Chapter 8: Loosened Up

2006 Words
ILANG araw ng hindi mapakali si Ariyah Lynn. Hindi na rin siya halos lumabas ng bahay ng mga amo niya dahil natatakot siya na baka umabot na rito ang mga tauhan ng Daddy niya sa paghahanap sa kaniya. Mabuti na lang talaga at hindi iisa ang pintuan ng entrance at exit ng kainang pinasukan nila. Kaya nakalabas kaagad sila nang araw na iyon nang hindi siya nakikita ng mga tauhan ng Daddy niya. Pinagamit din sa kaniya ang may hood na jacket na suot ni kuya Derick kaya natakpan niya ang mukha niya. Pero alam niyang paliit na ng paliit ang mundo niya rito sa Isla Reta. Kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para tigilan na siya ng kaniyang ama. "Lynn, ready ka na ba? Aalis na tayo." Napakurap siya at napatingin kay ate Thea na kakababa lang ng hagdanan. "Ano po iyon, Ate?" nakangiwing tanong niya. Hindi kasi niya masyadong naintindihan ang sinabi nito dahil okupado ang isip niya sa kaniyang problema. "Ang sabi ko, ready ka na ba at aalis na tayo." ulit na sabi ni ate Thea sa mahinhing boses. "A-Ah, o-opo, ate. Ready na po ako. Nasa sasakyan na rin po ang mga gamit ko at ng mga bata." Naroon na rin ang kambal sa labas kasama si Doc Lawrence. Hinintay lang niya si ate Thea rito sa may sala para sabay na sila. Pupunta kasi ang mga ito ng Maynila at isasama siya ng mga ito. Nakita niyang kumunot ang noo ni ate Thea at mas lumapit pa ito sa kaniya. "Okay ka lang ba, Lynn?" may pag-aalala na sa boses nitong tanong sa kaniya. Kimi siyang napangiti. "O-Oo naman po, ate Thea," aniya pero hindi naman siya makatingin dito. Alam niyang nahahalata na nito ang pagiging aligaga niya at wala sa sarili nitong mga nakaraang araw kaya kailangan na talaga niyang umayos. "Ilang araw na kitang nakikita na tila wala sa sarili at may malalim na iniisip. May problema ka ba?" muli nitong tanong sa kaniya. Napangiwi siya. Meron 'te, malaki. Gusto sana niyang sabihin pero nahihiya naman siya. Isa pa, hindi naman siya nakasisiguro kung matutulungan siya nito at makadagdag lang siya sa mga kinakaharap nitong problema. Kaaayos lang din nito at ni Doc kaya ayaw niyang sirain ang kaligayahan nito sa pagsasabi niya sa kaniyang problema. Mahina siyang natawa. "Naku, 'te! Wala naman po akong problema." "Ako pa ba ang paglilihiman mo, Lynn?" Seryoso na ang mukha nito, kaya umayos siya at sumeryoso na rin. Sa mahigit dalawang buwan niya rito sa bahay ay naging mas malapit sila sa isa't isa. Itinuturing na nga niya itong kapatid. Ito at si ate Carla ang naging ate niya rito. "A-Ano kasi, Ate... ano... kasi..." napakamot siya sa kaniyang ulo. Paputol-putol pa ang pagsasalita niya dahil nag-iisip siya ng idudugtong. Ano nga ba? "Ano... iniisip ko lang kung paano ako magpapaalam sa inyo ni Doc. Iyon! Opo, gano’n nga po." Kumunot ang noo nito, tila yata naguguluhan sa huling mga sinabi niya. "Bakit? Aalis ka ba?" Mabilis naman siyang napailing. "Hindi, Ate. Ano lang... magpapaalam lang sana ako kung puwede ba akong mag-aral sa kolehiyo next year kahit pang-gabi lang." Ate Thea's face lightened up. Mukhang natuwa yata sa sinabi niya. "Talaga? Naku! Oo, ang sagot ko d'yan, Lynn." masigla at masayang pagsang-ayon kaagad nito. "Wala talagang problema sa akin, mas natutuwa nga ako at may balak kang ipagpatuloy ang pag-aaral mo. H'wag kang mag-alala, ako na ang bahalang magsabi kay Lawrence—" "Sasabihin sa akin ang alin?" Natigil si ate Thea nang pumasok si Doc Lawrence at narinig yata sila. Lumapit kaagad ito kay ate Thea at agad nitong hinapit sa baywang si ate at hinalikan ang mga labi. "I love you," sabi pa ni Doc kay ate Thea at nakita naman niya ang pagpula ng pisngi nito. Kinikilig. Napangiti siya. Kahit sino naman kung masabihan ng I love you sa lalaking minamahal ay kikiligin talaga. Kinikilig nga siya kahit isang dakilang audience lang siya ng mga ito. At iyon ang gusto niyang mangyari rin sa kaniya. Iyong mahanap niya ang lalaking magmamahal din sa kaniya at mahal na mahal din niya at gustong makasama habangbuhay. Then, Manong's frowning face popped in her mind. Napangiti siya. Nahanap na nga pala niya ang lalaking gusto niyang makasama habangbuhay. But the problem is, ang sungit nito at lagi na lang siya nitong itinataboy. Naubos na lang ang binili niyang lunchbox pero hindi naman nito kinakain ang mga pagkaing lihim niyang inilalagay sa may hagdanan ng kubo nito. Pero nah, walang sukuan. Kung kinakailangang i-level up niya pa ang pagsuyo niya kay Manong, gagawin niya. Katulad ng gagawin din niya ang lahat, hindi lang siya makita ng mga tauhan ng Daddy niya at maipakasal sa lalaking hindi naman niya mahal. "Ano ba iyong gusto niyong sabihin sa akin ni Lynn, hmm?" Napakurap siya at napatingin sa mga amo niyang magkahawak-kamay nang nakatingin pa rin sa isa't isa. Kulang na lang yata makipagpalit si Doc sa mukha ni ate Thea sa sobrang dikit nito kay ate. Ngumiti si ate Thea at excited na humarap ulit sa kaniya. Napaharap na rin si Doc Lawrence sa kaniya. "Gusto raw na mag-aral ni Lynn next year at nahihiya naman siyang magpaalam sa'yo kaya ako na sana ang magsasabi, pero dahil narinig mo na naman…" ani ate Thea kay Doc. Tumango si Doc. "I didn't see any problem with it. Mababawasan din naman ang mga gawain niya sa bahay dahil gusto ko sanang dagdagan ang mga kasambahay natin. Pero bakit next year pa kung puwede naman na ngayong taon na?" Ngumiti si ate Thea sa kaniya. "Oo nga, Lynn, puwede naman pala na ngayong taon ka na mag-aral." Napangiwi na lang siyang napakamot sa kaniyang ulo. "Wala pa naman po akong naipon—" "Don't think about the tuition, Lynn. Kami na ng ate Thea mo ang magpapa-aral, sa'yo." Agad namilog ang mga mata niya sa sinabi ni Doc Lawrence. "Talaga po?" Hindi makapaniwalang sambit niya. Tumango-tango naman ang mga ito. Sa sobrang saya niya ay kaagad niyang dinamba ng yakap si ate Thea. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Doc Lawrence na ikinamangha niya. Ah, marunong palang tumawa si Doc, akala niya kagaya rin ito ng kaibigan nito. Nang makarating sila ng Maynila ay hindi pa rin siya makapaniwala na mag-aaral na siya ngayong taon. Sandali rin niyang nakalimutan ang suliranin niya. Hindi nga lang niya alam kung saan siya pag-aaralin nina Doc Lawrence at ate Thea. Pero sana dito lang sa Davao—natigilan siya. Hindi nga pala siya puwede rito sa Davao dahil narito na ang mga tauhan ng Daddy niya at patuloy siyang hinahanap. Her excitement died immediately at that thought. Ilang araw lang sila sa Maynila at bumalik din sila kaagad sa Isla Reta dahil dito pinili ng mag-asawa na isilebrar ang birthday ng kambal. "F**k that man! Nakakainis! Sana mamamatay na siya!" Mula sa mangasul-ngasul na tubig ng dagat ay kaagad nabaling ang tingin ni Ariyah Lynn sa babaeng kapapasok lang dito sa kusina ng yateng sinasakyan nila pauwi sa Isla Reta. Nakasuot ng housekeeper uniform dress ang babae. Pero mukhang hindi naman pangkatulong ang hitsura nito. Ang ganda kasi nito. Above the knee pa iyong dress kaya litaw na litaw ang makinis at maputing mga hita ng babae. Pero agad din naman na napanguso siya sa mga naiisip niya. Nagiging mapanghusga na yata siya sa mga hindi biniyayaan ng ganda ang hitsura. Pero kapag pangit ba ang hitsura, katulong na kaagad ang trabaho? Hindi ba puwedeng maging katulong ang mga magaganda? Natigil naman ito sa pagra-rant nang sa pag-angat nito ng mukha ay nakita siya nito. Ngingitian na sana niya ang babae nang irapan siya nito at nagdadabog na inilapag sa counter ang dala nitong tray na wala ng laman. Tumayo siya mula sa silyang kinauupuan niya at lumapit siya rito. "Hi, ako si Lynn. Kasambahay ako nina ate Thea at Doc—" "Hindi kita tinanong kaya manahimik ka." sikmat nito sa kaniya. Ang taray, ah! Pero hindi naman siya nasindak dito. "Nanahimik naman ako kaya lang dinistorbo mo ang pananahimik ko rito sa kusina. Nagmumura ka pa. Hindi mo ba alam na masamang mag-mura? Paano kung narinig ka ng mga bata?" lecture niya sa babae. Naniningkit ang mga matang humarap ito sa kaniya. "Bakit? Inaano ba kita at nadistorbo ang pananahimik mo?" tanong nito at umirap pa sa kaniya. "At hindi ikaw ang minumura ko kaya 'wag kang epal." sabi nito at nagmartsa na palabas ng kusina. Nakangusong sinundan na lang niya ito ng tingin. Ang sungit naman ni ateng maid! Nasa ganoon siyang hitsura nang pumasok si Manong. As usual, walang emosyon ang mukha nito pero may pagtataka naman sa mga mata nitong tiningnan siya, saka nilingon nito si Miss sungit na nagdadabog na lumabas ng kusina. Umayos siya sa pagkakatayo at nginitian niya ang lalaki. "Hi, Manong." masigla at ngiting-ngiti na bati niya sa lalaki. "May kailangan po ba kayo? Gusto niyo ba ng juice? Kape? Wait, ipagtitimpla ko po kayo—" "Get the hell out of my sight! Hindi ko kailangan ang tulong mo." sabi nito na ikinatigil niya sa pagkukumahog na mapagsilbihan ito. Napanguso na lang siyang sinusundan na lang niya ang bawat kilos nito. Dumeretso ito sa harap ng fridge at kinuha ang isang pitsel na may lamang tubig. Nag-abot ito ng baso sa may rack at sinalinan iyon ng tubig. Pagkatapos ay binitbit nito ang baso at tumalikod. Pero mabilis naman niya itong naharangan. "F**k!" Malakas nitong mura nang muntik nang mabuhos sa kaniya ang dala nitong tubig kung hindi lang naging mabilis ang reflexes na ginawa nito. "Sorry—" "What the f*****g hell do you want?!" bulyaw nito sa kaniya. Mukhang naubos na yata niya ang pasensya nito sa kaniya. "Ikaw, Manong." walanghiyang bulalas niya. Mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay nito. "Ako ba ay pinagloloko mo, bata?" he asked dangerously. Mas lalong nanghaba ang nguso niya. "Hindi na po ako bata, Manong. Twenty na po ako." pagsisinungaling niya sa edad niya. Umirap pa siya rito. Nakakaramdam naman siya ng takot sa hitsura nito pero keri pa rin ng powers niya. "At saka gusto ko lang naman na makabawi sa dalawang beses na pagligtas mo sa akin. Mahirap ba iyong tanggapin ng pride mo? Oo, alam kong kaya mo ang sarili mo at hindi mo kailangan ang tulong ko pero hindi naman ako matatahimik hangga't hindi ko nasusuklian iyong pagligtas mo sa akin. Utang ko sa'yo ang buhay ko kaya please, hayaan niyo na po akong makabawi—" "I want chicken paksiw." putol nito sa mahabang litanya niya na ikinatigil niya. Napanganga pa siya. Anong sabi nito? Anong chicken paksiw? Nang matauhan ay wala na ito sa harap niya at nakalabas na ito ng kusina. Pero dahil hindi niya ma-gets kung ano iyong chicken paksiw na sinasabi nitong gusto nito ay agad niya itong sinundan. "Manong, sandali!" tawag niya rito. Um-echo pa ang boses niya sa loob ng yate at nakita pa niya ang mangilan-ngilang bodyguards nina Doc at ate Thea na napalingon sa gawi niya. Pero nang makita ng mga ito si Manong ay mabilis din ang mga itong tumalikod na tila walang nakita. Natigil si Manong sa paglalakad pero hindi naman ito lumingon sa kaniya. Tumakbo siya at mabilis na pumunta sa harap nito at tiningala ito. "What?" he asked boredly. "Ihh! Hindi ko kasi naiintindihan ang sinabi mong chicken paksiw. Baka isdang paksiw? O di kaya ay chicken adobo katulad ng niluto ko noong isang araw?" patanong pa niyang sabi rito. Pinagtaasan naman siya nito ng isang kilay. "Kung—" hindi nito naituloy ang sasabihin ng biglang tumunog ang phone nito. Mabilis naman nito iyon kinuha at sinagot at naglakad na palayo. "Fine, ipagluluto kita ng chicken paksiw." sabi niya rito bago pa man ito nakalayo. Pero paano ba iyon lulutuin? Ah, 'di bale magtatanong na lang siya kay ate Thea mamaya. Para naman siyang baliw na nagtatalon sa saya na bumalik siya sa loob ng kusina. He started to loosen up! Yes!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD