Chapter 4

1791 Words
CHAPTER 4 "Diyos ko Lord, hindi nga ako namatay sa tama ng bala ng baril pero sure na mamamatay naman ako nito sa dehydration.", Reklamo ko sa utak ko.   Bakit kaya sobra ang kalasingan ko? Nagtataka talaga ako dahil hindi ako tumitikim ng alak dahil mabilis nga ako malasing. I mean iniiwasan ko na talaga yon dahil nung huling malasing ako sa debut ng pinsan ko ay madami akong nakakahiyang bagay na ginawa.   Kwento nila sa akin, bukod sa pag sayaw ko sa ituktok ng lamesa ng naka underwear lang ay doon pa nga daw ako sumuka ng sumuka. Kahit medyo bata pa ako nung nangyari yon ay nakakahiya pa rin talaga!   "Ma'am okay lang po ba kayo dyan?!", Narinig kong tanong ng isang babae na kumatok pa sa may pintuan.   "O-okwey leng!", Medyo bulol at pa slang ko pang sagot. Di ko mapigilan ang kusang pagbaluktot ng dila ko.   "Naiwan nyo po kasi yung bag nyo sa counter, dinala ko na po dito dahil baka mawala don.", Narinig kong sabi pa nya.   Kaysa sumagot ulit ay nag try ako na tumayo. Pero halos mabuwal ako dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko.   Naiinis na tinanggal ko ang suot kong sapatos. Sino ba kasi ang sira ulong nagpa suot sa akin ng five inches high heel shoes? Hindi ako sanay sa ganito kaya lagi lang akong naka rubber shoes.   "Senk yu.", Sabi ko nung kunin ko yung bag na inabot nung babae. Hindi ko alam kung nasabi ko ba ng tama yon dahil nagtu-twist ang dila ko.   Pagka abot nung babae ay umalis na agad sya.   "Kanyinyo bah tho?!", nagtatakang tanong ko habang tinitignan ko yung bag. Hindi kasi yon yung bag pack ko kundi handbag na kulay itim. Sosyal yon at talagang mukhang mamahalin.   Hahabulin ko nga sana yung babae para ibalik yung bag. Pero agad ko nang nakalimutang gawin ang bagay na yon nung napagtuunan ko ng pansin ang nakikita kong repleksyon ko sa salamin.   "Oh my God!!!", Nasambit ko nalang dahil sa nakikita ko. Feeling ko ay bigla ngang nawala ang kalasingan na nararamdaman ko eh.   Hindi makapaniwalang napahawak pa ko sa sarili kong mukha. Oo nga at ako pa rin to, pero pano ang nangyari at ganito ang itsura ko? I mean, I look like a total b***h! Sa suot ko palang na pang haliparot ay mapagkakamalan akong pick up girl nito. Mini dress na nga yon ay naka pa-tube pa. At ano kaya itong nasa kaliwang balikat ko? Nagtatakang napahawak ako don.   Tattoo?   Flower design iyon at may kalakihan. I'm not into tattoo! Kaya paano nangyari na mayroon ako nito?   Kakaloka ha!   At ang make up ko, sus! sobrang kapal! Dinaig ko pa ang mga babae nagta-trabaho sa mga cabaret eh.   At dahil apura ang pagluluha ng mga mata ko sa kakasuka ko kanina ay kumalat na ang mascara at eyeliner ko sa buong mukha ko. Ngayon ay mukha na kong ARUHA.   (aswang na bruha)   Uuga uga akong lumapit sa may sink at nag hilamos. But I made it worst dahil lalo pa yung kumalat. Wala talaga kasi akong alam tungkol sa make up. Usually ay lip gloss lang ang ginagamit ko.   Naiinis na kumuha ako ng tissue na nandon at pinunasan ko ang basa kong mukha. Hindi ko na mapapaganda pa ang itsura ko dahil talagang nahihilo na ko kaya hinayaan ko nalang yon.   Papaalis na sana ako ng CR ng bigla kong mapansin ang mahaba kong buhok. Pero dahil akala ko ay namamalikmata lang ako ay hindi ko na rin yon pinagtuunan pa ng pansin.   Dala ang handbag at high heel shoes ko ay susuray suray akong lumabas ng CR. Nung marinig ko ang malakas na tugtugan at sigawan ng mga party people ay don ko lang naisip na nasa isang club pala ako.   Ewan ko ba at bigla ay parang gusto ko pang maki sayaw. Kung dala yon ng pagka lasing ko o pagka baliw ko ay hindi ko alam! So eto at habang nasa katinuan pa ako ay pinilit ko ng maka exit.   "Neshen nemern kheya eko?!", Mukhang tangang kausap ko sa sarili ko habang iniikot ko ng tingin ang lugar kung nasaan ako. Ewan ko ba kung mata ko nga ang umiikot o it's another way around dahil talagang nahihilo na ko.   "Crowhbhellt?", Basa ko don sa signage.   "Anho khayang lhugar to?!", Napakamot pa ko sa ulo ko dahil kahit anong isip ko ay hindi pamilyar sa akin ang lugar na nabasa ko.   Naisip kong tumawag nalang ng taxi pero ni wala akong makitang dumadaang sasakyan sa may highway. Mana pa ay yung mga naglalandiang party people na nasa paligid ay marami.   Nung mainip ako ay sinimulan ko nalang ulit ang maglakad kahit pa nga ba di ko makontrol ang balance ko at ekis ekis ang paglakad ko.   "Driz! Wait up! Please mag usap muna tayo.", Narinig kong sigaw ng palapit na lalaki tapos ay hinawakan pa nya ko sa braso.   "Shino ka nemern?!", Nagulat at nagtatakang tanong ko.   "Don't play fool of me Drizella. Hindi ako papayag na bigla ka nalang makipag split sa akin. I spent so much for you! Ganoon nalang ba yon ha?", Masama ang loob na sita nya sa akin na nagpataas ng kilay ko.   Okay, he's cute. Actually ay kamukha nga nya si Mark Herras nung kabataan nya sa palabas na starstruck. Kung tutuusin ay okay na rin syang maging boyfriend material. Yun nga lang, hindi ko sya kilala!   "Shorry ah phero di kita khilala. Khaya phlease lang lubhayan moh na kho.", Namumungay ang mga matang sabi ko sa kanya. Binawi ko din ang braso ko sa pagkakahawak nya at tumalikod na ko.   Ang sama na kasi ng pakiramdam ko kaya gusto ko na talagang umuwi, maligo at MATULOG!   "Ano ba yang sinasabi mo ha? Anong hindi mo ko kilala eh boyfriend mo nga ako! Please, don't do this to me! Mag usap muna tayo!", Galit at kulang sa pasensyang sabi nya tapos ay hinawakan nya ko ulit. This time ay mas mahigpit na iyon kaya nasaktan na ko.   "Anoh bah, nasashaktan ako! Bihtiwhan moh ngah akoh! Shinabi ng hindi ngah kita kilala!", Galit na ring sigaw ko tapos nung ayaw pa rin nya kong tantanan ay pinaghahampas ko sa kanya ang dala kong bag at sapatos.   Nung makawala ako sa pagkakataban nya ay nagtatakbo ako kahit halos matumba ko dahil sa pagkahilo ko.   "s**t!!! Drizella!!! Bumalik ka dito!", Tawag nya sa akin sa boses na parang nasasaktan. Narinig ko pa nga ang paulit ulit nyang pagmumura.   Nung nahabol nga nya ako ay nakita kong may dumudugo sa gawing noo nya. Doon siguro tumama yung sapatos na ipinalo ko sa kanya kanina.   "Saan ka pupunta?!", Sabi ng isa pang lalaki na sumalubong sa akin sabay dakma sa mga kamay ko.   Napatili tuloy ako sa gulat at takot. Kakatapos lang ng trouble ko sa mga lalaki kanina ay eto na naman po ako. Wala na yatang katapusan ito!   "Sasama ka sa amin sa ayaw at sa gusto mo!", Pamimilit ulit sa akin ng BF ko daw tapos ay dalawa na silang kumakaladkad sa akin. Yung isa nga ay tinakpan pa ang bibig ko para hindi ako makasigaw.   Nanlaban ako pero wala na talaga akong lakas na natitira dala na rin ng kalasingan kaya nagagawa na nilang gusto nila.   "Let go of her!",sigaw ng isang ma- awtorisadong boses buhat sa likuran namin. Sabay sabay pa nga kaming napatingin doon sa nag salita eh.   At nung makilala nila yung may ari ng boses ay feeling ko natakot agad sila. Ewan ko ba kung anong nangyari at parang magic na otomatik nila akong binitawan. Yung parang nakita nila si Superman at sa takot nila ay parehong nabahag ang mga buntot nila at nagtatakbo nalang palayo.   Yun nga lang eto at naiwan naman nila akong walang poise. Dahil nga malalay lang ang pagkakatayo ko ay agad akong napa upo sa sahig nung bitiwan ako nung dalawang bugok.   Mabigat man ang pakiramdam ko ay pinilit kong tumayo at lumapit don sa lalaki para magpasalamat. Kaya lang nung makalapit naman na ako sa kanya at nakita ko na finally ang itsura nya ay bigla namang napatulala ako sa harap nya sabay sabing. "Hang gwapho moh nemern.", Nang walang kakurap kurap.   (Ang gwapo mo naman <= subtitle)   Ewan ko lang kung gano ako katagal na nakatitig sa kanya. It's not like ngayon lang ako nakakita ng gwapo ha. I mean, hindi ko ma explain ang nararamdaman ko, basta ang masasabi ko lang ay na love at first sight yata ako sa kanya? Sabi nga sa kanta ng 6cyclemind na Prinsesa, "wala pang isang minuto ay nahulog na ang loob ko sayo." Feeling ko kasi sya ang exact definition ko ng salitang "dream boy."   Well, what's not to like about him?   I like him being so gwapo. He's tall! 5'11" or 6ft yata. He's wearing eyeglasses, weakness ko pa naman ang mga guy na mukhang genius! And ofcourse, maganda syang magdala ng tuxedo like my daddy, ganoon kasi ang suot nya ngayon. And more importantly, I think he's already matured enough to handle a romantic relationship unlike yung mga ka edad ko na napaka childish! <=(Stating the reason why I am a member of NBSB - no boyfriend since birth)   So eto nga at hanggang ngayon ay nasa moment pa rin ako na na-stunned ako ng presensya at good looks nya. Although naka tingin din naman sya sa akin ay hindi ko masabi kung ano ang reaction ng mukha nya. Alright, I guess he's a person with a poker face but that fact doesn't changed anything dahil gusto ko pa rin talaga sya.   I cleared my throat to thank him and ofcourse para na rin tanungin ang pangalan nya ng biglang nakaramdam naman ako ng pag baligtad ng sikmura at ang urge na sumuka ulit. So I automatically turned around tapos ay lumayo ako sa kanya at sa plant box na nandon ay sumuka ako ng sumuka.   Arg! Nakakahiya!   Yung parang gusto ko nalang mawala sa kinalalagyan ko ngayon!   Arg pa ulit! Kasi ay nakaka inis!   Sobrang wrong timing naman ng pangyayaring to! Kung kailan ko nakilala ang dreamboy ko ay tsaka naman panira ng moment ang kalasingan kong ito!   Nung makaramdam ako ng kaginhawahan ay nilingon ko agad yung pwesto nung lalaki kanina pero wala na sya don. Grabe! Sobra ang panlulumong naramdaman ko. Pero bago pa man ako maka move on ay bigla nalang may isang malaking lalaki ang lumapit sa akin tapos ay walang pasabing binuhat ako at isinampay sa balikat nya na parang may dala lang ng isang sakong bigas.   "Hoy, ene be! Ibwabah moh nga akho!", Paulit ulit na sigaw ko with my hindi mapigilang slurred speeching.   Sino kaya ang lalaking to? At saan naman kaya nya ko dadalin?   Itutuloy...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD