Pag-ibig na walang hanggan sa piling ng lalaking pinapangarap mo. Ito ang mala-fairytale na pinaniniwalaan ng mga bagets na tulad ko.Pero siyempre gusto ko rin na maranasan ang mainlove at mahalin sa ganoong paraan.
Sa totoo lang, gusto kong matulad sa aking mama. Ang first and last love n’ya ay walang iba kundi si Papa. Ang hirap naman sundan ng ganun pero sa tingin ko, misteryo na rin iyon ng pag-ibig.
Kaya heto may dala akong kandilang may sindi kasama ang aking kapinsan na si Janna. Kasalukuyan kaming nakaharap sa salamin. Lakas-loob naming pinakialaman ang love spell book ni Tiya Aurea baka sakaling effective ang magic na hatid nito para makita ko ang aking prince charming sa harap ng salamin.
“Ate excited na’ko. Sana makita natin sa salamin si Patrick. Ampogi!!!Haha” sabat ng K pop Fanatic kong pinsan.
“Ah si Patrick pala ang campus crush mo?” tanong ko.
Namumula naman sa kilig si Janna ng sumang-ayon siya sa tanong ko.
Huminga ako ng malalim at sinimulan ko ng sambitin ang orasyon.
“Salamin….salamin! Ipakita mo sa akin ang masuwerteng lalaking magmamahal at makakasama ko forever.”
Paulit-ulit kong sinambit ang orasyon ngunit wala namang epekto. Walang lumalabas sa loob ng salamin.
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Inulit ko parin ang orasyon.