Chapter 1

1803 Words
CHAPTER 1 GRAND EVE HOTEL MANILA January 11,2021   DRIZELLA POV   "He wants to marry you Drizella,” seryosong sabi sa akin ni Daddy tapos ay tinungga niya ang natitirang brandy sa baso nya.   Hindi agad ako nakakibo sa narinig kong yon. Actually, ay para ‘yung bomba na sumabog sa isip ko.   Sa totoo lang ay narinig ko na ang tungkol sa bagay na yan isang araw na umuwi ako ng maaga sa bahay galing sa school. Narinig ko na may pinagtatalunan si Daddy at si Mommy something about me, marrying an old rich man to save our livelihood.   Nung una ay sumama ang loob ko sa mga magulang ko pero dahil matagal na panahon na rin ang nakakaraan simula ng araw na ‘yon ay nakalimutan ko na halos ang tungkol don at naisip ko nga na malayo sigurong mangyari ‘yon dahil hindi papayag si Mommy.   I mean, bukod sa 19 years old pa lang ako at hindi pa nakaka-graduate ng college ay ayaw ni Mommy sa mga arrange marriage dahil naaalala niya ang ate niyang nag-suicide dahil pinipilit na ipakasal ng lolo ko noon sa taong hindi niya mahal.   Umasa na ako sa resolve niyang ‘yon pero mali pa rin pala ako ng calculation dahil in the end ay papayag din pala si Mommy.   Nakakainis at ang weird ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa nangyayari o magagalit? Kasi ay parang joke lang lahat ito.   "Driz darling, wag ka sanang magalit sa amin ng daddy mo. Dahil wala na kaming ibang choice. Nalulugi na kasi ang negosyo natin at marami pa tayong utang na kailangan bayaran. Naalala mo ba anak ‘yung mga ancestral houses natin na pag-aari ng lola Antoinette mo? Iyong mga ‘yon ang unang mawawala sa atin at kukunin ng bangko ‘pag hindi tayo nakabayad. Alam mo naman kung gaano ka importante ‘yon sa pamilya ko, sa pamilya natin, hindi ba?!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Mommy sa akin habang hawak-hawak niya nang mahigpit ang mga kamay ko.   Nung hindi ako nakakibo kanina sa revelation ni Daddy ay agad siyang tumabi sa upuan ko at sinimulan niya ngang sabihin ang mga reasons niya sa pagpayag.   Alam ko naman na ang habilin ng lola ko kay Mommy sa huling hininga niya ay huwag pabayaan ang mga lumang bahay. Alam ko na importante ang mga ‘yon pero hindi ko akalain na mas importante pa pala ‘yon sa kaligayahan at sa future ko.   Nung mapatingin ako sa nakababata kong kapatid na si Eunice ay nakayuko lang din siya at hindi rin nagawang mag-react.   I'm sure ay very disappointed din siya ngayon just like me. Kasi nga akala namin ay may good news si Daddy kaya bigla siyang nag aya ng dinner sa isang cosy at private dining area na tulad nito, noon pala ay kabaligtaran yon.   Hindi ‘yon good news kundi ay isang freaking news!   "I don't know what to say, I mean, hindi ko alam na gusto pala ako ni Congressman Mauricio,” nagtataka at kunyari ay painosenteng tanong ko. Pero ang totoo, sa ilang beses naming pagkikita ng hayop na matandang ‘yon ay alam ko ng interesado siya sa akin. Ramdam na ramdam ko ‘yon sa mga uri ng tingin niya sa akin lalo na ‘pag nagka-chance siyang lapitan ko.   Bukod kasi sa client siya ng glass business namin ay close friend din siya ng lolo ko sa father side kaya nagkikita kami sa mga events. So ayon nga, minsan tatabihan niya ko at pupurihin niya ko na ang laking bulas ko daw sa edad ko, dahil siguro nga 5'6" ang height ko kaya nasabi niya yon. ‘Yung pwede daw akong model at artista dahil bukod sa maganda ang mukha ko ay long-legged pa daw ako. Minsan pinansin pa niya ang magana kong pagkain pero himala daw na slim pa din ako, maliit ang beywang tapos malaki ang balakang. Ang swerte daw sigurado ng boyfriend ko dahil ang sexy ko. ‘Yung mga ganoong usapan na hindi ako komportable ang lagi niyang sinasabi sa akin.   Akala ko ay hanggang ganoon na lang ang kamanyakan niya kaya hinayaan ko na lang sya. Kaya nga ngayon ay hindi ko lubos akalain na gagamitin niya ang paghihikahos ng pamilya ko para makuha niya ko ng tuluyan bago siya tumulong.   That dirty old man! Tuso na nga siya bilang politiko ay tuso pa rin siya pagdating sa mga taong nagpapakabait sa kanya!   "He's very fond of you anak at gusto ka niyang alagaan. Iyan ang sinabi niya sa amin ng daddy mo kaya napapayag niya kami. Ang sagot mo na nga lang ang hinintay namin eh,” sagot ni Mommy sa akin na parang gusto talaga akong kumbinsihin.   Nung marinig ko ‘yon ay gusto ko talagang mag mura pero pinigilan ko ang sarili ko. Abay gusto daw ako alagaan ng loko? Hindi siguro! Manyakin ay mana pa!   "Si congressman naman anak ay matagal ng hiwalay sa asawa nya. May mga anak man siya ay nasa ibang bansa namang lahat kaya hindi mo rin sila makakasama at wala kang magiging problema sa pakikisama. He's older than you, yes pero sure naman anak na magiging maayos ang buhay mo sa kanya, I mean ang buhay natin. He can give you everything you want. At nakasama naman siya ng pamilya natin ng maraming beses kaya alam natin na hindi siya masamang tao,” explain ni Daddy in support sa mga sinabi ni Mommy kanina.   "Wow! Hindi daw masamang tao? My ass!" gigil na sabi ng utak ko.   Tapos nung hindi pa rin ako kumikibo ay marami pa ulit siyang sinabi. Ginamit ni Daddy ang pananahimik ko para i-discuss ang mga expenses namin na hindi na daw kayang i-handle ng income ng business namin dahil bagsak ang ekonomiya. Ganoon at ganito, ganito at ganyan. Buti na lang daw at may heart of gold si congressman.   Basta laging merong si congressman!   "Driz..", Tawag sa akin ni Mommy habang hinawakan niya ang mukha ko. "I'm sorry darling for putting you in this situation. I'm sorry...", Sabi pa niya na hilam na sa luha ang mga mata tapos niyakap niya ko at don siya umiyak ng umiyak.   Nung makita ko ang mga luha ng mommy ko ay parang may kumirot sa dibdib ko. Hindi kasi ako sanay ng ganito siya dahil tulad ko ay lagi lang siyang jolly at mahilig mag patawa.   "My, wag ka ng umiyak please. Ayoko ng malungkot ka at lalong ayoko din ng may mabigat na problemang iniisip si Daddy."   Ginantihan ko ng yakap si Mommy at naramdaman ko na mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin at lalo pang umiyak. Nung humiwalay siya sa akin ay pinunasan ko pa nga ang mga luha nya.   "Naiintindihan ko po ang sitwasyon natin ngayon. It's not like end of the world na para sa atin gayong may paraan pa pala akong pwedeng gawin hindi po ba? I mean, Mommy utang ko sa inyo ni Daddy ang buhay ko at ang pagpapalaki sa amin ni Eunice. Very thankful ako don sa inyo kaya I think it's about time naman para makatulong ako sa pamilya natin," sincere na sabi ko.   Nakita kong nagliwanag ang mukha ng parents ko, ‘yung para bang nakakita sila ng liwanag sa panahon ng kadiliman.   "What do you mean, anak?!" anong ni Daddy para makasiguro sya.   "Daddy it's a yes. Payag po ako na magpakasal kay congressman Mauricio para sa pamilya natin kaya wala na po kayong dapat ipag-alala pa,” buo ang desisyon na sagot ko.   *******   A FEW HOURS LATER DE VERA'S RESIDENCE   "Ate Driz ano ba yang ginagawa mo? Bakit ka nag i-impake? Aalis ka ba?!" nagtatakang tanong ni Eunice habang nakasunod siya sa akin at pinapanood ang mga ginagawa ko.   Nauna na kasi kaming mag kapatid na umuwi ng bahay dahil nag paiwan pa ang mga magulang namin sa hotel dahil may panauhin pa daw sila.   Pagdating na pagdating ko nga sa bahay ay kinuha ko na agad ang malaking bag back ko at nag simulang mag pack ng ilang gamit.   Hindi ko alam na naiwan ko palang bukas ang pintuan ng kwarto ko kaya nasilip ako ng kapatid ko sa ginagawa ko at tuluyan na nga siyang naki usyoso.   "Lumabas ka na nga dito. Huwag ka ngang mang istorbo,” taboy ko sa kaniya habang hinahalungkat ko ang aparador ko.   "Ate don't tell me after mong sabihin na payag ka sa pagpapakasal sa matandang ‘yon ay maglalayas ka naman ngayon? You're so cool back then, saying it's a yes, Daddy! Sa totoo lang napa hanga mo nga ako don sa dialog mo eh tapos namemeke ka lang pala?” sita pa niya sa akin habang nakabuntot pa rin siya lahat ng puntahan ko.   "Yes! Trick lang yon! Para saan pa ang pagiging star ko sa theater's club ng school natin kung simpleng pag-acting lang ay hindi ko pa magagagawa di ba?" proud pang sabi ko habang binibilang ko ang pocket money na madadala ko sa pag-alis ko.   "Kaya lang pinaasa mo na si Mommy at si Daddy kanina. Bakit mo ‘yon ginawa ate? Sana sinabi mo na lang talaga sa kanila ang totoong nararamdaman mo di ba? I'm sure na maiintindihan ka naman nila."   "Kung nagalit ako at kumontra sa mga sasabihin nila kanina, tingin mo ba papauwiin nila ko ngayon dito sa bahay ng malaya? Ofcourse not! Grounded ako sigurado ng ilang araw at bantay sarado dahil maiisip nila na magiging option ko ang paglalayas."   "And you know me Eun, there's no way na magpapakasal ako sa isang taong hindi ko gusto and especially not to someone three times my age! Duh! Mas matanda pa nga ‘yon kay Daddy eh!" reklamo ko habang inilalagay ko ang mga toiletries sa bulsa ng bag ko tapos ay pumunta naman ako sa walk in closet ko ng kasunod ko pa rin ito.   "Kung aalis ka san ka pupunta? Mag aalala si Mommy at magagalit sayo si Daddy. Tsaka paano na ko dito? Mag isa na lang ako dito,” malungkot siyang naupo sa chair na nandon habang pinpanood niya ko sa pagpapalit ng damit.   "Don't worry sasabihan kita agad kung san ako mapupunta my dearest sister. Tsaka hindi naman ako maglalayas ng matagal. Ipapa-realize ko lang sa parents natin na mas importante pa rin ang isang anak kaysa sa perang kikitain ng business natin. I'm sure na ‘pag na miss nila ko, makaka isip na si Daddy ng alternative na paraan para sa negosyo natin. I mean ‘yung hindi na niya ko kailangan pang ipakasal, hano?"   "Paano ‘yung mga ancestral house natin? Baka maremata ‘yon ng bank, alam mo naman na makasaysayan ‘yon para sa pamilya nina Mommy, ‘di ba?" tanong ulit niya.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD