bc

My Sweet Bachelor (HECTOR LOPEZ)

book_age18+
247
FOLLOW
1.2K
READ
sweet
like
intro-logo
Blurb

Lumaki sa hirap si Lenet, maagang naulila sa ama, tanging ang kaniyang ina na si Aling Lorna ang karamay niya sa buhay.Katu-katulong siya nito sa pagtitinda ng mga lutong pagkain sa harap ng kanilang bahay sa Probinsiya ng Mindoro.Doon din sila kumukuha ng pantustos niya sa pag-aaral.

           Valedictorian siya kaya napasok na eskolar sa isang University sa kanilang bayan.Nasa unang taon pa lamang siya sa kolehiyo ng kursong Edukasyon ng pumanaw ang kaniyang ina.Kaya isinama siya ng kaniyang tiyahin at ipasok na kasambahay sa Maynila sa Mansion ng mga Lopez.

          Doon niya makikilala si Hector ang nag-iisang anak ng mga Lopez.Sa taglay niyang kasimplehan at ganda ay nagustuhan siya nito.Gwapo at napakalambing kaya naman napaibig rin siya agad nito kahit alam niya ang reputasyon nito sa mga babae bilang palikero.At nakatakda na rin pala etong ikasal sa anak ng matalik na kaibigan ng mommy nito.Paano niya haharapin ang kabiguan ngayong hulog na hulog na siya dito?Panghahawakan ba niya ang mga pangako nito o mas piliing lumayo na lang dito at tanggapin ang pag-ibig ni Zandro,ang dating kababata niya sa Mindoro....

Note:

  My works are only fictional and for entertainment purposes only.There might words that inappropriate to young readers so 18+ is only allowed.Thank you and welcome to my world.Chaar!!!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Bachelor Series... Four friendship of a handsome Billionaires which are known playboys,with strong attractions to women and a happy go lucky guys which only enjoys life to the fullest.Doesn't believes in marriage, until they finally met the women that captures and melted their frozen hearts... Let us welcome the love story of one of the Bachelors Hector Lopez and love of his life Lenet Olivar.... CHAPTER 1 Panimula... Nagising si Lenet sa gulat ng tunog mula sa kanilang kusina na katapat lang ng kwarto nila ng nanay niya Halos araw araw yun na ang alarm clock niya, alas kwatro palang ng madaling araw maririnig mo na ang tunog ng kalampag ng mga kaserola.Di na siya kailangang gisingin ng kaniyang ina sapagkat tunog palang ng mga gamit nila sa kusina akala moy pati mga kapitbahay parang gusto ng gisingin ng nanay nya. Pahikab-hikab syang lumabas ng kanilang kwarto diretso hilamos sa lababo. "Magandang umaga po,inay",bati niya sa kaniyang inay na nag uumpisa nang maggayat ng sibuyas. "Magandang umaga rin,anak.Kumusta ang tulog mo?"tanong nitong may pag-aalala sa tinig."Nagising ba kita?Nagkapatong-patong kasi etong mga kaserola ko kaya't parang may giyera sa ingay dito."Nangiti niting sabi. Sanay na siya sa ganung sitwasyon. "Okay lang po yun inay.Maayos naman po,salamat sa Diyos."Kagabi kasi ay inatake siya ng mindgrain niya,ewan ba at tuwing unang dalaw niya ay laging nasasakitan siya ng ulo.Sabay pa ang dysmenorrhea niya,pagsakit ng kaniyang puson. "Mabuti at may naitabi akong gamot na paracetamol,kailangan talagang laging meron sa botelya ng lagayan ng gamot natin at naku di na nawawala ang pagsakit na iyan ng ulo mo."wika nito. "Ano po palang putaheng iluluto niyo ngayon?tanong ni Lenet habang nakatitig sa mga sangkap sa harap ng lamesa. "Ginataang tilapia.Nagrequest si Tony".Ang kapitbahay naming suki ni nanay.Dahil nasa Middle East si Aling Ara ang asawa nito ay umaasa nalang sa luto ni nanay,mga lalaki ang mga anak nito 1st year High School si Kiko at 1st year College naman si Zandro ang kababata niya pero sa ibang unibersidad na eto ng kursong Criminology.Si Mang Tony naman ay mekaniko sa pwesto nito sa harap din ng bahay nila,katabi ng sa amin.Yan ang isa sa mga costumer na bumubuhay sa karinderya namin.Mga busy na tao na walang panahon na magluto. Matapos tumulong sa kaniyang inay ay naggayak na siyang mag ayos sa pagpasok sa Universidad sa kanilang maliit na bayan sa kanilang probinsya. Nag almusal siya saglit,kinain ang nakahandang almusal ng inay niya,tirang lutong ulam na ininit nalang ng inay nito,adobong gulay na sitaw at isdang tuyo.Literal na pagkaing mahirap pero saksakan ng sarap.Matapos mahigop ang huling laman ng tasa ng kape ay agad na siyang nagsipilyo.Polbos at mumurahing lipsticks lang ang pinahid niya at hinayaang nakalugay ang medyo basa pang buhok. "Papasok na po ako inay",paalam niya rito. "Mag-iingat ka,nakuha mo ba yung 50pesos sa ibabaw ng tokador?tanung nito. Kakamot-kamot siya ng ulo,naiiling na kinuha ang 50pesos.Nakita na niya kanina muntik na naman niyang makalimutan.Minsan ay nahiya siyang nilibre pa ni Zandro ng pamasahe,mabuti at nakasabay niya eto sa tricycle. Paglabas ng bahay 5minuto lang siyang naghintay ng tricycle,10minuto lang ang biyahe papuntang unibersidad,swerti and walang trapik di siya malelate sa unang subject. Natapos ang unang subject nila,naitawid niya ng di siya inaantok.Baon parin niya ang isang pirasong tabletas ng sakit sa ulo. Tumambay muna siya sa Library para masearch ang assignment niya sa susunod na subject.Valedictorian siya sa high school kayat isa siya sa mga nakakuha ng eskolarship kayat di siya pweding magpabaya na may bumagsak siyang subject o bumaba. She has to maintain the grades atleast 90 for full scholarship. Alas tres ng hapon,nakauwi na siya ng bahay.Maagang natapos ang kalse niya ngayong araw ng Biyernes. Maayos naman na ang pakiramdam niya kaya't tutulong naman siya sa pag aayos ng mga ititindang barbeque ng inay niya. "Ako na po ang magtutusok ng isaw inay" pagboboluntaryo niya. "Sige anak at ayusin ko yung paglulutuan ng mga iyan para masindihan ko ng maaga yung uling at medyo basa pa ata yung nabili ko kahapon ay kandahirap akong pagbagahin yun". Matapos sa preparasyon ay inilabas na niya ang mga eto sa pwesto nila ng inay niya. Natanaw niya si Zandro na kabababa pa lang ng tricycle,di sya nito napansin sapagka't mukhang nagmamadali etong pumasok sa bahay nila. May maliit na punong nakapagitan sa bakod ng bahay nila na siyang lilim para di sila mainitan sa pwesto nila,mainam at mayabong ang sanga nito at buhay na buhay ang dahon ng alatires. "Ipatong mo na yan dito sa lamesa,mamayay magsidatingan na galing sa eskwela ang mga suki nating nga bata".anyang kanyang inang may ngiti sa labi. Nakakapagod ang gantong gawain sa araw-araw pero wala siyang pagpipilian.Di naman niya pweding pabayaan ang kaniyang ina ng mag-isa.Dadalawa lang sila sa buhay.Isang buntong hininga nalang ang siyang nagagaw niya. Umupo siya saglit sa upuang monoblock na nangingitim na sa kalumaan. Bakas ang hirap ng buhay sa kanilang paligid.Pero sinisuguro nilang malinis ang bawat bentang pagkain nila. Natanaw niya ulit si Zandro na may sukbit na bag at nakapagpalit na nga pangJersy. Huminto ang single na motor at nakilalang driver nito si Bitoy ang kaibigan din nito na nakatira naman sa kanilang bayan.Kilala rin niya eto sapagka't minsay tumatambay para bumili ng tinda nilang barbeque. Napansin siya ng mga eto kaya kumaway sila bago pinaandar ang motorsiklo.Kumaway din siya sa mga eto bago nawala ng tuluyan sa paningin niya ang sasakyan nila. Alas 4:30 na ng hapon may sukbit pang bag ang ilang mga bata na halatang dito muna dumiretso sa amin bago umuwi. Napansin ko si May-May grade4 pa lang eto,cute na cute na bata.Madalas kila Zandro eto tuwing sabado at Linggo.Pinsan eto ng lalaki,nag aaral sa kabilang barangay kung saan din sila nagtapos ng Elementarya.Hanggang Elementarya lamang ang eskwelahan sa kabilang baranggay kaya naman sa Bayan na ang tuloy sa pag aaral sa secondarya ng edukasyon ng mga kabataang nagtatapos sa Elementarya.Nilalakad lang nito ang kanilang eskwelahan 5 bahay ang pagitan ng bahay nila Mang Tony kaya bago eto umuwi ay bumibili muna ng hotdog na tag pipiso.Tinira nito sigurado ang 5peso mula sa baon para makabili sa amin. "Ate Lenet bayad ko po eto". Paalis na sana eto pagkatanggap ko ng 5pisong baryang tagpipiso,hawak ang stick na may 5pirasing sliced hotdog tumutulo pa ang sauce nito,bumalik eto't naalalang may assignment siya sa Math subject niya."Patulong po pala ako uli't sa Math subject ko ate Lenet,sabi po kasi ni Teacher Lisa ay magiging quiz din po namin yun sa Lunes".Nakangiting wika nitong naghihintay sa sagot niya. "Sige,pagkatapos kong maglaba sa hapon,matulog ka muna para lumaki ka pa,natatawang sagot niya".Madalas kasi etong magpatulong sa kanya.Naaaliw siya dito,parang nakababatang kapatid na ang turing niya,siguro'y sabik syang magkaroon din sana ng kapatid.Di nalang niya nakagisnan ang ama kaya't wala ng pagkakataong mabigyan siya ng magulang niya ng kapatid kahit isa man lang para may makalaro noong musmos pa siya. "Yeeheey!!!Sige po pero malaki naman na po ako" sabay busangot nitong sabi.Bye,Bye po".Palundag lundag pa etong papalayo pauwi.Halatang tuwang tuwa at matuturuan niya eto. Laging tinatakasan si Ate Bebe,nanay nito tuwing oras ng tulog kaya maya't maya sinusundo na,laging nagdadahilan para di makatulog.Parang siya rin noong ganun edad.Edinadahilan nalang niyang tutulong sa nanay niya sa kusina para di nalang patulugin. Busy na sila sa pagtitinda nung unti unti ng nagsusulputan ang mga mga nais bumili,minsan kasiy yun na rin ang gingawang ulam ng mga eto sa gabi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.5K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.8K
bc

The Lone Alpha

read
125.5K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
819.9K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
613.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook