Chapter 5:

1453 Words
Napabungisngis si Kikay dahil muling napasunod ang lalaki. "Kung bubuenasin nga naman," usal sa sarili. "Is that Zeus?" tinig buhat sa likuran niya. Si Kelly iyon. "Yes, Ma'am. He wants to jogging-jogging but I can not allow him. Ma'am Janeth told me not allow for him to do such thing," pilipit ba English niya sa babae. Tawang-tawa naman ito dahil with action pa siyang magpaliwanag. "That's great! I like you, Kikay," natatawang wika nito sa kanya. "I like you more, Ma'am," aniya saka nakipagtawanan sa babae. Mas lalong nagngitngit ang kalooban ni Zeus ng maulinigan ang usapan ng dalawang babae. Lalo na nang marinig ang bungisngis ni Kikay. "Nakakainis! Akala mo kung sino ang babaeng iyon ah!" maktol niya sa kanyang sarili. Agad siyang pumasok sa silid at muling nahiga. Pilit pinanatag ang kalooban kaya naisipan niyang pumunta sa mini-teather niya. Pumasok siya sa isang connecting door sa kanyang silid. Sa silid na iyon matatagpuan ang kompletong instrumento para sa isang banda. Very passionate kasi siya sa musika mula noong bata pa sila at nakabuo pa sila ng banda kasama ang dalawang matalik na kaibigan bago magtungo sa America. Hinawakan niya ang drum, may konting alikabok na rin ito. Dahil mula nang maghiwalay sila ni Alexis ay ngayon lang ulit siya nagawi sa silid na iyon. Umupo siya sa harap ng drum at sinimulang mag-drum. Iyon ang pinaka-forte niya sa kanilang tatlong magkakaibigan. Pero may angking kagandahan din naman ang boses niya. "This is great!" aniya saka tila may sarili ang mga kamay na ayaw paawat. Pinikit ang mata saka ninamnam tugtugin ang isang kanta. Tuon ang buong atensyon at natatangay na ang damdamin sa kantang tinutugtog. Matapos mag-ehersisyo kasama si Kelly ay mabilis na pumanhik si Kikay dahil oras na para sa gamot ng lalaki. Halos takbuhin niya ang hagdan pataas dahil pasado alas diyes na. "Naku naman Kikay! Nag-exercise ka lang nakalimutan mo na lahat," sermon sa sarili. Baka kasi hinahanapan lang siya ng lalaki ng pagkakamali para may maidahilan ito upang tuluyan siyang paalisin. Hindi na siya nagbihis. Daig pa niya ang may pakpak ng paa habang tinatahak ang daan patungo sa silid ng lalaki. Nakailang katok na siya ngunit wala pa ring nasagot. Wala na siyang choice kundi pasukin ito. Baka tulog ang lalaki kaya hindi nito naririnig ang kaniyang katok. Masuwerteng bukas iyon ng pinihit ang seradura at bumungad sa kanya ang nakakabinging tunog ng drum. Automatikong natakpan niya ang kanyang tainga. "Ano bang ginagawa ng lalaking iyon. Babasagin pa yata eardrum ko ah. Buwisit!" himutok sa kaniya saka ginala ang tingin sa silid ng lalaki. Ngayon niya lang ito napagtuunan ng pansing mabuti. Tinignan ang kama ngunit wala roon ang hinahanap. 'Baka nasa CR,' aniya sa isip. At mabilis na dinikit sa pintuhan ang tainga niya. Napaikot siya sa mini livinf area na nasa loob ng silid ng lalaki. Wala rin ito roon. Papihit na sana siya nang biglang manlaki ang mata niya. Bukas kasi ang telebisyon at may movie na nakasalang sa TV. Nandidiring napapikit mata siya dahil napakahalay ang napapanood. 's**t! Bakla pa yata si bossing,' hindi maiwasang isipin. Paano ba naman kasi ay kapwa lalaki ang naroong naghahalikan. Mabilis na hinagilap ang remote control at pinatay iyon. "Bakla ka ba? Sayang guwapo ka pa naman. Hay! Sayang talaga ang lahi," aniya habang muling ginala ang tingin sa silid. Tumigil ang nakakabinging tunog na naririnig. Mula sa mesa ay nakita ang isang larawan. Si Zeus at may kasamang babae na kapwa nakangiti. "Maganda nga itong si Alexis," bulalas niya. "Pero mas maganda ako," bawi sa sinabi nang muli siyang makarinig ang tunog. Ngayon ay nakakaakit na ang tugtog. Hinanap ang pinanggagalingan noon at humantong siya sa isang pintuhan. Maingat niyang binuksan iyon at tuluyang nakita ang bulto ng lalaking nakaupo kaharap ang isang drum. Hindi nito napansin ang kanyang presensya. Ayon sa kilos at galaw nito ay mukhang bihasang-bihasa na ito sa pagtugtog ng drum. Nakapikit pa kasi ito. Nang matapos ito ay hindi niya mapigilang hindi pumalakpak. Napakagaling nito at mukhang magaling din itong kumanta. "Grabe! Ang galing-galing mo palang tumugtog," palakpak na puri rito. Nabigla si Zeus nang biglang may pumalakpak sa galing pintuhan. Hindi na niya kailangang lingunin ito upang malaman kung sino iyon dahil sa tinig pa lang nito ay kilalang-kilala na niya. "Ang galing-galing mo talaga. Nakaka-in love!" tila wala sa sariling wika pa ni Kikay habang papalapit sa lalaki. Mabilis na tinutop ang bibig nang mapagtanto ang sinabi niya. 'Shockz! Ano bang nasabi ko,' aniya sa sarili ng makitang madilim na naman ang mukha ng lalaki. 'Ang herodes kahit nakabusangot guwapo pa rin. Nakaka-in love,' ulit niya sa isipan. "May nakakatawa ba ha?!" sikmat ni Zeus sa kanya. Napatitig siya sa lalaki sa kaseryusuhan ng tinig nito. "Ikaw?" mabilis na sagot. "I mean, wala! Bakit masama bang tumawa ha!" diga rito. "Oo," malakas na wika ni Zeus. "Oo, lalo na kung walang nakakatawa. Alam mo ba ang tawag doon ha?" anang din nito sa kanya. Mas lalo namang natawa si Kikay. Walang lugar sa kanya ang salitang tampo o galit sa pagkakataong iyon. "Ano?!" tudyo sa lalaki. "Baliw!" anito. "Grabe naman baliw agad. 'Di ba pweding luka-luka muna," hirit dito. Mas lalong napakunot ang noo si Zeus. Tatanda yata siya ng wala sa oras habang narito sa tabi ang babae. "Hindi ba't pareho lang iyon," ani ni Zeus. Napabungisngis si Kikay. Makulit rin pala kasi ang lalaki. Kinahapunan ay walang nagawa si Kikay. Natanawan niyang nakahiga ang lalaki sa may pool side nila. Mabilis siyang pumanaog at parang balewalang naupo sa kabilang bench. Napataas kilay si Zeus. 'Ano na naman kaya ang binabalak ng babaeng ito,' aniya sa isip. Maingat na umupo si Kikay at kinapa ang isang magazine. Hindi na niya pinag-aksayahang tignan pa ito. Mabilis na tinapal iyon sa mukha upang hindi makita ang reaksyon ng lalaki. Nang tuluyang tignan ang magazine ay napadilat siya ng mata. Ang lalaking nasa cover ng magazine ay walang iba kundi ang lalaking katabi. Nakailang lunok siya ng makitang nakahubad ito at tanging isang maliit na saplot lamang ang suot. 'Shockz, ang ganda naman pala ng katawan eh,' aniya sa isip saka napahagikgik ng mahina. Nakailang lunok din siya ng humantong ang tingin sa kaumbukan nito. 'God, pigilan mo po ako. Baka ako po'y marahuyo,' dalangin niya saka sinilip ang lalaki. Tuon pa rin ang pansin nito sa magazine na hawak kaya muling binalik ang tingin sa larawan ng lalaki. Talaga namang kaibig-ibig ito. Ito ang perpektong imahe ni Adan na papapangarapan ng bawat kalahi ni Eba. Napangiti siya ng haplusin niya ang mukha ng nasa larawan saka muling binaba ang magazine upang muling silipin ang lalaki. Sa kabiglaan ay napasigaw si Kikay at lumipad sa ere ang magazine na hawak. Paano ba naman kasi ay pagbaba niya ng magazine ay mukha agad ng lalaki ang bumungad sa kanya. At halos isang dangkal na lamang ang agwat ng pagmumukha nila. "Anak ng kambing, oo!" hiyaw niya sa kabiglaan. "Bakit ka ba nambibigla? Papatayin mo ako sa nerbiyos eh," sikmat sa lalaki. Hindi niya napansin ang paglapit ng lalaki dahil masyadong natuon ang pansin sa cover ng magazine. "Hindi ako nambigla, FYI. Tinawag pa kita ngunit hindi ka nasagot. I thought your sleeping because I heard you. You seem snoring already. Iyon pala ay nagnanasa ka lang sa katawan ko," sarkastikong wika nito. Nanlaki ang mata ni Kikay sa tahasang sinabi ng lalaki. 'Aba't ang kapal ng mukha ng lalaking ito ah. May pagnanasa daw, tsee!' himutok ng kalooban. "FYI din sa'yo Mr. Sungit s***h sumpungin. Wala akong pagnanasa sa'yo lalong-lalo na sa katawan mo!" singhal niya. Mukhang uubusin ng lalaking ito ang baong pasensiya. The nerve, nagnanasa raw siya sa katawan nito. 'Hindi ba?' hirit ng isipan. Kita ang pagismid nito. 'Wala daw pagnanasa oh, pero nakailang lunok rin,' tudyo ng isipan. Napabaling-baling ng ulo si Zeus. Mukhang natutuyuan siya ng utak sa babaeng ito. Kaya imbes na utusan ito ay siya na lang ang gagawa upang makaalis konti sa tabi nito. Baka kasi kapag nagkataon hindi niya mapigil ang sarili at mahalikan pa ito. "Ikaw, Kikay kasi nakakita ka lang ng hubad na katawan naglaway ka agad. Ayan nahuli ka pa ng wala sa oras. Kainis!" sermon sa sarili. Nang makitang paalis na ito sa kaniyang harapan. Ngunit nakailang lunok ulit nang balingan ang magazine na binaba sa tabi ay nakita ang hubad nitong katawan at nakapanlalaway nitong kaumbukan. "Ay! Ilang dangkal ko kaya ang haba?" aniya pa sa sarili saka matamis na ngumiti sa likod ng lalaking paalis. "Nice butt!" tili pa niya. Aakalain bang kikiligin siya sa asal-batang boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD