Chapter 7

1941 Words
CHAPTER 7 DRIZELLA POV            "Sir sya po! Yung naka blazer ng black.", Itinuro ko ang dreamboy ko na nandon pa rin sa pwesto nya at busy pa rin sa pakikipag usap.   "Sigurado ka ba? Yung matangkad na lalaking yon? Aba eh gwapo ah! Tsk! Ganyang mga tipo talaga ng kalalakihan ang madalas na magsasamantala sa mga katulad mo hija. Kailangan sa mga yan ay matuto ng leksyon!", May galit na sabi ni manong pulis bago kami nagpasama sa isang guard para puntahan ang suspect.   Nakita namin na pumasok ang guard sa office na nandon at kinausap ang isang babae. Yung babae naman ang nag inform sa lalaking pakay namin.   Buhat sa glass window ay nakita kong tumingin sya sa gawi namin at nakita kong napakunot noo sya nung makita nya ako. Nung moment naman na yon ay hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko.   "Bakit ako ang kinakabahan? Hindi naman ako yung may kasalanan! Ako yung biktima!", Naiinis na sita ko sa sarili ko.   "Magandang umaga ho sir, ako ho si Deputy Chief Raylo Menyo. Pwede ho ba kayo makausap? May ilan lang ho akong katanungan.", Naka ngiting pakilala ng kasama kong pulis sabay pakita ng chapa nya.   Nag response naman yung dreamboy ko este yung suspect namin at yung kasama nyang babae at pinapasok kami sa loob ng opisina nila after lumabas nung iba pang tao.   "Pwede ho bang malaman kung bakit at ano ho ang ginagawa nyo dito sa hotel?", Tanong agad ni manong pulis at hindi na sya nagpaligoy ligoy pa.   "Well, this is my hotel sir kaya nandito ako.", Magalang na sagot nung lalaki tapos ay nag abot sya ng business card.   "May ari sya ng hotel? Wow! Yayamanin!", Sigaw ng utak ko. Actually ay hindi lang ko ang nagulat sa impormasyon na yon pati yung kasama ko.   "Hindi ako naka base sa lugar na ito pero naririnig ko nga ang pangalan mo Mr.Rebcor sa ating mga kapulisan. Lalo na at dahil lagi kayong nagpapaabot ng tulong sa aming organisasyon.", Sabi ni manong pulis after nyang basahin yung nasa card na inabot sa kanya. "Anyway Mr. Rebcor, may complain kasi ang kasama ko kaya kami naparito. Sinabi nya na sapilitan mo syang isinama dito sa hotel mo. Tanong ko lang ay kung namumukhaan mo ba o nakikilala mo ba ang babaeng ito?!", Tanong ulit nya na lalong nag palakas ng kaba ko.   Wag lang nya akong ide-deny dahil talagang mag-iiskandalo ako dito!   "Yes ofcourse, she is my younger sister after all.", Narinig kong sabi nya tapos ay disappointed syang tumingin sa akin.   "Younger sister??!!", Para yung bomba na sumabog sa utak ko tapos ay paulit ulit na nag echo!   Nakakahiya! Parang gusto ko nalang maglaho ngayon sa harapan nila!   "Magkapatid kami?!"   "Magkapatid kayo?!"   Halos sabay naming tanong ng kasama kong pulis. Hindi sumagot yung tinawag na Mr.Rebcor pero may sinenyas sya sa babaeng kasama nya. Tapos ay dinala nung babae sa amin yung hand bag na kulay black. Oo nga at hindi sa akin yon pero naaalala kong dala ko yon kagabi.   Buhat doon ay may inilabas na ID yung babae at ibinigay sa kasama kong pulis. Nung mabasa yon ni manong ay napatingin sya sa akin ng may pagdududa.   Hindi ko alam kung pagdududa na tingin nya ay pinag tripan ko lang sya.   "Excuse me.", Sabi ko tapos ay kinuha ko yung ID. Very curious akong malaman kung kanino ba yon at sobra ang ikina kunot ng noo ni manong pulis.   "Drizella Rebcor", yan ang basa ko sa pangalan nung nasa identification card at picture ko yung nandon.   Seryoso???   Nakakaloka ah!   Hindi ko alam na iyon pala ang surname ng AKO dito sa mundo nya! Bakit ba hindi ko naisip na posible mangyari yon?   "Nako Driz! Medyo may pagka shunga ka talaga!", Paninisi pa ng utak ko.   Parang dalawang beses yatang gumuho ang buhay ko ng mga oras na to!   Una! I swear! This is probably the most embarrassing moment in my life ever! Ipa pulis ko ba naman ang kapatid ko at akusahang pinag samantalahan ako sa sarili nyang (namin? I'm not sure) hotel? Hindi ba at sobrang nakakahiya non! Kaya naman pala nagtakbuhan yung nag claim na bf ko kagabi at tropa nya nung makita si Mr.Rebcor, hindi pala dahil nakita nila si superman. Kung hindi pala ay nakita nila ang kuya ko! Sino nga ang hindi tatakbo non di ba?   Pangalawa! I swear din na this is the most heartbreaking event of my entire love life! Kasakit naman mag biro ng tadhana! Dream boy ko na nga naging kapatid ko pa? Ang saklap!   "Miss magkapatid pala kayo? Ano ba yung nirereklamo mo? Gumagamit ka ba ng drugs?!", Medyo pikon na tanong ni manong pulis sa akin. Feeling napahiya din syang tulad ko, namumula na din kasi yung mukha nya.   "Magkapatid po pala kami, I'm sorry hindi ako na-inform.", Honest na sagot ko pero para sa kanila ay biro ko lang yon.   Actually ay masamang biro yon! Oo alam ko, mali ako!   "I'm sorry chief, kasalanan ko lahat ito. I'm so busy that I can no longer give time to discipline my sister. Our late father must be furious because of my negligence.", Very apologetic na sabi ng kuya ko daw at tumingin pa nga sya saglit sa akin.   "Actually kagabi, Drizella was very drunk and could not even control herself kaya imbis na sa bahay ko sya dalin ay naisip ko na dito nalang sa hotel dahil mas malapit dito. I never thought she could do these things just to get my attention.", Kwento nya tapos ay lumapit sya sa akin and he pat my head. "Pasensya na talaga chief sa abala, you know teenagers, these are all part of their rebellion. I will make sure that this will never happen again. Right, Driz?!", Baling nya sa akin.   Napatango nalang ako.   Nasa point kami na hiyang hiya na ko sa katangahan ko ng biglang may isang sopistikadang babae ang dumating. Actually ay mukha talaga syang model.   "Oh great! I'm so glad na nandito ka pa Wren.", Sabi nya sa malambing na boses. Pero nung makita nyang may pulis at nakita nya ko ay naiba agad ang reaction ng mukha nya.   "Driz? Why are you here?", Hinubad nya ang suot nyang sunglass at lumapit agad sa akin.   "Sino naman ang magandang babaeng to?!", Tanong ko agad sa isip ko.   "Anong nangyari?!", Tanong nya ulit na yung "kuya" ko naman ang kausap nya.   "Ask for yourself.", Sagot lang nung tinanong nya. Ewan ko ba at nahimigan ko na may pagka cold ang tono non. Tapos ay may sinabi pa syang iba sa bagong dating na babae pero hindi ko na narinig pa yon.   "Please accept my sincere apologies sir and if ever I can help you in the future do not hesitate to come anytime.", Cool na sabi nya tapos naki pag shakehands sya kay manong pulis. "Maiwan ko na kayo, I still have a meeting.", Paalam lang nya na napatingin pa sa wristwatch nya tapos ay umalis na agad kasama yung babae na assistant ata nya.   May panghihinayang na napasunod nalang ako ng tingin sa kanya. Ewan ko ba at parang gusto ko pa syang makasama.   "Gaga! Kapatid mo nga daw di ba?!", Saway sa akin ng isip ko.   "O edi bilang kapatid! Incest is fine with me! Char!", Sagot naman ng isang pagkatao ko.   "Driz? Hey.", Narinig kong sabi nung sophisticated na babae. Tinapik pa nya ko sa balikat. Siguro ay kanina pa nya ko tinatawag.   "Bumalik ka na muna sa tinuluyan mong kwarto kanina. I promise, pupuntahan agad kita mamaya mag uusap lang kami ni Mr. Policeman, Okay?!", Malambing na sabi nya sa akin. Hindi ko man sya kilala ay napatango tuloy ako.   "Sir let's have coffee first so we can talk.", Narinig kong yaya nya kay manong pulis with extra sweetness sa boses nya.   "As I was saying, gusto kong malaman mula sa inyo kung ano yung nagawa ng kapatid ko. I hope she doesn't offend you too much...", Narinig ko pang sabi nya habang palayo sila.   Wow ah! Kapatid ko din pala sya?   *******   "Wala palang vacant room dito sa hotel. Mabuti naman at pinagamit sayo ni Wren itong kwarto nya.", Sabi ng bagong dating na nagpakilalang Mavis habang iniikot nya ang paningin nya sa magarang kwarto.   Sa totoo lang ay na appreciate ko lang ang ganda nito nung pagbalik ko. Pag gising ko kasi ay sobrang gulo ng isip ko kaya hindi ko man lang naisip ang tungkol dito.   "Sino naman si Wren?!", Alanganing tanong ko.   "Wren Rebcor, hello! Sino pa bang Wren ang nasa isip mo?! May iba pa ba?", Sagot nya sa akin na parang na high blood pa nga yata nung banggitin nya ang pangalang yon.   "Wren. Wren. Wren.", Parang tangang ulit ko sa isip ko. Kung yon ang pangalan ng dreamboy ko este ng nagpakilalang kuya ko, edi ang nice!   "Sabihin mo nga sa akin, of all people ay bakit si Wren pa ang naisipan mong i-prank? Are you crazy? Pano kung hindi ako dumating at binaligtad nya ang kwento mo? Edi ikaw pa ngayon ang nakulong?", Sita nya sa sakin. "Look Driz, I'm not angry okay? Pinapaalala ko lang sayo na in case nakalimutan mo na, na yung lalaking yon ay galit pa rin sa atin. He is just looking for a way to get rid of us kaya mag ingat ingat ka.", Halos umusok ang ilong niya sa inis na nararamdaman.   "Bakit naman nya gagawin yon? Akala ko ba ay magkakapatid tayo?!", Clueless na tanong ko.   "Ha? Magkakapatid tayo? Of course not! Are you out of your mind? And why are you asking me the obvious?", Takang takang tanong nya sa akin. Nanlalaki pa nga ang mga mata nya.   "What do you mean, hindi tayo magkakapatid?!", Super curious na tanong ko.   "Ano bang tanong yan? Syempre magkapatid tayong dalawa. Rebcor lang ang gamit nating surname ngayon dahil adopted daughter tayo ng father ni Wren."   "Step brother ko lang si Wren? You mean, hindi kami blood related?!", Paglilinaw ko sa mga sinabi nya. Parang na hyper tuloy ako sa kaalaman kong yon.   Nung tumango sya ay parang may mga kumalembang na kampana sa may dibdib ko at gusto kong magdiwang!   "Why are you suddenly asking me about your relationship with him? Alam na alam mo naman na hindi kayo in good term. Kaya nga sumakit talaga ang ulo ko sayo kanina dahil hindi ko akalain na gagawin mo yon. You'd better not be messing with him dahil gagamitin lang nya yon laban sayo.", Banta pa nya sa akin.   Hindi ko masyadong naintindihan kaya hindi ako nakakibo. Sa totoo lang, sa sitwasyon ko ngayon ay litong lito na talaga ako.   "Driz you seems different today. May problema ka ba!?", Nag aalalang tanong nya sa akin at lumipat pa sya sa tabi ko. "Alam mo namang ate mo ko, at mapagsasabihan mo ko ng lahat ng iniisip mo.", Hinawakan pa nya ang kamay ko.   Matagal akong nag isip bago ako nakapag desisyon na magsabi sa kanya ng totoo.   "Kasi ano, ang totoo...",   Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng alam ko na nangyari sa akin simula sa mundo ko hanggang sa bar kagabi.   "Kaya wala akong alam tungkol sa Drizella na kapatid mo o kahit tungkol sa inyong lahat.", Seryosong sabi ko nung makita kong tahimik lang syang nakikinig. "I know, hindi kapanipaniwala pero..."   "Shhh...", Bawal nya sa mga sasabihin ko pa. "Driz, sorry kung itatanong ko sayo to ha. I know umiinom ka with your friends and you often get drunk. Umamin ka nga sa akin, gumagamit ka na rin ba ng drugs ngayon ha?!", Tanong nya sa akin na puno ng pagdududa.   Itutuloy...      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD