Chapter 2

1879 Words
CHAPTER 2   "Pano ‘yung mga ancestral house natin? Baka maremata ‘yon ng bank, alam mo naman na makasaysayan ‘yon para sa pamilya nina Mommy, ‘di ba?” tanong ulit niya.   "Hayaan mo na yon, sobrang luma naman na ng mga yon. Si Mommy na lang ang hindi maka move on. At wag mong problemahin na baka ikaw ang ipakasal nila kapalit ko dahil 17 ka pa lang. Bawal yon, underage ka, okay?" sabi ko habang nagmamadali kong sinuklay ang maikli kong buhok at nagsuot ako ng cap.   "Ate Driz, wag mo na lang kaya gawin to? Alam ko na lagi kitang inaaway and maybe you're so sick of me kaya gusto mo na rin ako iwan. Pero ate hindi ako sanay ng wala ka dito so please wag ka ng umalis o kaya ay isaman mo na lang ako,” naiiyak na sabi ni Eunice at humarang pa siya sa dadaanan ko. Alam na alam niya kasi na nag mamadali na kong maka alis at baka biglang umuwi na ang mga magulang namin.   "Ofcourse not! Kahit pasaway ka more often than not ay love kita okay?! Kung love mo din ako please wag ka ng makulit unless gusto mo ko makasal sa matandang ‘yon at magkaroon ka ng brother-in-law na parang lolo mo na!?" nakataas ang kilay na taong ko sa kanya.   "Ayoko noh! Tsaka gusto ko ate ‘yung makasal tayo pareho sa taong gusto natin. ‘Yung bata lang at gwapo,” parang nangangarap na sabi pa ng bruha. I'm sure sa isa sa mga Kpop na idol niya ang naiisip nya.   "Iyon naman pala eh. So let me go okay?!" hinalikan ko siya ng mabilis sa noo at nagmamadali na kong pumunta sa labasan. Pero pinigilan na naman ni Eunice ang bag pack ko.   "Ano na naman ba Eun?!" medyo irritated ng sabi ko. Sobra na ang pande-delay sa akin ng kapatid ko na to oo.   "Dalin mo to ate,” sabi niyang hinubad ang suot niyang amulet. Necklace ‘yon na may vintage mirror na pendant. Tatlo kami nina Mommy na panata na yatang magsuot non as a protection pero ‘yung sa akin ay naiwala ko na.   "Kung balak mong mag byahe ng malayo ate po-protektahan ka nito sa paglalakbay mo tulad ng sabi ni lola nung nabubuhay pa siya kaya be sure na suot mo to ah,” mahigpit na bilin niya sa akin habang umakto siyang isusuot ‘yon sa leeg ko.   "Tatandaan ko yan pero mamaya ko na to isusuot ha,” nakangiting sabi ko. Kinuha ko ‘yung amulet at inilagay ko sa bulsa ng bag pack ko nung hindi na nakatingin si Eunice.   Sa aming dalawa kasi ay siya ang mas na-impluwensyahan sa paniniwala sa mga ganito. Sa totoo lang ay nangangati kasi ang leeg ko ‘pag suot ko ‘yon kaya sinadya kong iwala ‘yung sa akin. Tsaka hindi naman ako masyadong naniniwala sa mga amulets or talisman tulad ng pag-patronize ng pamilya ni Mommy sa mga ganoong bagay. Dahil para sa akin ay ang swerte ng tao ay nakaguhit na sa palad nya. Ang tawag don ay kapalaran, mangyayari ang naka tadhanang mangyari sa nakatakdang panahon at walang kahit sino man o anu mang proteksyon ang makapipigil dito.   Nung nakalabas ako ng bakuran namin ng walang problema ay sumakay agad ako ng taxi at nagpahatid sa terminal ng bus. Ang unang lugar kasi na naisip kong puntahan at pagtaguan ay ang Baguio City. Ilang beses na kasi kaming nakapaglibot doon kaya tingin ko ay hindi ako mahihirapan na mag isang manirahan doon sa loob isang linggo. Bukod kasi sa maraming hotel na pwedeng tuluyan doon ay gusto ko ang malamig na klima at mukhang safe ang environment.   Pagkaraan ng beinte minutos ay naisakatuparan ko na ang pagsakay sa airconditioned na bus papunta ngang Baguio City. Syempre as a preparation ay pinatay ko na muna ang cellphone ko para wala ng maka contact pa sa akin. Basic ‘yon para sa isang taong naglayas hindi ba?   "This is it Driz!" kausap ko sa sarili ko nung sa wakas ay naramdaman ko na ang pag-andar ng bus after ng 30 mins kong paghihintay.   Naka upo ako sa ika-limang hanay malapit sa driver seat. Bukod sa akin ay may mga ilang sakay pa kong nakita kanina. Ang alam ko ay magsasakay ang bus na ito sa mga taong papara sa mga madadaanang bayan sa probinsya kaya umaalis kahit hindi punuan ang sakay.   So eto nga at ilang minuto lang ay mabilis na ang takbo namin sa kahabaan ng highway.   At dahil gabi na at nakaka-antok sa byahe ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na makatulog. Sa isip ko kasi ay mahaba pa naman ang oras ng byahe ko kaya may chance pa akong makapag-sight-seeing mamaya paggising ko.   Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras dahil naging mahimbing ang pagtulog ko. Kung hindi nga lang siguro sa kakaibang pakiramdam ko ay hindi ako magigising.   Yung pakiramdam ng may mga matang nakamasid sayo, ‘yon ang naramdaman ko.   At ganoon na lang ang pagka bigla ko nung sa pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko ang isang lalaki na titig na titig sa akin. Naka upo siya sa kabilang upuan pero naka paharap naman siya sa akin.   Sa totoo lang ay di niya agad na notice na nagising na ako dahil hindi siya nakatingin sa mukha ko kundi ay pinapasadahan niya ng makamundong tingin ang katawan ko.   Ang manyak!   Sa kaba ko ay nayakap ko tuloy ng mahigpit ang bag pack na dala ko. Sa isip ko pa nga ay bakit ganoon makatingin ang loko na to sa akin gayong naka sweat shirt lang naman ako at pantalon. Ni wala nga siyang balat na makikita sa akin.   "Hi miss na maganda. Gising ka na pala. Alam mo bang ang sarap mong panoorin habang natutog ka ha?! Hehehe." Nakangising sabi ng lalaki habang malisyosong nakatitig sa akin.   Hindi ko nagawang sumagot sa kaniya kahit sobrang nabastusan ako sa ginawa niya at sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Nag alala kasi ako sa mga bagay na pwede pa niyang gawin sa akin kung hindi niya magugustuhan ang magiging kilos at pananalita ko.   Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya at nag kunwaring nakatingin sa labas ng bintana. Pero sa gilid ng mata ko ay lihim ko pa rin siyang pinag mamasdan.   Sa tingin ko ay nasa treinta na ang lalaking walang modo na to. Matangkad siya na payat at sa ikinilos niyang kagaspangan ay sigurado akong wala siyang pinag aralan. Sa gilid kasi ng vision ko ay nakita kong itinaas pa nga niya ang mga paa niya sa upuan ng bus kahit may putik pa nga yata ang mga sapatos nya.   "Miss,” tawag niya sa akin at pinaswitan pa niya ako. Hindi ako lumingon at nanatili lang ako na nakatingin sa gawing bintana.   "Miss, ‘pag hindi ka lumingon sa akin ay tatabihan kita,” narinig kong banta niya kaya wala akong naging choice kung hindi ang lingunin siyang hayop sya.   "Huwag kang matakot sa akin. Hindi naman ako nangangagat eh! Rawr!” biro pa niya na umaktong parang lion at humalakhak. Nakita ko tuloy ang maitim niyang gilagid at ang kulang kulang niyang ngipin.   Lalo akong natakot sa ginawa niyang yon. Kung biro kasi ‘yon ay hindi talaga nakakatuwa.   "Tumigil ka nga dyan bungi! Tinatakot mo yung mga sakay eh!", Narinig kong sabi ng isang lalaki na lumapit sa amin sabay hampas ng dala niyang bag sa ulo nung lalaking nang ha-harrass sa akin. "Miss pasensya ka na sa kasama ko ha. Wala kasi talaga tong good manners eh!" baling sa akin ng lalaki na tingin ko ay kasing edad ko lang. Sa isip ko ay mukhang mas matino ang isang ito lalo na at naisipan pa niyang palayasin ang walang modong lalaki sa tapat ng kinauupuan ko.   Pero ganoon pa man ang sitwasyon ay hindi man lang nabawasan ang agam agam sa dibdib ko lalo na at alam ko na nakamasid lang sila sa akin.   Pagtingin ko sa wrist watch ko ay 11:30pm pa lang. Sadyang napaka bagal ng oras at naging kainip inip ‘yon para sa akin. Kabaligtaran ng joy ride na iniisip ko kanina.   Ilang sandali pa ay huminto ang bus at may sumakay na mag ina. Nakita ko kasi silang umupo sa likod ng inuupuan ko.   Pagkaraan ng ilang minuto ay huminto na naman ang bus at may isinakay na naman. Ang ipinagtataka ko nga lang ay bakit parang lumiko kami ng way tapos ay dumaan pa sa mga baku-bakong lugar.   Lumakas lalo ang kaba sa dibdib ko ng parang biglang nag preno yung bus at halos masubsob kami sa paghinto non.   "Holdap ito!" maya maya ay malakas na sigaw ng isang lalaki.   Hindi ko pa siya natatanawan dahil nasa gawing unahan pa lang siya ng bus. "Ilabas nyo na lahat ng gamit nyo at wag nyo ng isiping manlaban dahil bubutasin ng baril na to ang bungo nyo!" malakas na banta pa nya.   Syempre ay wala agad sumunod sa amin dahil tulad ko ay mga hindi rin makapaniwala na nangyayari ngayon ang ganitong bagay sa amin.   "Ibigay nyo nang mga gamit nyo!" mula sa gawing likod ay sabi ng isang lalaki na naka takip ang mukha tapos ay kasunod niya ang isa pa na naka lingon sa gawi ko. Lalong nanigas ang likod ko sa takot.   Pareho mang nakatakip ang mukha nila ay alam ko na sila yung dalawang lalaki kanina. Kasamahan sila ng holdper kaya simula pa lang ay malakas na ang kutob ko na may masama silang balak sa amin.   Nakita kong pumunta silang dalawa sa gawing harapan at sapilitang isinama ang driver at kundoktor pababa ng bus. Samantalang yung isang lalaki naman na huling sumakay ay may dalang sako sa kaliwang kamay at baril naman sa kanan. Nagsisimula na siyang mangolekta ng mga gamit.   Isang sakay na lalaki ang unang nakabawi sa pagkabigla at nag lakas loob na manlaban sa lalaking nangungulekta ng gamit. Nagtilian ang lahat nung nag pang abot sila. Ilang segundo din silang nagbuno tapos ay bigla na lang bumulagta ang sakay na ‘yon sa harap namin ng wala ng buhay dahil sa pagtama ng bala ng baril sa ulo nya.   Sa tunog nang nakakabinging putok ng baril, doon na kami parang mga natauhan at mga nag panic! Ang iba ay napasigaw na talaga at ang iba naman ay napahagulgol na sa pag-iyak dala ng takot na nararamdaman.   "Tumahimik kayo mga punyeta kayo! Kung gusto nyong matulad sa lalaking yan, sige at kumilos kayo ng masama! Mga leche kayo!" galit na banta pa nung lalaki na may dalang mahabang baril. Ngayon ko lang nakita ang itsura ng katawan nya. Malaki siyang lalaki at malalaki din ang mga muscle niyang hapit na hapit sa suot niyang comouflage na sando. Para siyang isang bouncer na nagtatrabaho sa club.   Nakakatakot siya dahil para siyang hindi magpapahuli nang buhay!   Sa takot ko ay parang nanigas na nga ako sa kina uupuan ko. Ngayon ko gustong magsisi kung bakit nagawa ko pa ang maglayas at suwayin ang mga magulang ko. Eto tuloy ang napala ko!   "Hoy ikaw! Akin na yang gamit mo!" narinig kong sabi ng lalaki.   Itutuloy…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD