Chapter 4:

1637 Words
Nainis pang lalo si Zeus sa mga magulang. Parang bata tuloy siyang hinabilin pa bago umalis lalo na at nakikita ang simpatikong ngisi sa labi ng babaeng hinabilinan. "Hep! Hep! Huwag kang umirap diyan baka madukot ko iyang mata mo," tawang anas ni Kikay sa sarili. "May sinasabi ka yata!" sita ni Zeus sa babae nang marinig na tila may binubulong ito. "Wala ah, may narinig ka ba?" aniya saka sumunod sa step-sister ng lalaki. Papasok na sana si Kikay sa kabahayan ng maalala ang sinabi ng dalawang matanda. Mabilis pa sa alas kuwatrong pumihit siya pabalik sa harapan ng lalaki. "Before I forgot, it's time to take your medicine, Sir," aniya sa lalaki. "May sa pusa pa itong babaeng ito ah, kung saan-saan nasulpot," ani ni Zeus sa sarili. "Okay, Madam Kikay?" aniya sabay paikot sa mga mata niya. Napahagalpak sa tawa si Kikay sa sinabi ng lalaki. "Grabe ka naman, Kikay na lang huwag ng Madam," biro sa lalaki. Mas lalo pang nainis si Zeus. "Where is my medicine?" aniya upang makalayo konti rito. Iba ang pakiramdam niya kapag nasa malapit lamang ang babae. Dali-dali namang pumasok si Kikay at halos takbuhin niya ang silid ng lalaki upang kunin ang gamot nito. "What the hurry for?" rinig na wika ni Kelly. "The tiger is growling already este Sir Zeus is asking on his medicine already," nagkandautal-utal na english sa babae. Tatlong araw rin siyang nag-practice ng English with matching webster dictionary pa. Gayun pa man ay nahihirapan pa rin siyang mag-english. Nang makuha ay bumalik agad sa kinauupuang bench ng lalaki sa may pool side. "Sir, ito na po," aniya sabay abot rito. Ngunit nakatingin lamang ito sa kanya. Bigla tuloy siyang na-conscious sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. "Maganda ba ako? Ah este may dumi ba ako sa mukha, Sir? Kung makatingin ka kasi parang ang dami kong muta," aniya. Biglang nangunot ang noo ni Zeus sa narinig. "Joke ba iyon?" sarkastikong wika. "Hindi eh!" game na game namang tugon ni Kikay. Mas lalo pang nangunot ang noo ng lalaki na kinatuwa pa lalo ng kanyang kalooban. Bitbit ang tray ay aalis na sana siya nang dumating ang pamangkin nito hawak ang isang notebook. "Uncle, can you please help me?" sumamo ng bata. Hindi ito pinansin ng lalaki at nagpatuloy ito sa pagbabasa ng magazine. "Uncle, can you help me, please?" Hila pa ng bata sa magazine upang pansinin siya nito. "Stop it, Jacob. I'm busy," baliwalang wika nito. Tumayo ang bata. "You changed a lot uncle, we use to do my homework when Aunt Alexis was with you," anito na may himig pagtatampo sa tiyuhin. "I said stop it and don't mention her name. She's gone! She's gone!" mataas na boses nito. Nahintakutan ang bata ngunit hindi pa rin ito naalis sa tabi ng tiyuhin. Nilapag niya ang tray at saka sinutsutan ang bata. Nangingilid ang luha nito nang lumingon sa kanya. Sinenyasan niya itong lumapit sa kanya. Bumaling ito ng ulo katunayang ayaw pumunta sa kanya. Alam niyang hindi pa siya gaanong ka-close dito. Ngunit hindi siya tumingin isang palakaibigang ngiti ang binigay rito at sinenyasang tutulungan ito. Unti-unti itong humakbang papalapit sa kaniya. Sa isang bench din sila umupo, hindi kalayuan sa lalaki. Abala kasi ito sa pagbabasa kaya hindi nito napansin ang ginawa. "Come here, what do you want?" ngiti sa bata. "I have a home work for tomorrow," hesitate na wika nito. "Do you want me to help you?" muwestra pa dito. "Can you?" balik-tanong naman nito. Isip niya ay matalinong bata ito. Kaya hindi mahirap turuan baka mas mahirap pang turuan ang tiyuhin nitong ubod ng sungit. "Hmmmmm! Suplado," mahinang bulalas habang nakatingin sa lalaking may sapal na magazine sa tapat ng mukha. "What is it?" anang ng bata. "No, I said your so cute," aniya saka tumawa. Napangiti na rin ang bata at marami na siyang nasasabi rito. Nalilibang naman ito habang nakikinig sa kanyang mga kuwentong barbero. "So what is your assignment all about?" boses batang tanong sa bata matapos makuha ang loob nito. Bigla namang naalala ang bata ang assignment at mabilis na binuksan ang notebook nito. "Here?" anito. "Okay, what we gonna do?" "Teacher said, use those words in a sentence," masigla ng wika nito at tila nakalimutan na ang ginawang paninigaw ng tiyuhin nito. Napakunot-noo si Zeus nang marinig ang halakhak ng pamangkin. Bahagya niyang sinilip ang kinaroroonan nito at mula roon ay nakitang nilalaro ito ni Kikay. Napataas-kilay tuloy siya. When Alexis first meet his nephew it takes a month para makapalagayang loob nito pero ang babaeng ito ay linggo pa lang ay okay na. Mabilis na binalik ang magazine nang makitang lilingon ang dalaga sa gawi niya. Mahirap na baka sabihin na naman nitong namboboso siya kahit walang kaboso-boso rito. "Okay, what is the first word?" tanong ni Kikay sa cute na cute na bata. "Ignorant," ani ng bata. "Your uncle is ignorant," aniya habang nakatingin sa gawi ng lalaki. "Next?" "Ugly," ani muli ng bata. "Your uncle is ugly," malakas na wika upang umabot sa tainga ng lalaking nagbibingi-bingihan. Nainis si Zeus sa naririnig buhat sa babae. At mukhang tuturuan pa nito ang pamangkin ng hindi maganda. "Crazy," binsa muli ng bata. "Your uncle is crazy," sagot muli sa bata. Tawang-tawa naman ang bata habang sinusulat ang kanyang sinasabi. "Hmmm! Handsome," ani ng bata. Tatayo na sana si Zeus upang sitahin ang babae sa pinagsasabi sa pamangkin ng marinig ang salita na sinabi ng pamangkin. Napangiti siya. 'Handsome,' aniya sa isip. "Your Papa is handsome," malakas na wika ni Kikay. Saka panakaw na tinignan ang lalaki na nakatingin pala sa kanya. Ilang sandaling naghinang ang paningin nila bago siya nakahuma. 'Akala mo ikaw iyon,' pilyang wika niya sa isip. "Cute," anang pa ng bata. "You're so cute," aniya rito sabay hawak sa magkabilaang pisngi nito. Saka sila nagtawanan. Maya-maya ay sumeryoso naman na si Kikay ay tinuruan na ang bata ng tamang paggamit ng salita sa isang sentence. Gusto lang niyang patawanin ang bata at paringgan na rin ang lalaki. Palalim na ng gabi ngunit ayaw pa rin siyang dalawin ng antok kaya naisipan niyang lumabas ng silid at pumunta sa kabilang panig kung saan naroon ang green house ni Mrs. Carlson. May upuan roon kaya naisipan niyang umupo at tumingala sa langit. Matagal-tagal din siyang nakatingala nang may tinig na narinig. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah," tinig ni Zeus. "Anak ng kuneho oh!" ani ni Kikay sa kabiglaan. Akala niya tuloy maging Amerika ay hahabulin siya ng multo. "Walang basagan ng trip. Bakit ka naririto? You must sleep now," aniya sa lalaki. "Hey! I'm not a kid anymore kaya huwag mo nga akong uutusan sa gusto ko," aniya rito. "At huwag mo rin akong masigawan. Beside binilin ka sa akin kaya makinig ka ha," nakapamaywang na wika. "Baka gusto mo hilain pa kita pahiga sa kama mo," banta pa sa lalaki. Napataas-kilay na lang si Zeus. Kaliit kasi nitong babae tapos may gana pang magbantang manghihila sa kanya. Hindi naman matagalang muli ni Kikay ang tingin ng binata kaya mabilis niya itong hinila papasok sa kabahayan. "It's 10:30 already. You really need to rest," malumanay na niyang wika rito. "You must," sagot naman ni Zeus saka pumasok sa silid. Paalis na rin si Kikay upang pumasok sa silid. Nang maalala ang sinabi ng mag-asawa bago umalis. "Ah si-" "Kik-" sabayan nilang wika. Saka sabay ding tumigil. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Kikay sa sandaling iyon. "You first," tinig ni Zeus na nagpanumbalik sa kanyang kamalayan. "Sabi nila Mama at Papa mo, huwag mo raw kalimutang iinject ang gamot mo doon," aniya tukoy sa pwet ng lalaki. Doktor ito kaya ito na ang nag-iinject sa sarili. Every other day lang naman ang pag-inject nito dahil sa sakit. "Ah, iyon ba? Okay, no worries," ani ni Zeus. "Ano nga pala sasabihin mo?" 'di mapigilang tanong ni Kikay sa lalaki. "I just wanna say goodnight," anito. "Okay, goodnight din," tugon saka tuluyang pumasok sa silid. Hindi tuloy niya maiwasang kiligin sa naging goodnight-an nila ng lalaki. 'Hoy Kikay. Hinahon, he's your boss,' sermon sa sarili. Papaano ba naman kasi siya hihinahon kung ganoon kaguwapo ang makakaharap mo iyon nga lang ganoon din ito kasungit lalo na kapag sinumpong. Kinabukasan ay maagang bumangon si Kikay. Nagkakape siya nang makitang papalabas ng bahay si Kelly. "Good morning, Ma'am," bati rito. Mukhang mag-e-exercise ito base sa suot. "Oh, hi, good morning too. Wanna join?" alok nito sa kanya habang nagwa-warm-up. Game na game naman siya kaya mabilis na pumanaog sa silid at nagbihis ng pan-jogging. Buti na lang girl scout siya, laging handa. Bagong-bago pa ang skirt at tshirt na pang sport. Pawisan na silang dalawa. Mga trenta minutos na rin silang nag-e-exercise. "I need to go to the toilet," ani ni Kelly saka sinabing ituloy lang niya. Nakatayo siya habang inaabot ang tip toes kaya patuwad-tuwad siya. Kahit naka-skirt ay kampante siyang walang boboso sa kanya dahil sila lamang ang naroroon at tulog pa naman ang kaniyang alaga este ang kaniyang boss. Maaga siyang nagising kaya naisipan niyang mag-jogging. Papalabas na siya ng bahay ng mahagip ang isang bulto ng babaeng nag-e-exercise. 'Wow! Sexy!' aniya sa isip ng makitang ang bilugang binti nito. Nang bigla itong tumuwad patalikod sa kanya. Pinagmasdan niya ito. Nakailang tuwad na bago ito huminto. Papalapit na siya sa babae nang bigla itong humarap at nakita ang magandang mukha ni Kikay. Nabigla rin si Kikay sa lalaking papalapit sa kanya. Nakapan-jogging ito. "Saan ka pupunta, aber?" nakapamaywang na wika. "Magdya-jogging?" tugon ni Zeus. "Sorry, pero 'di kita papayagan," taas-kilay na wika. "Bakit naman?! At saka pwede ba, kaya ko ang sarili ko?" inis na wika dahil kung makasita ito ay daig pa niya ang kanyang ina. "Huwag mo akong utusan. Hindi kita asawa," aniya sa inis. Nainis naman si Kikay sa narinig. "Bakit sinabi ko bang asawa kita? Ang sabi ko hindi ka pwedeng mag-jogging," aniya sa lalaki. "Huwag mo nga akong pigilan!" giit pa rin ni Zeus. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo. Hindi nga pwede, 'di ba? Hindi pwede," giit rin dito kaya nagkasukatan sila ng tingin. Ayaw niyang padaig rito kaya kahit parang matutunaw na ang puso ay pinilit pa ring huwag papasilong rito. Nakita niyang napamura ang lalaki saka mabilis na bumalik sa kabahayan. Napangiti siya sa sarili. 'Ayos ka rin pala ah. You're the boss, Kikay,' aniya sa sarili saka ngumisi habang nakatanaw sa likuran ng lalaking pabalik sa silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD