Chapter 10

1883 Words
CHAPTER 10 "Ma la pit na ba? Ang sa-kit na kasiii...", Parang robot na sabi ko. Pinilit ko lang kasi magsalita dahil feeling ko ay mamamatay na talaga ko.   "Driz ano bang nangyayari sayo?", Tanong ulit ni Wren sa akin. This time ay may pag aalala na sa boses nya. Lalo na at halos mahiga na ko sa kandungan nya. Hindi ko na kasi alam ang posisyon na gagawin ko para lang guminhawa ang pakiramdam ko kaya ang likot likot ko.   Ewan ko ba naman kung bakit napaka wrong timing naman ni tadhana! Twing kasama ko naman ang lalaking gusto ko ay laging kahihiyan ang ginagawa ko! Paano na ko makakapag maganda nito?   "No! Don't! Kapapalit ko lang ng sasakyan, hindi pa nga nalilinis yung sinukahan mo kagabi eh!", Mas nag aalalang sabi ni Wren nung nakita nyang parang naduduwal na naman ako.   Nakaka hurt dahil mas nag aalala pala talaga sya sa kotse nya kesa sa feelings ko.   "Malayo pa ba mang Ban?!", Narinig kong tanong nya sa driver.   "Boss malapit na po sana kaso traffic.", Inform nito at nag busina pa.   "Di ko na kaya. Mamatay na yata ako.", Parang batang iyak ko habang nakunyapit ako kay Wren. Parang sa paraan kasi na yon ay nakakakuha ako ng lakas. Feeling ko kasi ay mawawalan na ako ng malay.   Nung maramdaman ko na binuhat ako ni Wren palabas ng sasakyan at ma eksena kaming dumaan sa gilid ng kalsada para pumunta sa Emergency room ng hospital ay lihim akong kinilig. Parang isang scene sa pelikula na hinahawi pa ng mga bodyguard nya yung mga tao basta makadaan lang kami. Nung moment na yon ay kinapalan ko nalang ang mukha ko at yumakap na ko sa kanya. Dahil bukod sa feel na feel ko na buhat nya ko ay hindi ko na rin kaya tiisin ang sakit ng tiyan ko.   Pagdating namin sa ER ay isinakay na agad ako sa stretcher. Tapos ay dinala ako sa isa sa mga space na nandon, yung ang harang lang ay kurtina. Kasunod ko agad si ate girl na nurse na hindi na pinasama si Wren sa loob.   "Ano pong nangyayari sayo ma'am?!", Tanong agad nya sa akin tapos ay kinuhanan nya ako ng vital signs.   "Sobrang sakit na kasi ng tiyan ko nurse. Pwede kaya na gamutin nyo na ko please?!", Pagmamakaawa ko. Bukod sa namimilipit na ko sa sakit at butil butil na ang pawis ko ay hinang hina na rin ang pakiramdam ko.   "Yes ma'am, yun nga po ang gagawin natin.", Kalmadong sabi nya tapos kinuha nya ang chart nya. "Pangalan nyo ma'am?", Tanong ulit nya. Basta lahat ng tanong nya na alam ko ay sinasagot ko naman kahit nahihirapan na ako sa pagsasalita. "Ano ba ma'am ang huling kinain nyo po kaya sumakit ng tiyan nyo?!", Tanong nya ulit sa akin tapos sulat sulat lang sya ng mga sinabi ko. "Ma'am ang tanong ko po ay ano po yung huling kinain nyo kanina hindi po yung lahat ng nakita nyo sa menu.", Paninigurong tanong nya.   "Nurse yung sinabi ko. Iyon na yon.", Nanghihinang sagot ko.   "Totoo po ba? Ang takaw nyo naman pala kasi ma'am. Imagine kinain nyo lahat to, eh talagang sasakit ang tiyan nyo.", Tactless na chika pa nya sa akin tapos ay binanggit pa nya ng malakas yung mga pagkaing sinabi ko at parang natatawa sya.   "Nurse, alam mo ba na yung huling tao na pumuna sa kinain ko ay nasa kabilang buhay na ha?!", Biro ko sa kanya. Pero syempre alam naman nya na ang ibig sabihin non ay manahimik na sya.   "Sorry ma'am kasi kala ko ay joke lang din yon eh.", Apologetic na sabi nya.   "Sa kalagayan ko ngayon, tingin mo ay kaya ko pa talagang magbiro ha?!", Namimilipit sa sakit na sabi ko na naman.   "Isang tanong nalang po...", Sabi na naman nya na hindi na nya naituloy pa dahil hinawakan ko na talaga sya sa damit nya.   "Nurse, ako naman ang magtatanong? Gagamutin nyo ba ko o hahayaan nyo na lang na mamatay na ko dito?!", Halos maghingalo na ko sa sakit na nararamdaman ko.   "Gagamutin po! Sandali lang po!"   *** After 50 minutes   "Nurse, sorry kanina kung mainit yung ulo ko ha.", Apologetic na sabi ko nung natanawan ko sya sa kabilang bed. Nagkataon kasi na for release na yung nasa kabila kaya inalis na muna yung tabing doon.   "Okay lang po yon ma'am, usually naman po sa mga nakakaramdam ng pain ay masungit talaga.", Maunawain namang sagot nya.   "Thank you. Anyway, pwede ba malaman kung ano yung naging diagnosis sa akin ng doctor?!"   "Wag po kayo mag alala ma'am nagkaroon lang po kayo ng konting allergy sa seafoods na nakain ninyo. At dahil din po upset ang stomach ninyo due to alcoholic drinks hindi po nakabuti ang overeating nyo today. Hindi po tuloy kayo natunawan ma'am.", Explain pa nya.   Overeating? Hindi natunawan?   What the f**k?!   "Ah nurse, yung kasama kong lalaki kanina. Alam na ba nya?!", Bigla tuloy akong nag worry sa iisipin sa akin ni Wren.   Minus ganda points yon!   "Yung kasama nyo pong pogi? Baka hindi pa ma'am, gusto nyo po sabihin ko na?!", May kaartehang sabi nya.   "No, I mean pwede bang sabihin nyo nalang sa kanya na allergy yung diagnosis ko? Kasi di ba, nakaka wala naman ng poise kung malalaman nya na ang takaw takaw ko pala?! Babae ka rin kaya alam mo yung ibig kong sabihin di ba?"   "Kung boyfriend mo sya ma'am I think okay lang yon atleast po ay..."   "No! Hindi nga okay yon!", Sagot ko agad sa kanya. "I mean, hindi ko naman sya boyfriend."   "Manliligaw? O edi mas okay na makilala ka nya ma'am ng mas maaga. Naniwala kasi ako na.."   "Hindi nga okay! , I mean hindi ko rin sya manliligaw."   "Aba ma'am hindi ka naman pala nililigawan nung tao eh. Assuming ka lang po ba? O kaya ay umaasa?!", Tactless na sabi nito sa napalakas na boses nya.   "Ano ka ba!? Ang ingay mo naman eh. Sige na, sabihin mo nalang allergies. Promise babalikan kita dito at bibigyan kita ng reward!",Suhol ko pa sa kanya. Pero hindi na naka sagot ang bruha dahil biglang may humawi ng kurtina.   "Shet! Si Wren!", Napamura talaga ko sa isip ko. Wala pa man nangyayari ay talagang nahihiya na ko! And for the second time around ay nahiling ko na sana ay bumuka nalang ang lupa sa tapat ko at lamunin ako non! Huhu   Ipinikit ko nalang tuloy ang mga mata ko at nagpanggap na tulog.   "Do you think she will be okay?!", Narinig kong tanong ni Wren sa doctor na kasama nya. Shet naman at mukha pa yata silang magkakilala.   "Oo naman. Nothing serious pare.", Intro ni doc. "Nurse pahiram ng chart ng pasyente.", Request pa nito to check on my progress.   "Eto po doc."   "Anong oras nakatulog yung pasyente? Sabi kasi dito sa note mo ngayon lang she's conscious and coherent.", Nagtatakang tanong ni doc.   "Doc hindi naman sya natutulog kanina eh. Actually nga ay kinakausap pa nya ko ngayon lang."   Kahit hindi ko sila nakikita ay naramdaman ko na lahat sila ay nakatingin sa akin.   "Loko talaga tong nurse na to, ipapahamak pa ata ako."   "Anyway, okay lang din naman para maka recover sya ng mas mabilis. Binigyan ko na sya ng injectible meds for pain at pababaunan ko nalang sya ng ilang gamot for acidity."   "So what exactly happened to her?!", Narinig ko pang tanong ni Wren.   Eto na nga! Juice ko po Lord!   "It's overeating.", Sabi ni doc   "Overeating?!", Di makapaniwalang tanong ni Wren.   "O sya sige! Ulit ulitin nyo pa! Kakainis naman tong mga to! Nahihiya na nga yung tao eh."   "Seriously? but I don't see her eating.", Narinig ko pang sabi ni Wren.   Tama naman sya. Tulad din ng sabi ni ate Mavis kanina, yung AKO nga dito sa mundong ito ay very particular sa kinakain nya.   Diet conscious!   "Maybe it's because she watches her diet for most of the her life, and then she feels free to overeat today. Baka stressed sya sayo pare. Ganon kasi ang fiancee ko eh, when she's tired or stressed she tend to overeat ", Pag reason out naman ni doc.   "Pag nag overeat stressed agad?! Hindi ba pwedeng gutom na gutom lang?!"   "Bakit naman sya ang mai-stress sa akin? Hindi ba dapat ako ang mai-stress sa kanya?!", Biro ni Wren pero sa part ko ay ouch yon!   Truth hurts kasi!   "Ikaw stress sa kanya? Hmmm..", sabi ni doc na nag pause saglit. "I don't think so Wren, It looks to me that your enjoying it.", Tukso pa nito.   "Ang harot naman ni doc! Pero gusto ko yan!"   "Enjoying what?!", Pa deadma na tanong naman ni Wren.   "Ang pakipot! Nagmamaang mangan pa kasi eh!   "Being with her. Actually ngayon ko lang kayo nakitang magkasama and I can say that you two look cute together.", Tudyo pa ni doc at tumawa pa sya.   Promise! Kahit hindi ko kilala si doc ngayon palang ay nagpapasalamat na ko sa kanya!   What left is... Hintayin ang sagot ni Wren.   Na hindi nangyari dahil biglang may epal na dumating!   "Tito Uper! What the hell are you saying! Mamaya nyan malason mo pa yung isip ni Wren eh!", Narinig kong sabi ng matinis na boses ng isang babae.   Hindi ko naman maimulat ang mata ko para tignan kung sino yung panira na yon.   "Doc sorry, pinigilan ko syang pumasok dito. Kaso nagpumilit pa rin sya eh.", Sabi ng nurse na mukhang nahirapan din sa ugali ng bagong dating.   "It's okay nurse, ako na ang bahala sa kanya.", Narinig kong sabi ni doc. "Anyway, what brings you here Alyonna, di ba may summer classes ka pa?"   "Sino naman si Alyonna?!"   "Well, I saw Wren's car outside kaya nagpunta agad ako dito. I'm so worried about him akala ko ay napano na sya eh." Narinig kong sagot naman nya. "Wren baby ko, I didn't expect na makikita kita dito with this bitch."   Wren baby? Anong baby?   Bitch? Sinong b***h? Ako?   Eto yung moment na gusto kong dumilat at manapak ng tao.   "Alyonna please, nasa public place tayo.", Narinig kong reklamo ni Wren. Hindi ko man sila nakikita, feeling ko ay niyakap pa sya ng girl na yon.   "Sorry, I just missed you!", Maarteng sabi nung Alyonna. Tapos usap usap lang sila habang nagpapabebe sya!   "I have a great idea! Why don't we grab some snacks habang hinihintay nyo magising si Drizella? I mean much better nga kung di na sya magising debah?! Joke!", Narinig ko na sabi pa nya. Ang bad naman nya!   "Yeah, mainam pa nga. Come on Al, mauna na tayo sa labas.", Yaya ni doc sa kanya.   "Wren you're coming with us okay?", Maarteng reminder pa ni girl tapos ay narinig ko ng palayo ang mga yabag nila.   "Sir, sabi ni doc ako na muna ang magbantay kay ma'am para pag nagising na sya at hinanap ka nya masabi ko na umalis ka lang sandali.", Narinig ko naman na sabi nung isang bagong dating.   "Thank you nurse.", Tipid na sagot lang ni Wren at parang balak nya talaga akong iwan.   "Sandali, wag kang umalis.", Sabi ko habang pigil pigil ang kamay nya.   Huli na ang lahat para bawiin ko pa yung mga sinabi ko na. Hindi na rin ako pwede magpanggap na natutulog at nagpapahinga.   Itutuloy...                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD