Chapter 8

1701 Words
CHAPTER 8 "Shhh...", Bawal nya sa mga sasabihin ko pa. "Driz, sorry kung itatanong ko sayo to ha. I know umiinom ka with your friends and you often get drunk. Umamin ka nga sa akin, gumagamit ka na rin ba ng drugs ngayon ha?!", Tanong nya sa akin na puno ng pagdududa.   "Ofcourse not! Bakit ako gagamit non?", Hysterical na balik tanong ko sa kanya. Napatayo pa nga ako ng di oras. "Please, maniwala ka sana sa mga sinabi ko. I know, it sounds crazy dahil kahit ako hindi ko alam kung pano nangyari yon. Pero malakas ang kutob ko na ganon nga ang sitwasyon ko ngayon."   "My poor little sister.", Tumayo din sya at nakiki simpatyang hinawakan nya ako sa magkabilang balikat para pakalmahin. "Alam ko na hindi madali para sayo ang lahat ng nangyayari sa atin. Actually ako din naman ay nahihirapan na. But we have to be strong right?! Para sa atin din naman to.", Sabi nya sa akin like she was pertaining sa sitwasyon namin ngayon.   "Sinabi ko na sayo, wala akong naiintindihan sa nangyayari dito kaya nalilito na talaga ako. Kahit ang lugar na to, hindi ko alam kung saan to!", Sumasakit ang ulong napa upo nalang ulit ako.   "Alright, alright! Naniniwala na ko sayo.", Sabi nya na sumusuko na. Umupo sya sa tabi ko at huminga ng malalim. "I mean, naniniwala na ko na wala kang maalala. Kung nabagok man ang ulo mo kung saan o may ginawa ngang masama sayo si Wren kagabi ay hindi ko alam. But the fact that your acting strange, and this is not you at all... yan ang reason kaya ako naniniwala."   "Syempre ate mo ko. Kasama na kita buong buhay ko kaya kilalang kilala na kita. Pero sa part ng parallel world na sinasabi mo, I'm sorry, hindi ko pa mage-gets yon sa ngayon. For the mean time, let's take it easy from here, okay?", Console nya sa akin habang inaayos pa ang buhok ko.   Hindi ko kilala kung sino talaga ang "Mavis" na to sa buhay ko sa mundong ito. Pero bukod sa physical beauty na meron sya, tingin ko din ay sobrang caring at understanding nyang kapatid.   Kung ganon ay sobrang swerte ng isang sarili ko dito sa mundo nya.   Bigla ko tuloy naalala si Eunice. Sana pala ay naging ganito din ako kabait na ate sa kanya nung magkasama pa kami.   "Come on.", Aya nya sa akin. "Punta tayo sa lugar kung saan pwede kitang kwentuhan lahat ng dapat mong malaman tungkol sa buhay at pagkatao mo. Okay ba yon?", Explain nya nung tingin nya ay nag aalangan ako.   "Thank you, napaka bait mo naman.", Hindi ko napigilang sabihin ang mga katagang yon dahil yon talaga ang nasa puso ko.   "Ofcourse! And please, drop the formality. Para ka namang others eh. Now, ulitin mo yung sinabi mo, ganito oh. "Thank you ate Mavis!", Malambing na hiling nya.   "Thank you ate Mavis!", Nakangiting ulit ko naman.   "Yan! More like it!", Parang kinikiliting sabi nya tapos ay inakbayan pa nya ko. "Pero ang totoong Drizella, hindi marunong mag thank you!", Natatawang bulong nya sa akin tapos ay inaya na nya kong umalis ng hotel.   *****   Sa isang cozy restaurant kami napadpad ni ate Mavis. Ayon sa kanya ay isa ito sa pag aari ng mayaman nyang napangasawa kaya kahit maraming customer ay nauna pa rin kaming pagsilbihan at pina reserve na nya ang isang malaking area. That way daw kasi ay makakapag usap kami ng mabuti without worrying about others.   "Driz, are you sure kakainin mo lahat ng yan? I mean, puro carbs yan oh.", Hindi makapaniwalang tanong nya sa akin habang nilalapag ng waitress ang mga in-order ko. May pasta, pork, crabs, chicken and java rice.   Nagpaalam kasi kanina si ate Mavis na kakausapin lang ang isa sa managers nila kaya sabi nya ay bahala na daw ako kung may gusto akong kainin.   "Dinamihan ko kasi dalawa naman tayo ate.", Nahihiyang sagot ko. Feeling ko tuloy ay naging magastos ako sa pag order ko.   "No, I mean pano na ang strict diet mo?"   "Strict diet? Bakit? Paano ba ko talaga kumain?!", Nagtatakang tanong ko.   "Well, maniwala ka man o sa hindi. We actually don't eat much, that's how we maintain our body. Ikaw nga ang very particular sa kinakain mo eh. Minsan kakain ka nga lang ng dalawang beans, isusuka mo pa.", Natatawang kwento nya sa akin.   "For real?!", Nanlalaki ang matang tanong ko. No wonder ay sobrang weak ng pakiramdam ko sa katawang ito. Abay hindi pala kumakain eh!   "Yes, totoo yon. Nasanay na tayo dahil ganon din si Mama. Look, in case hindi mo sya matandaan.", Sabi pa nya na pinakita sa akin ang picture ng isang babae sa cellphone nya.   "Nanay natin ang babaeng yan?!", Hindi makapaniwalang tanong ko. Nung tumango sya ay kinuha ko pa ang cellphone sa kanya para mas matitigan ko pa.   Sabi ni ate Mavis ay 45 years old na ang mama namin. Pero sa tingin ko ay hindi naman kami nagkakalayo ng edad. Ang bata kasi ng itsura nya eh. Actually sa ganda at ka sexihan nila ay ako pa nga ata ang mukhang ate sa kanilang dalawa. "Wow! Sobrang ganda naman nya.", Humahangang sabi ko at isinoli ko ng cellphone nya.   "Kung ano ang ikinaganda nya ay iyon din ang kina istrikta nya. More particularly sa ating mga anak nya.", Uminom muna ng orange juice si ate Mavis tapos ay nagpatuloy na sya sa pagkwekwento nya.   Sinimulan nya ang lahat tungkol sa Mama nila, I mean "namin". Her name is Ava, ang unang asawa nya na tatay namin ay isang mayaman at gwapong businessman na maagang namatay dahil sa isang sakuna. Unfortunately ay nalugi ang negosyo nito kaya kinailangan daw ni mama ang mag asawang muli para may katuwang sa pagpapalaki sa amin. Syempre ay pumili sya ng mayaman kahit na may edad pa para mabigyan nya kaming mga anak nya ng magandang buhay. Pero dahil hindi pala maganda ang ugali ng bagong asawa nya ay hindi naging maganda ang pagsasama nila. Napaka seloso daw ng lalaking yon kaya madalas ay pinagsasalitaan nito si mama at pinagbubuhatan ng kamay. Tiniis lang daw ni mama ang lahat ng iyon pero dumating yung time na napuno na at lumaban si mama dito dahil sa pagtatangka nitong galawin kaming magkapatid. Napatay daw ito ni mama pero self defense lang yon. Pero dahil makapangyarihan ang pamilya nung lalaki ay nagawa ng mga itong baligtarin ang pangyayari. Buti na nga lang daw ay nakilala ni mama si Mr. Rebcor ang papa ni Wren.   Sa tulong ng matanda ay hindi nakulong si mama. So ang nangyari ay niligawan nito ang mama namin pero hindi nya ito agad sinagot dahil nga sa bali-balitang womenizer nga ito. Bukod pa don ay parang ayaw na ulit ni mama ang magpakasal dahil wala syang swerte sa pag ibig. Pero dahil nga naiisip ni mama ang kapakanan at kabuhayan namin ay pumayag na rin syang magpakasal dito. Mabait naman ang matandang Rebcor at galante. Bukod sa pala bigay ito ng yaman nya ay binigay pa nito sa amin ang apeylido nya para isang pamilya na daw talaga kami.   Wala rin kaming naging problema sa anak nitong si Tiffany na halos ay ka edad ko lang. Everything was okay hanggang sa ma discover nga namin na may sakit si Mr.Rebcor. Lung cancer yon na unti unting nagpahina sa dati ay malusog nyang pangangatawan. Nung namatay nga si Mr.Rebcor ay inaasahan namin ang mga iniwan nya sa amin. But unfortunately ay bigla nalang sumulpot si Wren. Ang nag iisang anak ni Mr.Rebcor sa una nitong asawa at ayon sa last will and testament na naiwan ng yumao ay iniiwan nga kay Wren ang lahat ng mga ari arian nito.   Walang kahit ano ang iniwan sa amin basta sinabi lang sa last will na si Wren bilang new head of the family ang bahala sa aming mag i-ina pati sa half sister nitong si Tiffany. Though lahat ng ari arian ng mga Rebcor ay na kay Wren ay parang hindi pa rin sya kuntento. Naniniwala kasi sya na naging mabilis ang pagkamatay ng tatay nya at parang sinadya daw yon.   Sa madaling salita, tingin nya ay may kinalaman ang pamilya namin sa maagang pagpanaw ng Don. Aware na aware kasi sya sa nakaraan ni mama kaya ganon nalang sya kung mag isip. Tingin nya ay gold digger ang pamilya namin at puro matatanda at mayaman ang bini-biktima.   Idagdag pa nga ang biglaang pag papakasal ni ate Mavis sa biyudo pero mayamang kaibigan ng pamilya Rebcor dahil nabuntis sya nito.   "Buntis ka pala ate?!", Hindi makapaniwalang tanong ko. Napaka liit kasi ng tiyan nito sa sexy pero eleganteng suot nya.   "3 months, ang liit ko nga magbuntis eh.", Hinimas pa nya ang tiyan nya. "At pwede ba Driz, don't talk when your mouth is full. Para kang walang ka class class nyan.", Bawal nya sa akin na pinansin ang pagkain ko.   "Sorry ate.", Tinapos ko muna ang pag nguya ko bago ako sumagot. Ang totoo kasi ay kain lang ako ng kain habang nagkwe-kwento sya sa akin kaya nakakarami na rin ako. "Mahal mo ba yung napangasawa mo?", Naisipan ko tuloy itanong.   "No. Pero matututunan ko ring gawin yon.", Honest na sagot nya sa akin ng pabulong. "Ang totoo ay sinadya ko na rin mag pakasal sa mayaman dahil naiinis na sa akin si Wren sa kakahingi ko ng pang gastos sa kanya. Atleast ngayon hindi ko na kailangan na hintayin ang monthly allowance na ibibigay nya para mabili ang gusto ko.", Kwento pa nya sa akin.   "Pero hindi ba importante na gusto mo ang isang tao na papakasalan mo para maging masaya ka sa buhay ate?", Hindi ko napigilan ang pagbibigay ko ng opinyon tungkol sa bagay na yon. Naalala ko kasi na kaya nga nandito ako sa sitwasyon na ito dahil sa pagtakas ko sa ipinapa kasal sa akin sa kabilang mundo. "Bakit ate Mavis, may nasabi ba akong mali?!", Tanong ko sa kanya nung parang napatitig lang sya sa akin at hindi nakakibo.   "You say the strangest things sometimes Driz.", Parang nahihiwagaang sabi nya sa akin. "Ang totoo kasi, it was your idea so I married that man."   Itutuloy...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD