Chapter 5

1873 Words
CHAPTER 5 D CITY, CROWBELT   WREN REBCOR POV   "Sa city G tayo, sa hotel na lang.", Pagbibigay instruction ko sa driver ko na si mang Bantam matapos isakay ni Bruno, isa sa mga bodyguard ko ang lasenggerang babaeng to sa sasakyan ko.   If only I could leave her on the street I swear I would. Pero dahil hindi pa naman ako ganon kasamang tao ay pinag malasakitan ko na din sya. Hindi ba nga ay iniligtas ko pa sya kanina when her new boyfriend was trying to harrassed her. I could just let it happen ng matuto naman sya ng leksyon but my body started to act on it's own.   Well I guess, I'm getting used to being a good brother after all.   Nung tignan ko sya sa side ng vision ko ay para syang tanga na titingin tingin sa paligid nya as if ngayon lang sya nakasakay sa isang kotse. Tapos nung makita nyang ako yung katabi nya ay nabago agad ang expression ng mukha nya. Yung para bang nakakita sya ng idol nya or better to say ay nakita nya ang crush nya. Why? Doesn't she know me? Or dahil lang sa sobra ang pagkalasing nya kaya sya ganon umasta?   Seriously? Lakas nyang mag trip ah!   "Shan bah yhung hotelh na yhon? Alam moh bah, I really apprecite you helphing me out peroh mas okhay khung hatidh mo koh sa bhahay nemin sa Mckinley Hill Village, Taguig phlease?", I heard her say this sa national langguage ng mga lasing. I think nagsasabi sya ng address kung saan ko sya pwedeng ihatid. Actually ay inulit ulit ko pa yon sa utak ko kung may lugar bang ganon but I don't think it's even there on the map so I just ignored her.   Kala ko pag di ko sya pinansin ay tatahimik na sya but I was wrong. Kinalabit nya ko hanggang sa lingunin ko sya. Then I saw her smiled as she stared at me sabay sabing "Bhakit hang gwapoh moh nemen!", Ofcourse slurred speech yon at namumungay na ang mga mata nya dala ng kalasingan.   "You are just drunk so you do not know what you are saying.", Annoyed na sabi ko. Sa totoo lang ay hindi naman kami close ng babaeng to kaya hindi ako sanay ng kausap sya.   "Ofcourseee alahm ko noh! You know what? Tingin koh ngah crush na talagah kitah yeh!", Nahihiyang pag amin nya tapos ay kinilig pa yata sya.   Honestly, I had goosebumps sa sinabi nyang yon. Pati tuloy ang driver namin ay napapatingin sa mga useless thoughts nya. Hindi yata sya lasing kung hindi ay nasisiraan na ng bait.   "Sha totooh lang, hawig kayoh ng korean actor ne gushtong gustho koh si Lee Do-hyun. Nonood kah bah ng kdrama? Grabeh, good looking nah nge syah very tahlented pa.", Dagdag kwento nya. Blah blah blah   Okay na nga sa akin na sobrang ingay at daldal nya kahit hindi ko sya naiintindihan basta wag lang sya susuka. Kaso hindi pa sya nakuntento sa kwento nyang barbero at umasog pa sya palapit sa upuan ko. When she was close naamoy ko agad ang magkahalong amoy ng alak at suka nya. Tiniis ko nalang yon cause I don't really want to be rude to her even though I want to push her right away. Mahina kasi ang sikmura ko sa ganitong mga bagay. I mean, I can easily be influence by it and before I know it ay parang masusuka na din ako.   "Pwede bang tumahimik ka muna? You might even vomit here.", Bawal ko sa kanya nung hindi ko na matiis ang amoy nya at ang ingay nya. Pero huli na ko sa sinabi kong yon dahil nakita kong naduduwal na sya. I cannot think of anything para pigilan sya kaya naman nung nag suka na nga sya sa sasakyan ko ay wala na akong nagawa.   Kinuha ko nalang ang panyo ko at itinakip ko sa ilong ko yon. The sickly stench made me want to vomit too. Hindi ako maselan, I was just born like this.   Huminto sya saglit sa ginagawa nya tapos ay sumandal sa car headrest and then maya maya I saw her leaned over and threw up again. Matagal din syang ganon hanggang sa manlambot na sya at makatulog nalang sa pwesto nyang nakayuko. Medyo naawa nga ako sa kanya kaya tinulungan ko syang umayos ng upo and I even wiped her dirty mouth. Bagay na hindi ko na pala dapat ginawa dahil nagkaroon lang sya ng pagkakataon na yakapin ako. She hugged me like a pillow on her bed and I don't like that. Kaya inilayo ko nalang ang sarili ko sa kanya buong byahe.   "Boss ako nalang po ang magbubuhat kay ma'am.", Presinta ni Bruno nung huminto na ang mga sasakya namin sa tapat ng Bel-air Hotel na pag aari ng pamilya ko.   "No, ako nalang. Magpahinga na kayo nila Mang Ban. Masyado na kayong over time.", Dismiss ko sa kanila.   Actually ay galing kasi ako sa birthday party ng isang business partner at ginabi na nga ako don. Nung time na nadaan kami sa Crowbelt street ng ganong oras ay timing na nakita nga namin si Drizelle.   "Thank you boss, mauna na po kami.", Paalam nila sa akin. Tumango lang ako at kinuha ko na nga buhat sa backseat ang lupaypay na lasenggera bago pa umalis yung sasakyan.   Alright, I didn't expect that she was this heavy even though she was slim. Kung alam ko lang ay kay Bruno ko nalang sya pinabuhat.   "Sir, ano pong nangyari kay Ms. Driz?!", Nag aalalang tanong ng secretary ko na si ate Zonia. Sinalubong nya agad ako sa entrance pagkakita palang nya sa akin.   "She's drunk again.", Sagot ko lang. Actually ay nagulat ako pagkakita ko kay ate Zonia. Nauna na kasi syang umalis ng party dahil may sakit daw ang anak nya, how come na nandito pa pala sya.   "May naiwan akong papers sa office sir kaya bumalik ako dito.", Inform nya sa akin nung makita nya yata akong naka kunot noo. As expected from her, kabisado na nga nya talaga pati expression ko.   Anyway, mainam na rin na nandito pa rin pala sya.   "I need room 368. And if you still have time please inform them, I need a female assistant.", Bilin ko.   "Yes sir.", narinig ko na response ni ate Zonia at kumilos na rin sya agad.   After that I immediately went to the elevator with my burden. Kasunod ko ang dalawang bell boy na naka assist naman sa akin.   After almost 20 minutes ay mahimbing ng natutulog si Driz sa kama. Salamat sa halos apat na babaeng nagtulong tulong na linisin sya kaya ganito na sya ka komportable ngayon.   "Ang ganda talaga ni Ms.Driz, mukha syang anghel pag natutulog.", Comment ni ate Zonia habang inaayos nya ang pagkakakumot kay Drizella. "Kung hindi ko nga alam na mag kapatid na kayo ngayon, bagay na bagay talaga kayo Wren.", Baling naman nya sa akin nang naka ngiti.   "Is it even a joke?! Madaling araw na, gusto mo pang magpatawa. Hindi ka pa ba hinahanap ng asawa mo?!", Natatawang biro ko.   "Speaking of the devil. Nandiyan na sya sa baba.", Nakangiting ikinaway pa nya sa akin ang cellphone nyang may caller name ng asawa nya. "Mauna na ako ha, don't worry kahit overtime ako ngayon aagahan ko pa rin bukas para sa meeting. Pero wag mo kalimutan ang increase ko ha, mahal na ang gatas ng inaanak mo ngayon.", Natatawang paalam nya sa akin bago tuluyang lumabas ng kwarto.   Natatawang nasundan ko nalang sya ng tingin. Mabiro talaga sya pag kaming dalawa lang but very professional pag may ibang tao kaming kasama though sa closeness namin ay para na nga kaming mag kapatid. We have known each other way back 10 years ago dahil sa resort namin sa probinsya sya unang nag trabaho. She's already 29 years old, happily married to my friend Brand who's 25 years old like me.   Natigil ang pag iisip ko nung marinig ko si Driz na umungol. She said "mommy , daddy" ng paulit ulit basta something like that. Pero hindi ko na sya ginising since mukhang hindi naman sya binabangungot.   "She looks like an angel huh?", Sabi ko habang nakatingin ako kay Drizella. Naalala ko kasi yung description kanina sa kanya ni ate Zonia.   An angel? Maybe, if not because of her behavior and attitude lalo na ang paraan nya ng pananamit. Walang anghel ang magsusuot ng mga damit na kita na ang buong langit nya just to make a man's life hell out of lust for her. Sabagay, "to attract rich men with her charm and beauty is her top priority," yan ang natatandaan kong sabi nya sa akin dati. No wonder, papalit palit sya ng boyfriend just like changing clothes and she doesn't even give a damn to what other people will think of her.   I guess, the saying "like mother like daughter", fitted them very well. Dahil alam ko na ganon din ang ginawa ng nanay nya sa tatay ko.   My father was a well-known business man, though hindi ko sya nakasama sa paglaki ko ay alam ko na babae ang kahinaan nya. Yun nga ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ng mother ko, who committed suicide later on.   Nung magpakasal ulit si Papa ay nagkaroon din sila agad ng problema ng bago nyang asawa and he blamed me for that. Naghiwalay daw sila dahil isinumbong ko na may babae pa syang iba at balak ko daw talagang siraan sya, so on and so forth.   My father and I quarrelled all the time hanggang sa mapuno na sya at itakwil na nya ako bilang anak nya. I'am only 10 that time at sa province na nga ako lumaki, sa poder ni auntie Porisa, kapatid sya ni Mama. Simula noon ay wala na akong narinig na kahit anong tungkol kay Papa bukod sa papalit palit sya ng mga babae nya.   Then one day, I heard that he was remarried to a young widow with two children. That time kasi ay may communication ako kay Tiffany, ang half sister ko sa second wife ni Papa and she told me everything she knew. Anyway, wala naman akong paki alam that time so I didn't take seriously whatever I heard. Kaya nagulat nalang ako, six months after nyang ikasal ay namatay ang Papa ko. I know I am not in a position to ask questions because I abandoned my responsibility to him as his son when he was still alive. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag isip ng hindi maganda.   When Atty.Lisyo summoned me, I was  23 that time. I finally met my father's new family, my step mom, Ava who's already at her mid 50's but looks younger because of her enchanting beauty. Her two daughters, Mavis who's at my age and married to a rich man recently and ofcourse Drizella, the youngest and prettiest but most dangerous one. And I'm very aware of that.   Isang beses pa ay tinignan ko sya. She is resting just fine. I know that this is the only way I can get near her because we both know that the two of us are miles away from each other. And will never be closer even as siblings.   Itutuloy...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD