Chapter 3

1765 Words
CHAPTER 3                                 "Hoy, ikaw! Akin na yang gamit mo!"narinig kong sabi ng lalaki.   Dahil nakayuko ako ay hindi ko na namalayan na ako na pala ang kausap nya. Kaya nagulat pa ako nung alisin niya ang suot kong balanggot gamit ang dulo ng baril na hawak nya.   Sa nanginginig na kamay ay ini abot ko ang bag pack ko sa kanya. Kinuha niya ‘yon tapos ay ibinaba din sa dulo ng kinauupuan ko.   "Mukhang mas interesado ako sayo kaysa sa bag mo!" sabi niya sa akin at sinenyasan niya akong tumayo. Pero dahil para na nga akong na estatwa sa takot ay hindi agad ako nakasunod sa sinabi niya kaya binulyawan pa niya ako habang nakatutok sa akin ang hawak niyang baril.   Nagulat ako sa kaniya at lalong natakot kaya automatic na napa iyak na lang ako. At sa nanghihinang katawan ay pinilit kong tumayo at lumapit sa kaniya tulad ng utos nya.   "Kung sinu-swerte ka nga naman oo!" masayang sabi nung lalaki habang hinahaplos haplos ang mukha ko. Sa takot ko at pandidiri ay lalong bumalong ang mga luha ko pero hindi ko magawang kumilos o magsalita man lang para kontrahin sya.   "Ang ganda mo! Sasama ka sa akin babae!" gigil na sabi niya tapos ay ini angat niya ang kalahating takip ng mukha nya, exposing his mouth tapos ay tinangka niyang halikan ako.   Doon sa part na ‘yon ay hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas at nagawa kong iiwas ang mukha ko tapos ay dinuraan ko siya at minura!   Isang malakas na sampal ang otomatikong nagpabiling ng mukha ko. Sa sobrang sakit nga ay halos mangapal ang mukha ko at umugong ang tenga ko eh.   "Ganyan ang mga gusto ko sa babae! Palaban! Pero wag mo na akong duduran ulit dahil sa susunod ay papatayin na kita! Naiintindihan mo ba ha!", Sigaw niya sa mukha ko at hinablot pa niya ang buhok ko pasabunot. Mukhang nainsulto talaga siya sa ginawa ko kaya halatang inis na inis tuloy siya sa akin. "Sumagot ka!"   Umiiyak na napilitan akong tumango.   "Sasama ka sa akin at paliligayahin mo ko!" sigaw niya ulit sa akin sabay pagalit na binitawan ang buhok ko.   Sa lakas nga ng impact non ay napaupo akong bumalya sa upuan ng bus. Buti na lang ay malambot.   Hindi ko man gusto ang umiyak ay nagpatuloy na lang sa pagtulo ang mga luha ko dahil na rin siguro sa sakit ng anit ko sa pagkakasabunot niya sa akin at sa pagkakatulak.   "Tama na Cobra! Wag mo siyang saktan!" sigaw nung isa sa holdaper na galing sa entrance ng bus. Tapos ay humahangos niyang itinulak yung lalaking malaki ang katawan. Ikinagulat ‘yon ng lahat.   Off guard yung lalaki kaya tumalsik din siya sa gawing dulo nung bus.   "Ako to, ako to! Huwag kang matakot!", Sabi nung lalaki na nakatayo sa tapat ko. Nagtanggal siya ng takip ng mukha niya at nakilala kong siya yung walang modong lalaki kanina na nanonood sa pagtulog ko.   "Putang ina mo bungi! Gago ka talaga! Nakuha mo na ngang itulak ang nagpapalamon sayo ay nagtanggal ka pa ng maskara mo! Ang tanga tanga mo!" galit na sigaw nung lalaking tinawag na cobra tapos ay sinaksak niya ng kutsilyo sa tagiliran yung tinawag naman niyang bungi na agad namang napahiga sa sahig at napaiyak sa sakit.   Nanlaki ang mga mata ko at napa tulala ako sa nakita ko. Ni hindi ko man lang nakuha ang tumili dahil sa shock. Ipinag tanggol lang ako ng taong ‘yon pero walang awa din siyang tinalo ng kasama niya kahit magkakilala pa sila.   Basta sa part na ‘yon ay nagkagulo gulo na silang lahat. Silang tatlong holdaper dahil naki alam na din yung isa pang lalaki. Pati ang mga sakay na tulad ko ay kaniya kaniya na ring takas.   Nung makasilip ako ng chance ay agad kong dinampot ang bag pack ko at nagmamadaling bumaba na din ako ng bus. Muntik pa nga akong mapatili nung sa di kalayuan ay napatid pa ko dahil sa dilim ng gabi. At ganoon na lang ang pagkabigla ko na patay na mga katawan pala ng driver at kundoktor ang mga yon. Hindi ko alam kung paano sila pinatay pero kapwa sila duguan nung masinagan sila ng liwanag ng buwan.   Kahit nangingibabaw ang takot ko ay binuo ko ang loob ko at binilisan ko ang pagtakbo ko. Habang umaalis ako sa lugar na ‘yon ay walang tigil ang pagpatak ng luha ko dahil sa takot at pangamba. Wala na akong paki alam kung sobrang putik pa ng bukirin na tinatahak ko o dumi ba ng hayop yung nilalakaran ko. Basta lakad takbo ang ginawa ko makalayo lang talaga ako. Ni hindi na ako nag abalang lingunin ang pinanggalingan ko kanina.   Nung tingin ko ay medyo malayo na ang nararating ko ay nagtago muna ako sa likod ng isang malaking puno na nakita ko don.   "Diyos ko, tulungan nyo po ako.", habol ang hininga na sabi ko habang nagmamadaling binukasan ko ang bag pack ko. Hinanap ko ang cellphone ko at binuksan ko agad yon. Umaasa ako na makakahingi ako ng tulong. Pero ganoon na lang ang panlulumo ko nung ilang saglit pa ang lumipas ay wala talagang signal sa lugar na kinalalagyan ko.   Nag simulang pumatak na naman ang mga luha ko kung sa takot ‘yon o awa sa sarili ko ay hindi ko na alam. Basta tahimik akong umiiyak dahil nawawalan na ako ng pag-asa.   Ayaw ko pa kasing mamatay. Bata pa ako at marami pa kong pangarap sa buhay.   "Mommy, Daddy...tulungan nyo ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam! Natatakot ako... natatakot ako,” hinagpis ko habang niyayakap ko ang aking sarili.   Noon ko lang din napansin ang amulet na pinabaon sa akin ni Eunice na nasa tabi ko na pala. Nung kinuha ko ‘yon at isinuot sa akin ay mas lalo akong napaiyak.   "Eunice... Kung nakinig lang sana ako sayo... Kung hindi sana ko naging pasaway at matigas ang ulo ay hindi mangyayari to,” emosyonal na sabi ko habang hinahawakan ko ng mahigpit yung amulet sa tapat ng dibdib ko.   Kung bibigyan lang talaga ako ng pagkakataon na makatakas sa sitwasyon ko ngayon at hahayaan akong mabuhay ng Diyos ay ipina pangako ko na magiging masunuring anak na ako at mabait na kapatid.   Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramdaman ko na parang may mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko kay mabilis kong kinuha ang gamit ko at tinangkang umalis.   Pero ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng isang malakas na putok ng baril ang parang echo na umalingawngaw hindi lang sa tenga ko pero sa buong pagkatao ko.   Nagulat ako ng biglang may naramdaman akong mainit buhat sa gawing tiyan ko. Hindi ko alam kung masakit ba ‘yon o mahapdi, basta mainit! Wala sa sariling napahawak ako don. At ganoon na lang ang pagkabigla ko nung makita ko ‘yung kamay ko na puro dugo.   That's when I realized na nabaril pala ako. Doon ay automatic na umikot ang paningin ko at nahilo na ko. Tsaka ko tuluyang naramdaman ang burning sensation na hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko. It was hell, sobrang sakit at sobrang init na parang may pumupunit ng kalamnan ko sa gawing tiyan ko.   Gusto kong paglabanan ang nararamdaman kong ‘yon pero bigla na lamang akong tinakasan ng lakas at nanlamig ang buong katawan ko hanggang sa naramdaman ko na lang na bumagsak na pala ako sa lupa. I gasped for air pero sadyang napaka hirap ng gawin non para sa akin.   Bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko ay tanging ang madilim na kalangitan na lamang ang huli kong natatandaan at ang biglang pagsabog ng isang nakaka silaw na liwanag.   *********   LIME PUB & GRILL D CITY, CROWBELT Year 15-X29   I gasped for air pero sadyang napaka hirap ng gawin non para sa akin.   Kaya ganoon na lang ang pagtataka ko nung biglang maging maayos ang paghinga ko. Alam mo ‘yung pakiramdam na para akong nasa ilalim ng tubig ng napaka tagal na panahon? ‘Yung I'm struggling to breathe tapos ay nagkaroon ako ng chance na huminga ulit sa surface bago ako tuluyang mapagutan ng hininga? Ganito yon!   Parang isang himala na muli akong nabuhay!   Sigurado ako na tinapos na ng bala ng baril ang buhay ko kanina nung biglang pumutok ‘yon at tumama sa akin. Though hindi ko na nakita kung sino ang gumawa non ay naramdaman ko na may tama talaga ako! Mainit ‘yon at sobrang sakit pa nga, tapos ay halos maligo na ko sa sarili kong dugo.   Dito ‘yon sa gawing tiyan ko.   Agad ko ‘yung tiningnan at sinalat pero wala akong nakita na kahit isang patak ng dugo, manapa ay suka.   Iww.   At wala akong naramdamang mainit o sakit ng sugat maliban lang sa pag-asim ng sikmura ko. At ang urge ko na mag suka.   So ayun nga, sa sama ng pakiramdam ng tiyan at sikmura ko ay halos isuka ko na ata lahat ng katas na meron ako. Kung hindi nga lang siguro masama na sa pagkatao ko ay baka kasama ko na ring na isuka ang mga bituka ko dahil wala na akong mailalabas pa pero nasusuka pa din ako.   "Ano bang nangyayari?!" nalilitong tanong ko sa sarili ko nung sa wakas ay medyo naka ramdam ako ng kaginhawahan. Pinahiran ko ang bibig ko at nanghihinang napa sandal ako sa pader na nandoon.   Nung mahimasmasan ako ay tsaka ko lang na realized na nasa loob pala ako ng isang toilet cubicle. Actually, nakahandusay akong nakaupo sa sahig nito ngayon at walang lakas ng katawan na tumayo man lang.   Nagtataka talaga ako dahil sure ako na nasa gitnang bukirin ako kanina kaya how come na nasa ibang lugar naman ako ngayon? And worst nandito ako sa CR at mukhang sobra ang kalasingan ko.   Nung mapa tingin ako sa bowl na kayakap ko kanina ay biglang bumaligtad na naman ang sikmura ko at nasusuka na naman ako. Kaya syempre ay automatic na naman akong gumapang palapit sa kawawang bowl na halos mapuno ko na ata at tumawag na naman ako ng uwak.   (Uwak uwak - term na gamit ng mga kaibigan ko ‘pag may nasusuka dahil sa katimawaan sa alak)   So, ayon...   Suka na naman ako nang suka na halos laway ko na lang ‘yung nailalabas ko.   "Diyos ko Lord, hindi nga ako namatay sa tama ng bala ng baril pero sure na mamamatay naman ako nito sa dehydration,” reklamo ko sa utak ko.   Itutuloy...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD