganda at matangkad na babaing humalik sa Kuya Alex ko! Yumakap din ito habang nakangiti ng buong tamis. Napansin ko rin na nandoon ang dalawang kambal at ganun din si Ma'am Elisha. Pawang mga nakangiti. At dahil nakatalikod sa direksyon ko ang Kuya Alex ko kaya naman hindi ko makita ang reaksyon ng mukha nito. Pero tiyak ko naman na masaya ito at nagpahalik nga! Pero bakit niya hinalikan ang Kuya Alex ko? Normal ba iyon? Sandaling bumalik sa alaala ko ang ginawang paghalik ng Kuya Alex ko sa 'kin. Hanggang sa muli akong napatitig sa mga ito. Para akong tanga na nakatayo habang nakatunghay sa dalawa. Ni hindi ko na naisip na baka may ma

