CHAPTER 9
"You say the strangest things sometimes Driz.", Parang nahihiwagaang sabi nya sa akin. "Ang totoo kasi, it was your idea so I married that man."
Nung marinig ko yung sinabi nya na yon ay ako naman ang hindi nakakibo. Nagulat talaga kasi ako.
"Don't feel bad. Idea mo lang yon pero ako pa rin ang nag desisyon non para sa sarili ko. I'm not blaming you, okay?!", Console ulit sa akin ni ate Mavis.
Ang bait bait talaga nya.
"Pero bakit ko naman isa-suggest yon?", Hindi maka move on na tanong ko. Ibig sabihin pala ay isa talaga akong b***h sa mundong ito hindi lang sa larangan ng pagdadamit ko kung hindi pati na rin sa pag iisip.
Naalala ko tuloy yung dialog nung nag claim na boyfriend ko sa club. Sabi nya "I spent so much for you! Ganoon nalang ba yon ha?", Tapos masamang masama talaga ang loob nya. Bigla tuloy akong napa isip kung nakamag kano kaya sya ng nagastos sa akin?
Hayst!
Paano kaming hindi aakusahan na gold digger nito? Eh parang ganon nga ang nangyayari.
Sa mga naisip ko na yon ay parang sumakit tuloy ang tiyan ko. Hindi ko alam kung naparami lang ba ako ng kain o dahil sa guilt feeling ko.
"Why?!", Nag aalalang tanong ng ate ko nung makita nyang nakahawak ako sa tiyan ko at mukhang nasasaktan ako. Tumayo pa nga sya para lapitan ako.
"Sumakit lang ate yung tiyan ko pero okay lang naman ako.", Sagot ko na pinilit kong umakto na okay. Ayaw ko kasi na alalahanin pa nya pati ang simpleng bagay na to. "Bakit ate?!", Tanong ko sa kanya nung nakita kong may tinitignan sya buhat sa malayo. Napasunod din tuloy ako ng tingin don.
"Papunta dito sa gawi natin yung asawa ko. Hindi ko alam na makikita ko sya dito ngayon, kung alam ko lang ay sa ibang lugar nalang sana tayo pumunta.", Bulong nya sa akin at nakita kong umasim ang mukha nya. Na confirm ko tuloy na hindi nya talaga bet yung pinakasalan nya.
"Mavis, I've been calling you since this morning pero hindi ka sumasagot. Buti nalang pala at nandito ka.", Narinig kong sabi nung isang lalaki na palapit sa gawi namin.
"Kasama ko kasi si Driz, hindi ko na check ang phone ko sweetheart. I'm sorry.", Sagot naman ni ate sa malambing nyang boses tapos ay lumapit sya sa mga dumating.
Nakatalikod kasi ako kaya nung pag harap ko sa kanila ay hindi ko alam kung sino sa tatlong lalaki na pare-parehong naka tuxedo ang nag salita o ang nilapitan ng ate ko. In short hindi ko alam kung sino ang asawa ng ate ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumabi ako kay ate Mavis.
"Goodmorning brother in-law!", Naka ngiting bati ko tapos ay ini-offer ko ang right hand ko para makipag shakehand sa bayaw ko. Since hindi ko alam kung sino sya sa mga lalaking nakatayo sa harap ko ay pinili ko nalang ang pinaka matanda ang itsura.
Di ba nga mahilig naman sila, I mean kami sa 4M's.
(4M's - Matandang Mayaman Malapit ng Mamatay)
"Hindi sya.", Bulong ni ate Mavis sa akin at itinulak nya ang kamay ko patapat sa kasunod na lalaki. Doon sa hindi gaanong matanda. Actually ay mukhang wala pa nga syang singkwenta.
Anyway, so ayon nagulat man ang lahat ng nakakita sa error na nagawa ko ay wala naman ni isang naglakas loob na mag react. Lalo na ang brother in-law ko na hindi nga ako nagawa man lang pansinin. Kaya napapahiyang ibinaba ko nalang yung kamay ko.
"Mavis, come with me to the farm and we have to leave now.", Baling nya sa ate ko at nilagpasan lang ako.
"Sorry but I can't. Ihahatid ko pa si Driz eh. Pwede bang ikaw nalang ang pumunta don sweetheart?", Tanggi naman ni ate na nag aalalang tinignan pa ako.
"Your sister is old enough para makauwing mag isa. Mag aasawa na nga rin sya di ba?!", Sarcastic na sagot naman ng asawa nya habang disappointed na nakatingin sa akin.
Ang epal!
Kaya nagulat man ako sa statement nya na mag aasawa na rin daw ako ay hindi nalang ako nagpahalata.
"Magta-taxi nalang ako ate Mavis.", Nakangiting suggestion ko pa. Kung pekean lang ng emotion ang labanan dito, aba game ako diyan! Ako pa ba? Papakabog?
"Sandali lang ha.", Narinig kong paalam ni ate sa asawa nya tapos ay hinila nya ko sandali palayo sa umpukan. "What are you saying na magta-taxi ka lang? Ni hindi mo nga alam kung nasaan ka eh, yung uuwian mo pa kaya?", Pabulong na sita niya sa akin.
"Gagawan ko na ng paraan yon ate. Wag mo ng kalabanin yung asawa mo na parang ang sungit sungit. Ewan ko ba, I have this feeling na ayaw nya sa akin.", Ganting bulong ko. "Teka , ayaw nya ba talaga sa akin?!"
Nung hindi agad nakakibo si ate ay alam ko na ang sagot. "I'll tell you why later, okay? Hindi pa kasi ako tapos sa mga kwento ko sayo eh. Ewan ba at bigla nalang kasi dumating ang kumag na yan sa eksena. But anyway, I can't leave you alone kaya pwede bang wag ka ng mag suggest na umuwi kang mag isa. Hayaan mo na ko sa diskarte ko.", Bilin nya ulit sa akin. Tapos ay hawak ang kamay ko bumalik kami sa grupo ng asawa nya.
"Like what I said sweetheart, ihahatid ko muna sa bahay si Driz. Kung gusto mo, idaan natin sya don tapos pwede na tayong pumunta sa farm anytime. What can you say?!", Malambing na sabi ni ate Mavis. Kung may aawardan ako ng best actress ngayong araw ay sya talaga yon.
"But our time is running out. Kanina pa nga dapat tayo umalis eh. And besides out of way yon.", Kontra nung asawa nya. Ang epal talaga!
Sa inis ata ni ate ay lumabas tuloy ang sungay na tinatago nya. Nakita ko kasi na tinignan nya ng masama yung asawa nya.
"I will take her home, pauwi na rin naman ako.", Narinig kong sabi ng pamilyar na boses na yon. Sabay sabay pa nga kaming napatingin sa kanya.
Si Wren yon!
Shet! Nung makita ko sya ay bumilis agad ang t***k ng puso ko. Kakainis naman at ang lakas talaga ng dating nya sa akin.
Walang nagawa ang kaalaman ko na step brother ko sya dahil crush ko pa rin talaga sya!
Sa isipin kong iyon ay parang biglang sumakit na naman ang tiyan ko. Sure ako na dahil sa tensyon yon!
After kasi nung nangyari kanina ay parang wala na kong mukhang ihaharap sa kanya!
"Wren buti at nandito ka pa pala. You are really a savior.", Masayang masayang sabi ng asawa ni ate Mavis. Hindi na nga sya nag aksaya ng oras at tinangay na nyang ate ko.
"Call or text me pag nakauwi ka na ha.", Bilin pa ni ate bago sya tuluyang nawala sa paningin ko.
"I will make sure na makakauwi ka muna sa bahay. Kung aalis ka ulit then do it later.", Narinig kong sabi ni Wren sa akin. Ngayon ko nasiguro na cold din talaga ang pakikitungo nya sa akin. Siguro ginagawa lang nya ang lahat ng ito out of responsibility na ibinilin ng tatay nya.
On the other hand, naiintindihan ko naman ang pinaghuhugutan nya ng dahilan para maging cold sya.
"Wala naman akong balak umalis eh.", Sagot ko. "Lalo na kung ikaw ang kasama ko.", Idudugtong ko sana yan kaso baka lalo syang mawirduhan sa akin.
"Good. Then let's go.", Sabi nya at nauna ng maglakad paalis ng area.
"Sandali lang. Pwede bang mag CR muna ko?!", Kapal mukz na paalam ko. Wala eh. Sumasakit talaga ang tiyan ko. Tingin ko ay kailangan kong mag bawas! "Sandali lang ako promise!", Pangako ko pa nung tingin ko ay balak pa nyang hindi pumayag. Napatingin pa nga sya sa wrist watch nya at tsaka palang napipilitang tumango.
Pagdating ko ng CR ay nag dumi nga ako with matching sobrang sakit ng tiyan. Kaya kahit gustuhin ko mang bumalik agad sa feeling ng dreamboy ko ay hindi ko nagawa.
Worst feeling ever so far with regards to CR : kagabi at ngayon.
***After 30 minutes
"Sorry, hindi kasi maganda yung pakiramdam ng tiyan ko eh.", Explanation ko agad pagsakay ko sa backseat ng kotse ni Wren.
Naabutan ko syang may kausap sa phone kaya hindi nya ko nakuhang pagalitan kahit pa nga ba sure na inip na inip na sya sa akin. Pag sakay ko ay automatic na pinaandar na nung driver yung car at umalis na kami.
Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan ang mapatingin kay Wren. Busy sya sa kausap nya about business kaya hindi naman nya ko napapansin. Kaya nagkaroon talaga ako ng chance na pagmasdan sya. Mula hairstyle nya, sa salamin nya, sa matangos na ilong nya at sa lips nya almost perfect lahat yon para sa akin. Kaya ang label ko talaga sa kanya ay "super dreamboy", iyon nga lang pwera ugali. Kasi I know naman na hate nya si Driz sa mundong ito. Pero ako na Driz sa kabila ay iba naman di ba hano?!
Ay ano ba yan? Masakit at humihilab na nga ang tiyan ko ay nakuha ko pang lumandi. Iba talaga ang nagagawa ng power of love!
"Why? Are you thinking of a new prank again? Tapos hindi mo na naman kilala kung sino ako?", Walang kagana ganang tanong nya nung mahuli nya akong nakatingin sa kanya. Wala na pala syang kausap sa cellphone ay hindi ko pa napansin. Busy kasi ako na pangarapin sya. Charot!
"Ofcourse not. Hindi naman ako ganoon ka naughty sa iniisip mo. Tsaka kilala kita big brother", Sagot ko nalang. Pag naalala ko kasi yung mga nangyari ay nahihiya talaga ako.
After ng sinabi ko na yon ay hindi naman na sya nag react. As in sobrang nakakabinging katahimikan lang ang lumukob sa pagitan namin. Yun bang magkatabi man kami ay parang sobrang layo naman namin sa isa't isa.
At sa gitna ng katahimikang yon ay bigla kong naramdaman ang sobrang pag sakit ng tiyan ko. As in halos mamilipit ako sa sakit kaya hindi ko na naitago pa ang totoong nararamdaman ko.
"What is happening to you?!",Narinig kong tanong ni Wren nung bigla ko syang hinawakan sa braso para manghingi ng tulong.
Actually ay more on nagulat sya kaysa ang nag alala. Sa approach ko o sa itsura ko na nakikita nya ay hindi ko lang alam. Basta dahil sa hindi ko mawaring sakit na nararamdaman ko ay talagang hinablot ko na sya.
"Masa-kit tiyan ko. Dalin mo ko sa hos-pital.", Helpless na sabi ko, namamaluktot na ko sa sakit habang hawak ko yung tiyan ko. Bukod sa nanlalamig na yung pakiramdam ko ay parang gusto ko din ang masuka at madumi.
Narinig ko naman na nagbigay sya ng instruction sa driver nya at binilisan na nga nito ang pagpapatakbo nya.
"Ma la pit na ba? Ang sa-kit na kasiii...", Parang robot na sabi ko. Pinilit ko lang kasi magsalita dahil feeling ko ay mamamatay na talaga ko.
Itutuloy...