EPILOGUE
Inabot kami ng gabi ng aking mga kaklase sa pagtatapos ng project namin sa trigonometry. Pasado 8:30 na noon at malapit ng mag alas nuebe baka macurfew pa kami sa daan. Mabuti na lang at inihatid kami ni Roseann sa pag-uwi nila: Noel, Carlito, Bojo at Ava.
Lumiko na kami sa kabilang kanto habang si Roseann naman ay dumiretso na sa kabilang kanto ng biglang magpatay sindi ang street light at kumahol ng pagkalakas-lakas ang mga aso na nakatali sa labas ng isang bungalow-type na bahay na malapit sa bahay ng aking lola.
“AwoooOOOOooooooooooooooooooooo!!!!!!”
Sabay-sabay na kumahol ang mga aso sa paligid, hindi magkandamayaw at halos mapatid ang mga panali sa kanilang mga leeg lalo pa ng mapansin nila ang aming presensiya. Tingin ko napagkamalan pa kaming mga akyat bahay gang at gustong-gusto pa kaming kagatin.
“Ah ei Eliza R. Del Mundo mauna na kami sa’yo. Nagtext sa’ken si Kuya hinahanap na ako ni Mama.” Medyo nabubulol pa si Noel habang di mapalagay sa kaniyang kinatatayuan. Naisip ko tuloy na natatakot siyang makagat ng aso o natatakot na makakita ng multo?
“Ah ako rin,” sabat ni Ava.
“O-oo kami rin. Pasensiya ka na.” sabay namang tugon nila Carlito at Bojo. Ramdam ko na pangangatal mga boses nila.
Napasimangot na lang ako sa isang tabi.
“Hmptt!! Sige na nga. Ingat kayo pag-uwi.” Sabi ko.
“Awoooooooooooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!!!”
Biglang humangin ng malakas at nagpatay sindi na naman ang ilaw ng street light.
Pagkatapos, narinig ko na lang na nagsipag takbuhan na silang apat palayo sa aking kinatatayuan.
Paglingon ko, wala na sila.
“Grabe! Duduwag talaga.” Sigaw ko. Inis na inis ako.
Hinarap ko na lang ang dalawang kanto bago sumapit ang bahay namin. Madidilim na ang mga ilaw sa street light sa bawat kantuhan at walang katao tao sa daan kaya binilisan ko na lang paglalakad kaya lang pagtapat ko sa bahay ng aking lola ay biglang nagbukas ang ilaw sa harapan nya.
Tinawag n’ya ako.
“Apo halika ka dali, marami akong mga pinitas na tsiko. Magdala ka nito sa inyo.” Masayang-masaya ang aking lola habang sumisenyas sa’ken.
Natuwa naman ako kahit kanina ay inibabawan na ako ng matinding takot.
Ambait at maalalahanin si Lola kaya hinding-hindi ko siya mahindian lalo pa sa pagkain ng mga hinog na tsiko at naalala pa n’yang pagbigyan ko ng mga bagong pitas na mga bunga sina Nanay at Tatay.
Pumasok ako sa gate at bumulaga sa harapan ko ang mga makukulay na rosas, puno ng tsiko at iba pang halamang gamot sa kaniyang bakuran. Pero sa paglihis ko ng aking pagtingin, napansin kong nawala na siya sa may balkon. Marahil hindi na niya ako nahintay kaya pumasok na ako sa loob ng bahay.
“Lola?” tinawag ko siya sa buong kabahayan ng biglang…
“BOOM!”
Nagbrownout.
Wala pa mandin buwan ng gabing ‘yon.
Naghari ang kadiliman sa buong paligid. Sumulak na naman sa isip ko ang takot na naramdaman ko kanina. Para bang may nantritrip sa’ken na takutin ako kaya ganitong prank pa naisipan n’ya.
Pero inalis ko ‘yon sa isip ko, baka naman may inaayos na kable ng kuryente kaya brownout. Humakbang pa ako ng biglang may naapakan akong madulas
“Arghhhh!!!!”
At doon na nga ako naout of balance hanggang sa natisod ako. Bumagsak ako sa flooring at halos mapasubsob pa mukha ko buti na lang bagong floorwax.
Utay-utay akong bumangon kahit medyo nasaktan ako. Tsiko pala ang naapakan ko. Ano ba namang kamalasan inabot ko ngayon? Kailangan ko ng makausap si Lola para makapagpaalam na ako at makauwi. Siguradong hinahanap na ako sa bahay namin.
“Lola? Lola uuwi na po ako.”
“Lola?” Tumayo ako. Napansin ko sa gawing lamesa na kainan ni Lola ang isang mahabang kandilang may sindi na nakatirik sa platito. Katabi nito ang isang libro.
Naisip ko na baka inilagay iyon ni Lola pero nasaan siya?
Nagmasid masid ako sa paligid pero wala man lang bultong gumagalaw saan man sulok. Pumunta ako sa gawing kaliwa kung nasaan ang kwarto n’ya pero wala doon si Lola gayundin sa C.R. at kusina.
Nasaan si Lola? Namalikmata lang ba ako kanina? Tanong ko sa aking sarili habang nakatayo malapit sa may mahabang lamesa.
Wala man lang kahangin hangin sa paligid, panay ang huni ng mga kuliglig at bukas ang mga bintana sa sala pero lahat naman ng mga gamit n’ya ay nakalagay ng maayos sa kaniyang mga taguan.
Wala namang magnanakaw.
Nilingon ko ang kandila sa lamesa at ang isang librong nakapatong. Medyo may kalumaan na ang libro pero hindi naman magabok. Sinikap kong basahin ang cover nito.
Phantom Evening
Biglang nagtaasan mga balahibo ko sa batok at parang nanlaki ulo ko. Umupo ako ng maayos at binuklat ang libro.
Saktong pagbuklat ko ay napukaw na ang atensyon ko sa nilalaman.