Prologue
Escape
Nakatayo si Ariyah Lynn habang tinititigan ang sarili niya sa harap ng full-length mirror sa loob ng kaniyang kuwarto. She is wearing a purple beaded ball gown, and she looks like a princess. Kulang na lang ay korona sa kaniyang ulo. She is celebrating her 18th birthday, but she wished na hindi na lang dumating ang gabing 'to.
A deep sigh escaped her lips as she adjusted the gown, trying to find comfort in its heavy fabric. Her heart felt heavy too, burdened by the weight of expectations and the future that awaited her.
Napasulyap siya sa pinto, gusto niyang i-lock iyon at magkulong na lang dito sa kuwarto niya. Pero alam niyang napaka-imposible iyong mangyari.
“Happy 18th birthday, Ariyah,” she whispered to herself, her voice tinged with a mix of sarcasm and sadness. “And congratulations on your engagement.”
She turned away from the mirror and walked to the window and looked out at the night sky, wishing for a different kind of freedom. Just then, there was a soft knock on the door. Ariyah’s heart skipped a beat.
"Pasok," matamlay na tugon niya sa kung sino man ang kumakatok.
Bumukas ang pinto at pumasok doon ang kaniyang Nana Mila.
“Maligayang kaarawan sa ’yo, Anak,” nakangiting bati nito sa kaniya. May luha pang namuo sa mga nito habang nakatingin sa kaniya. “Dalaga na talaga ang baby ko.”
Pero ilang buwan mula ngayon, hindi na siya dalaga. At kahit na ayaw niya munang makasal dahil marami pa siyang pangarap ay wala naman siyang magagawa.
“Salamat po, Nana.”
Kahit hindi nito sabihin, alam niyang nalulungkot din ito para sa kaniya. Pero gaya niya ay wala rin itong magagawa sa desisyon ng mga magulang niya.
Simula ng magka-isip siya ay ang Nana Mila at apat na kasambahay nila rito sa mansion ang laging kasama niya dahil laging wala ang Mommy at Daddy niya. Palagi kasing busy sa negosyo ang mga ito.
Kaya tuwing birthday niya o di kaya ay nakakatanggap siya ng medalya sa school ay isini-selebrar nila iyon ni Nana Mila roon sa community na lagi niyang pinupuntahan, kasama ang mga bata roon.
Nana Mila and the maids were spoiling her, yet there was discipline. They provided her with the care, love, and comfort that her parents couldn't give.
"Nana, dili ko gusto na magpakasal..." naiiyak na sumbong niya sa ginang.
Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya. "Shh...'nak," pag-alo nito sa kaniya.
Noong isang taon pa sinabi ng mga magulang niya sa kaniya ang tungkol sa pagpapakasal niya sa anak ng kumpare nito. Si Mayor Simon Del Mundo.
Pero matagal na talagang na-plano ng mga ito iyon, bata pa lang siya. Kaya sobrang higpit ng parents niya sa kaniya. Bahay-eskwela ang routine niya araw-araw at pinagbabawalan siyang magkaroon ng boyfriend. Itinatak ng mga ito sa isip niya na si Simon lang ang lalaking para sa kaniya at magiging asawa niya.
May mga nagtatangka sa kaniyang manligaw pero magugulat na lang siya kinabukasan na wala na ang mga ito sa school na pinapasukan. Dahila ay nae-expel daw ang mga ito o di kaya ay lumipat ng ibang Paaralan dahil hindi na kayang bayaran ang tuition fees sa school.
Pero alam niya at ramdam niya na ang mga magulang niya ang may kagagawan kung bakit bigla na lang mawawala ang mga lalaking gusto siyang ligawan.
"Shh, 'wag kang iiyak, Anak. Masisira 'yang make up mo at mapapagalitan tayo ng Mommy at Daddy mo," sabi ni Nana Mila, puno ng pangamba ang boses nito.
Takot ito sa mga magulang niya lalo na sa Mommy niya. Pero lahat naman sila rito sa mansion ay takot sa mga magulang niya.
"Tulungan niyo po ako, Nana," pakiusap niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Namamakaawang tiningnan niya ang ginang.
Nakita niya ang pag-aalinlangan at pangamba sa mukha nito. At naiintindihan niya ito dahil ito ang malalagot kapag bigla na lang siyang nawala. Pero desperada na siya. Ayaw talaga niyang magpakasal kay Simon.
Simon was a good man. Wala siyang kuwestiyon doon.
Noong junior high school siya, tuwing bakasyon niya sa eskuwela ay pinagbabakasyon siya ng mga magulang niya sa bahay nina Simon.
He's gentleman too. Kailanman ay hindi ito nag-take advantage sa kaniya kahit pa alam nitong ikakasal sila kapag nasa tamang edad na siya.
Nagkaka-crush nga siya rito. Guwapo naman kasi ito, matangkad at sa edad nitong dalawampu’t walo ay isa na itong sikat na businessman at recently lang ay nanalo itong Mayor rito sa Cebu.
Kaya lang nang minsang nalasing ang lalaki ay natakot siya rito dahil nakita niya itong may kasamang dalawang babae sa kuwarto nito.
They were doing something she can’t imagine na puwede palang gawin. At ni-research pa talaga niya iyon sa internet, and it was called threesome.
Kaya simula noon ayaw na niyang magbakasyon pa sa mansion ng mga ito. Dahil tuwing naiisip niya iyon ay kinikilabutan talaga siya. Ilang araw nga siyang hindi nakatulog noon dahil lagi siyang binabangungot sa nakikitang tagpo na iyon.
Pero ito na naman ang pumupunta rito sa bahay nila. Mabait naman ito sa kaniya kaya sinubukan niyang iwaglit sa isip ang mga nakita niya at nakipaglapit pa rin siya.
Ngunit kahit kaunting spark man lang ay wala talaga siyang maramdaman! Kaya alam niyang hindi talaga siya magiging masaya rito kung itutuloy niya ang pagpapakasal dito.
"Please, Nana—"
Natigil siya at agad napaayos sa pagkakatayo nang bumukas ulit ang pinto ng kaniyang kuwarto at pumasok ang kaniyang Mommy Alicia.
"Tsk. Sabi na nga ba at nagda-drama pa kayong dalawa." may inis sa boses na sabi ni Mommy.
Mommy Alicia is a type of a woman na walang pasensiya. Kaya nagagalit talaga ito kapag may ipinag-utos ito na hindi kaagad nasusunod.
"Ah, M-Ma'am pasensya na po kayo. A-Ang ganda-ganda kasi ni Ariyah Lynn—"
"I know that Manang," putol ni Mommy sa sinasabi ni Nana Mila.
Saglit lang din nitong tinapunan ng tingin si Nana at itinuon na kaagad ang mga mata sa kaniya.
"You look wonderful, hija," nakangiting sabi ni Mommy.
Ngumiti siya. Kahit ang totoo ay kinakabahan siya sa maaaring mangyari ngayong gabi.
Nakita niyang suminyas si Nana na mauna na itong lumabas para bigyan sila ng privacy ng Mommy niya.
Marahang tumango naman siya.
"Salamat, Mom," aniya sa ina, nang balingan niya ulit ito ng tingin at tipid itong nginitian.
"Let's go? Hinihintay ka na ng lahat, lalo na ang fiancé mo," sabi nito at inakay na siya palabas ng silid niya.
Napahawak siya sa kaniyang gold heart locket necklace. It’s a personalized heart shaped locket, na may birthstone sa gitna, sa gilid n'yon ay ang initial ng kaniyang pangalan.
Madalas na ginagawa niya iyon kapag kinakabahan siya. Hindi rin niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya kapag nakahawak siya sa kuwentas niya ay nababawasan ang kabang nararamdaman niya.
Ni minsan din ay hindi pa niya ito nabubuksan dahil hindi naman niya alam kung nasaan o kung sino ang may hawak ng susi.
"Stop that, Ariyah." madiing saway ng kaniyang ina sa kaniya.
Tumalim pa ang tingin nito sa kuwentas kaya agad niya iyong binitiwan at ipinirmi na lang niya ang mga kamay sa gilid niya.
"Be good, Ariyah. H'wag mo kaming ipahiya ng Daddy mo, kundi malalagot ka talaga sa akin." sabi pa nito bago bumaba ng hagdanan.
Nagpa-iwan naman siya sa may tuktok ng hagdanan dahil iyon ang sabi ng event organizer. Bababa lang siya kapag tatawagin na ang pangalan niya para sa kaniyang grand entrance.
Kitang-kita naman niya ang mga tao sa ibaba, sa malawak nilang hardin at sa gilid niyon ay ang malaking infinite swimming pool.
Ang daming bisita na nandito pero maliban sa mga magulang ng Daddy niya, ang mga tiyuhin at tiyahin pati mga pinsan niyang hindi naman niya kasundo ay wala na siyang kilala pa.
Karamihan din sa mga bisita ay mga pulitikong kilala at mga kaibigan din ng Daddy niya.
Tatakbo ang Daddy niya bilang Senator sa susunod na halalan, gano'n din si Simon bilang governor rito sa Cebu. Kaya magkasundo talaga ito at ang kaniyang ama.
Napakurap siya at bahagya pang napaigtad nang may mahinang tumapik sa kaniyang naka-exposed na balikat.
"Miss, bumaba na po kayo, tinatawag na kayo ng host." sabi sa kaniya ng babaeng event organizer.
Ito pala ang marahang tumapik sa balikat niya.
Tumango siya. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng gown at dahan-dahan siyang bumaba ng hagdanan.
Napalunok siya at mas lalong kinabahan nang makita niya ang biglang pagsulpot ni Simon sa may paanan ng hagdanan at hinihintay siyang makababa.
He’s wearing a black three-piece suit, at ang kulay ng tie nito ay nag-match sa kulay ng gown niya.
Nakangiti ito habang nakatingala sa kaniya. Hinihinatay ang pagbaba niya.
Nasa gitna na siya nang hagdanan nang marinig niya ang palakpakan ng mga bisita.
"There you are! Our beautiful 18th birthday celebrant!" malakas na sabi ulit ng host ng event na ito.
Bahagya pang nanginig ang kaniyang kamay na tinanggap ang nakalahad na kamay ni Simon nang tuluyan na siyang nakababa ng hagdanan.
"You're so beautiful, babe. Can't wait to be your husband." sabi nito. Hinalikan pa nito ang likod ng kamay niyang hawak na nito.
Sa halip na kiligin o matuwa man lang ay pandidiri ang nararamdaman niya sa ginawa nito.
Kung hindi lang siya natatakot na mapagalitan ng kaniyang mga magulang baka kanina pa niya ito iniwan.
Dinala siya nito sa may gitnang bahagi ng garden, then the party started.
Sasabihin niyang nag-e-enjoy rin naman siya. Si Simon ay hindi man lang umalis sa tabi niya at panay pa ang hawak sa baywang niya na ikinailang niya.
Ipinakilala rin siya nito sa mga kaibigan nitong mga taga-Maynila.
“Tangina, bro! Mukhang dapat ka nang magtino n’yan.” makahulugang sabi ng isa sa mga kaibigan ni Simon.
Kung hindi siya nagkakamali, Ervin ang pangalan ng lalaki.
“Of course.” nakangiting sabi naman ni Simon at mas lalo pa siyang hinapit palapit sa katawan nito.
“No more threesome, huh.” sabi ng isa pang lalaki. Kaya nagtawanan ang mga kaibigan nito.
Pinagpingki pa ang mga cocktail glass na hawak-hawak ng mga ito.
Mas lalong hindi na siya naging komportable. Pasimple niyang inalis ang kamay ni Simon sa baywang niya.
“Uh, magba-banyo na muna ako,” aniya.
“You want me to accompany you, babe?”
Mabilis naman niya itong inilingan.
“Hindi na Simon, kaya ko na.”
Hindi na talaga siya makakapaghintay na makaalis sa grupo ng mga kaibigan nito.
“Okay, pero bumalik ka kaagad at malapit ng ia-announce nina Tita at Tito ang nalalapit na kasal natin.”
Tumango siya at ngumiti rito ng tipid. Pagkuwan ay humarap siya sa mga kaibigan nito.
“Excuse muna sa inyo.” sabi niya sa mga kaibigan ni Simon.
“Sige lang, future Mrs. Del Mundo.” nakangising sabi ng isang lalaki.
Iyong iba ay nagsitanguan lang at ang mga babaeng ka-date ng mga ito ay ngumiti lang sa kaniya.
Maliban sa isang babae. Kanina pa kasi niya ito napapansin na panay ang titig sa kaniya. Pero hindi na lang niya ito pinagtuunan ng pansin.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng mansion at tinungo ang kusina. Naabutan pa niya ang mga kasambahay roon na kumakain pero agad din itong nagsipulasan nang makita siya.
“Miss Ariyah, nganong naa man ka diri?” tanong ni ate Sita sa kaniya sa nakasanayan nitong lenggwahe.
“Si Nana Mila, nasaan po ba siya?” tanong niya.
Hindi pa man nakasagot ang mga ito nang pumasok si Nana Mila. May bitbit itong tray pero wala ng laman.
Nagse-serve rin yata ito.
“Anak, anong ginagawa mo rito? Nasa stage na ang Mommy at Daddy mo—”
Umiling siya. “Ayaw ko na pong bumalik doon. Please, Nana, tulungan niyo po akong makaalis dito. Ayaw ko talagang magpakasal,” pagmamakaawa niya sa mga ito.
“Miss Ariyah, sorry… pero hindi puwede. Kami po ang mawawalan ng trabaho kapag tutulungan ka namin.” si ate Letty.
“Hija, bumalik ka na muna roon sa party. Sige na, anak…” may pagmamakaawa na rin sa boses ni Nana Mila.
Walang nagawa ay lumabas siya nang kusina. Naiiyak na nagtungo muna siya sa loob ng banyo para ayusin ang sarili.
She felt betrayed, ngayon lang siya tinanggihan ni Nana. Kahit hindi naman ito nangako sa kaniya na tutulungan siya pero nasasaktan pa rin siya.
Ang kaninang kakarampot na pag-asa na makaalis ng mansyon ay tuluyan ng nawala.
“You wanted to escape?”
Natigilan siya nang isang boses ng babae ang narinig niya mula sa kaniyang likuran. Mula sa pagkakayuko ay nag-angat siya nang tingin.
Mahina siyang napasinghap nang makita niya mula sa repleksyon ng salamin ang babaeng isa sa mga kaibigan ni Simon o kaibigan nga lang ba?
Ito iyong babaeng kanina pa nakatitig sa kaniya roon sa labas.
“Ayaw mong magpakasal kay Simon?” tanong nito ulit nang hindi pa rin siya nakapagsalita.
Dahan-dahan siyang humarap dito.
“I’m Ruth Tanchengco,” pagpapakilala nito sa kaniya. Naglahad pa ito nang kamay sa harap niya.
“Ariyah Lynn,” pagpapakilala rin niya at tinanggap ang kamay nito.
Saglit lang din iyon at bumitiw rin kaagad siya.
"I heard you pleading with your household staff."
Nahigit niya ang paghinga. Sinusundan ba siya nito?
“Sinusundan mo ba ako?” tanong niya.
Tumango ito. Hindi man lang itinanggi.
“Gusto kitang makausap.” sabi nitong hindi man lang inaalis ang tingin sa kaniya.
“Tungkol saan?”
“Tungkol sa pagpapakasal mo kay Simon,”
Napakurap siya.
“You see? I’m in love with him. Hindi lang ako, marami kami. He enjoyed threesome, even foursome…”
Nanlalaki ang mga mata niya, umawang pa ang bibig niya. Hindi naman iyon lingid sa kaniya na ginagawa iyon ni Simon dahil sabi nga niya, minsan na niyang nakita ang lalaki noon pero nabigla pa rin siya.
Ito naman kasi ang unang beses na may babaeng harap-harapang nagsasabi n’yon sa kaniya at isa pa sa mga babaeng naikama ng lalaki.
Disgusting! Pero sino ba siya para husgahan ang babaeng ito?
“B-Bakit mo i-ito sinasabi sa akin?” nauutal na tanong niya, nang makabawi na siya sa pagkabigla.
“Well,” nagkibit-balikat pa ito. “To tell those disgusting thing about Simon, you know... para umatras ka sa nakatakda niyong kasal. Pero dahil narinig ko naman na ayaw mong makasal kay Simon, I’m here to help you escape.”
Hindi siya makapaniwalang nakatingin lang siya rito.
“But you still need to face your engagement with Simon,” sabi nito at tumalikod na.
"Wait," pigil niya kay Ruth bago pa man ito nakalabas ng banyo.
Huminto naman ito humarap ulit sa kaniya.
"Paano mo ako matutulungan?"
Tinaasan siya nito ng isang kilay.
"After the party, whatever happens you need to be there in my car's compartment. Bubuksan ko na iyon ngayon, para makapasok ka. Ako na ang bahala kay Simon. For sure naman ang mga magulang mo ay abala iyon sa mga bisita nila. Just don't get caught with all the bodyguards here."
Sinabi rin nito sa kaniya ang kulay at brand name ng sasakyan nito. Hindi man makapaniwala, pero umaasa siya kaya ginawa niya ang sinabi nito.
Lumabas siya sa banyo at hinarap ang engagement nila ni Simon.
“The marriage will happen three months from now,” sabi ng kaniyang Daddy Alfredo. Nasa tabi nito si Mommy Alicia na ngiting-ngiti.
Nagsimulang pumalakpak ang mga tao, mukhang tuwang tuwa sa ibinalita ng mga magulang niya.
“Congratulations, couz!” sigaw ng mga mga pinsan niya.
Ang mga Tito at Tita niya ay pawang mga nakangiti. Kung mayroon mang tao na hindi natutuwa rito, siya iyon at si Ruth.
Nasa tabi na ito ng iba pang mga kaibigan ni Simon.
To somehow show her appreciation, she slowly nodded her head at them. And a small fake smile formed on her lips.
Naramdaman naman niya ang paghawak ni Simon sa baywang niya. Marahang pinisil pa nito iyon na ikinatigil niya.
Tiningnan niya ito at agad na nagtama ang mga mata nila. Halata na rin sa mukha nito na marami na itong nainom dahil namumula na ito.
“Look how happy they are,” bulong nito malapit sa kaniyang taenga, naramdaman pa niya ang paghalik nito roon.
Kinilabutan siya pero pilit niyang hinahamig ang sarili. Sinubukan din niyang hindi gumalaw.
Nagsilapitan naman ang mga bisita sa kanila at binabati sila ni Simon.
Gusto na lang niyang hilahin ang oras para matapos na.
Matapos ang party at habang busy pa rin ang lahat ay mabilis siyang umakyat sa kaniyang kuwarto. Mabilis na nagbihis ng komportableng damit.
Hindi na niya alintana ang pagod na nararamdaman. Ang importante ay makalayo siya rito.
Kinuha kaagad niya ang kaniyang bag at naglagay ng kaunting damit doon at siniguro niya na lahat ng mga importanteng gamit niya ay madala niya.
Bitbit ang kaniyang bag ay kaagad siyang tumungo sa may veranda at doon dumaan para walang masyadong tao.
Maraming bodyguards ang daddy niya kaya kailangan pa rin niyang mag-ingat. Halos hindi na siya humihinga habang iniiwasan ang mga bodyguard na makita siya.
Nang makaabot siya sa may parking, at makita ang sasakyan na sinasabi ni Ruth ay mabilis niyang binuksan ang compartment at kaagad na pumasok.
May dalawang malalaking duffel bags at iba pang mga gamit kaya pilit niyang isiniksik ang sarili para magkasya ang katawan niya.
Hindi puwedeng doon talaga siya loob ng sasakyan dahil makikita siya ng mga bantay.
Pumikit siya at nagdarasal na sana makaalis talaga siya rito. Saka na lang siya mag-isip kung saan siya pupunta kung tuluyan na siyang makalabas dito.