Chapter 1: Manong

2289 Words
PINIGILAN ni Ariyah Lynn ang sarili na matulog kahit na gustong-gusto nang pumikit ang mga mata niya sa sobrang pagod. Kanina pa tumatakbo ang sinasakyan niya at alam niyang nakalabas na sila ng village. Pero hindi pa rin siya dapat na makapante dahil sigurado siyang hinahanap na siya ngayon ng kaniyang mga magulang. Pero ilang minuto pa ang lumipas ay hindi na talaga niya kinaya, kaya unti-unti na niyang naipikit ang mga mata. Ngunit mabilis na nabuhay ang diwa niya nang marinig ang tunog ng cellphone na nagri-ring. “What is it, Fortalejo?” Kumunot ang noo niya at agad kinabahan nang marinig niya ang malamig na boses ng isang lalaki. Pero bakit lalaki? Nagkamali ba siya ng sasakyang pinasukan? Pero sabi ni Ruth kanina, isang puting SUV ang sasakyan nito at tama naman siguro---God! Kaagad namilog ang mga mata niya nang maalalang hindi pala kulay puti itong SUV na pinasukan niya. Kinakabahang dahan-dahan niyang inangat ang sarili at sumilip sa maliit na siwang sa may pagitan nang dalawang upuang nasa harap niya. Malakas ang tahip ng dibdib niya at umaasa na kay Ruth itong sasakyang sinakyan niya at baka driver lang nito iyong lalaking nagsasalita. Pero mukhang hindi naman boses driver ang lalaki. Para kasing napakalamig at may authority bawat bigkas sa salita nito. Nakaka-intimidate pakinggan. Napangiwi siya. Baka may kasama pang iba si Ruth sa sasakyan nito. “Nasa Cebu ako, Fortalejo. Bukas pa ako babalik ng Maynila.” sabi ulit ng lalaki sa kausap pero agad din itong natahimik. Mukhang pinakikinggan na muna nito ang kausap nito sa kabilang linya. “Fine, I’ll try to catch a flight tonight.” Hindi naman niya makita ang lalaki dahil sa taas ng upuan sa may driver seat. Sinilip pa niya ang katabing upuan nito kung naroon ba si Ruth. Pero wala naman siyang nakikitang nakaupo roon. Wala rin siyang ibang tao na nakikita rito sa loob ng sasakyan. Mukhang siya lang at 'yong lalaking driver nitong SUV. Oh, God! Nagkamali ba siya ng pinasukang sasakyan? Sinubukan pa niyang itaas ang katawan para makita ang lalaki na nasa driver seat pero mabilis din siyang nagtago nang makita niyang tumingin ito sa may rearview mirror na nasa ibabaw ng dashboard. Natutop niya ang kaniyang dibdib at hindi na huminga. Mariin niyang ipinikit ang mga mata pero mabilis din siyang nagmulat nang makita niya sa kaniyang balintataw ang matalim at itim na mga mata ng lalaki na nakatitig sa kaniya. Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi. Sana hindi siya nito nakita. “F**k! Someone’s inside my car, Fortalejo. I’ll hang up now.” Narinig niya ulit na sabi nang lalaki kaya mas lalong dumadagundong sa kaba ang puso niya. Tinakpan na niya ng mga kamay ang bibig para hindi siya makagawa ng ingay. No, no, no… oh, God, please! Hindi siya gumalaw at tila nanigas na siya sa kaniyang puwesto nang maramdaman niya ang paghinto ng sasakyan. Nang marinig niya ang pagbukas-sara ng pinto ng sasakyan ay mabilis ang kilos niyang isiniksik ang katawan sa mga gamit na naroon. Hindi puwedeng makita siya nang lalaki dahil nakasisiguro siyang ibabalik siya nito sa mansion o di kaya ay ititimbre siya nito sa mga bodyguard ng kaniyang ama. Hindi man niya ito kilala pero sigurado siyang kakilala ito ng kaniyang ama kaya ito naroon sa party niya kanina. Literal na hindi na talaga siya humihinga nang unti-unting bumukas ang compartment ng sasakyan. Oh, God! Oh, God! No, please… Napakurap-kurap siya at bahagyang napaigtad nang marinig niyang nag-ring ulit ang phone ng lalaki. “What? Damn! Can you just wait---what? Damn it! Bakit mo pinayagang lumabas? Alam mo naman na may death threats ka ng natatanggap para sa asawa mo!” galit na sabi ng lalaki sa kausap nito. Napapitlag siya nang malakas nitong isinara ang compartment at narinig niya ulit ang pagbukas-sara ng pinto ng sasakyan kaya alam niyang bumalik na ito sa loob. Pagkuwan ay naramdaman niyang nag-U-turn ang sasakyan nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at marahang pinakawalan ang kanina pa niyang pinipigilan na paghinga. “Thank you, Lord…” walang boses na naiusal niya. Napahawak siya ulit sa tapat ng kaniyang dibdib. Hindi pa rin mawala ang dagundong ng puso niya. Kailangan niyang makalabas dito nang hindi siya makikita ng lalaki. Pero paano? Maingat na umayos siya sa pagkakaupo dahil ngalay na ngalay na ang katawan niya sa pagkakabaluktot para lang hindi siya makita ng lalaki kanina kung sakali man na natuloy ang pagbubukas nito sa puwesto niya. Mabuti na lang talaga at hindi nito naituloy ang pagbubukas. Kung sino man ang taong tumawag dito ay mahahalikan talaga niya ito. He's such a savior from her death! Mahigpit niyang niyakap ang kaniyang backpack at isinandal ang likod sa likurang bahagi ng upuan. Ipinikit niya ang mga mata at nagdarasal na sana tuluyan siyang makaalis rito sa Cebu nang walang aberyang mangyayari. Nang huminto na naman ulit ang sinasakyan niya ay naging alerto siya. Sumilip pa siya sa labas at nakita niya ang pamilyar na lugar ng Cebu Airport. Kahit madilim pero sa tulong ng mga ilaw na nasa mga poste ay alam niyang nasa Airport na sila nang Cebu. Nang marinig niya ang pagbukas-sara ng pinto ay mabilis na umayos siya. "Aww!" hiyaw niya nang mauntog ang ulo niya sa bubong ng sasakyan. Pero hindi na muna iyon ang concern niya, kailangan niyang makalabas dito nang hindi nahuhuli ng lalaki. Saktong nakalipat na siya sa may backseat nang bumukas ang compartment. "F**k! Who are you?!" sigaw ng lalaki na may kasama pang mura. Sa sobrang gulat ay napalingon kaagad siya sa lalaki pero agad din na namilog ang mga mata niya nang tutukan siya ng lalaki ng hawak nitong baril. M-May baril ito? Kaagad niyang nabitiwan ang hawak niyang bag at nanginginig ang mga kamay na itinaas niya ang mga iyon. "Are you a spy?" Napakurap siya. Spy? Bigla siyang nalito. Sino ba ang lalaking ito at napagkamalan pa siyang spy? Makapal ang malago at itim nitong buhok. Makapal din ang balbas nito na mukhang matagal ng hindi nasasayaran ng razor. Matangos din ang ilong ng lalaki at kahit mapusyaw ang ilaw na nagmula sa sasakyan nito ay kitang-kita pa rin niya ang kayumangging balat nito. He's tall and muscular. Kahit nakasuot ito ng itim na round neck t-shirt na nasa ilalim ng itim na leather jacket at itim na jeans, alam niyang maskulado ito. Rebelde ba ito? Pero may rebelde ba na magaling magsalita ng English? "F******g answer me, lady! Sinong nag-utos sa'yo para manmanan ako?" Napaigtad siya sa tigas at lamig ng boses nito. At lahat na yata ng balahibo niya sa katawan ay tumayo. Kahit natatakot ay mabilis naman siyang umiling. "D-Dili, Manong, oyy!" nauutal pa niyang kaagad na tanggi sa lalaki. Naningkit ang mga mata nito. Mariing naglapat pa ang manipis nitong mga labi at mas lalong nagdilim ang mukha nito. "What did you just say?" Napangiwi siya. Mukhang hindi ito taga-rito dahil hindi marunong magsalita ng bisaya o kahit ang makaintindi man lang ng lengguwahe rito. "Hindi po ako spy, okay. Nagkakamali lang ako ng nasakyan. Pero promise, wala akong masamang intensyon---" "Get out of my car." utos nito sa kaniya. Hindi man lang siya nito pinatapos sa pagpapaliwanag. Napasimangot siya. Guwapo sana si Manong, pero napakasungit. Hmmp! Kaagad naman siyang tumango. Dinampot niya muna nag bag niyang nahulog saka binuksan ang pinto malapit sa kaniya at agad na bumaba. Napasinghap pa siya at kaagad na nangangaligkig sa lamig nang tumama ang malamig na hanging panggabi sa kaniyang balat. Nakasuot lang kasi siya nang white Tee at naka-tucked in iyon sa kaniyang jeans. Nasa harap din kaagad niya ang lalaki. Ang bilis nitong makaikot, ah! Muli siyang napasinghap nang mahigpit nitong hinawakan ang kaniyang braso. "Ouch! Manong, nasasaktan po ako!" angil niya. "Masasaktan ka talaga kapag hindi ka nagsasabi ng totoo. Sino ang nag-utos sa'yo para manmanan ako?" madiin at puno ng galit ang boses na ulit nitong tanong sa kaniya. "Hindi nga po ako spy katulad ng sinasabi niyo. Bakit ba ang hirap niyong paliwanagan, Manong---s**t!" mahina niyang mura nang mamataan niya ang pamilyar na isa sa mga sasakyan nila na kakahinto lang, hindi kalayuan kung saan naka-park itong SUV ni Manong. At sigurado siya na ang mga bodyguard ng kaniyang ama ang sakay n'yon. "May mga kalaban, Manong!" sigaw niya at itinuro pa niya ang direksiyon kung saan ang sasakyan na kahihinto lang. Napalingon naman doon ang lalaki, medyo lumuwag din ang pagkakapit ng kamay nito sa palapulsuhan niya kaya buong puwersa niyang binawi ang braso mula rito at tumakbo palayo bago pa man siya makita ng mga bodyguard ng kaniyang ama. Narinig pa niya ang sigaw ni Manong pero hindi na niya ito nilingon pa. Mabilis siyang sumuot sa mga sasakyang nakaparada habang tumatakbo. Hindi puwedeng mahuli siya dahil paniguradong malalagot siya ng mga magulang niya at baka ikulong pa siya ng mga ito at mawalan na talaga siya ng pag-asa na makatakas sa kasal nila ni Simon. Bakit ba naman kasi ang tanga-tanga niya at ibang sasakyan ang napasok niya? Nang makakita ng bus at may mga taong nag-uunahan sa pagpasok ay mabilis siyang humalo para makapasok kahit wala siyang ticket. Nagawa naman niyang makapasok nang hindi nasisita ng driver. Dumeretso rin siya sa pinakadulo at doon naupo at sinadya niyang sumiksik sa pinaka-gilid para hindi siya makita. Hindi niya alam kung saan pupunta itong bus pero bahala na, ang importante ay makalayo siya rito. Sumilip siya sa may bintana at agad na tumahip ang dibdib niya sa kaba nang makita ang mga pamilyar na mukha ng mga bodyguard ng kaniyang ama. "Miss, imong ticket." Napatingin siya sa konduktor ng bus. Napalunok siya at umiling nang ilahad nito ang kamay sa harap niya. Nakakunot na rin ang makunat na nitong noo. "Kung wala kay ticket, kanaog na sa bus." "Sirado man ang counter, magbayad unta ko." aniya rito. "Kuya, sugti na lang ko na makasakay. Kinahanglan nako na makaabot dayon sa amoa. Promise, mobayad ko ug doble." pagmamakaawa niya sa mamang konduktor. Nang makita niya ang papalapit na mga bodyguard ng kaniyang ama rito sa bus kung saan siya nakasakay ay mas lalo siyang kinabahan. "Sugot na lang, dong. Malooy ka sa bata." ani ng isang Ale na katabi niya. "Balikon ta ka," sabi ng konduktor at hinarap na ang iba pang pasahero. Sumilip ulit siya para tingnan ang mga tauhan ng kaniyang ama. Pero halos panlamigan siya nang makitang kausap na ng isa sa mga ito ang driver. "Pasensya na jud, Sir. Pero kinahanglan na namong molarga." Narinig niyang sabi nang driver. Walang nagawa iyong lalaki at bumalik sa pagbaba. Unti-unting umusad ang bus at mariing ipinikit niya ang mga mata. "Okay ra ka, Miss?" tanong ng Ale sa kaniya. Tumingin siya rito at marahang tumango-tango. "Nangurog ka ug gipaningot. Dili ka sanay mosakay aning bus?" tanong pa nito. Umiling siya. "H-Hindi po. Uhm, s-saan po ba ito papunta?" "Paingon ni sa SM Cebu. Taga-Maynila ka?" Umiling siya ulit. "Dili man, 'te. Pero pasensya na at medyo nasanay kasi akong magsalita ng Tagalog pero nakakaintindi naman po ako ng Cebuano." Naiintindihang tumango-tango naman ito. "Asa man diay ka paingon?" "Davao po sana... at ganito lang din ang sasakyan, k-kung meron man." "Ah, murag walay bus, Miss. Sakay na lang ka ug Ferry paadto ug Ormoc City, tapos sakay ka ulit ug Ferry papuntang Davao." sabi ng isang ale na nasa harap niya. Tumango-tango na lang siya kahit hindi na niya masyadong naiintindihan ang lahat. Nang huminto ang bus sa SM Cebu ay agad naman siyang tinuruan ng Ale kung saan siya sasakay para makarating siya kung saan man siya pupunta. Hindi naging madali ang biyahe niya, pero nagpasalamat pa rin siya na nakarating siya ng Davao. Mabuti na lang at naalala pa niya ang address ng pinsan niya kaya agad siyang sumakay ng taxi papunta sa kung saan ang mga ito nakatira. Hindi pa siya nakapunta rito pero nang magpunta ang kuya Derick niya sa kanila noong nakaraang taon ay hiningi niya ang address nito rito. Nang huminto ang taxi na sinakyan niya sa isang hindi kalakihang bahay ay agad siyang nag-abot ng bayad sa driver at bumaba ng taxi nito. Medyo luma na ang bahay at gano'n din ang bakod na gawa sa barbwire. Pero tama naman iyong address at iyong house number na ibinigay sa kaniya ng kuya Derick niya noon. "Tao po!" malakas ang boses na sabi niya. Medyo natakot pa siya at bahagyang napaatras nang may dalawang malalaking aso na nagtatahol at tumakbo palapit sa kaniya. May ginang naman na lumabas sa may lumang pinto ng bahay. Nakasuot ito ng bulaklaking lumang duster at nakaipit ang mahabang buhok nito sa may bunbunan. Ito kaya ang si Aling Beth? "Unsay ato, Inday?" tanong ng ginang sa kaniya. "Naa ba si kuya Derick?" balik-tanong niya rito. Kumunot ang noo nito at naglakad palapit sa kaniya. Pilit din nitong pinapatahimik ang mga aso nitong hindi pa rin matigil sa pagtahol at tinataboy. "Derick?" "Opo, Ate. Sila ang tag-iya aning balay." Nag-umpisa na siyang kabahan. Mukhang hindi kilala ng ginang ang kuya Derick niya. Sinabi niya rito ang house number na sinasabi ng kaniyang kuya Derick noon. "Oo, mao ni ilang balay. Pero nabaligya naman ni nila sa amoa niadtong isang tuig lang." "Kabalo ba ka, 'te kung asa sila namalhin ug puyo?" "Ayy, oo, Inday. Nasa Samal sila karon kauban iyang asawa ug anak." Tumango-tango siya at nagpasalamat. Nagpaturo na rin siya kung ano ang puwede niyang masakyan papunta sa lugar na sinasabi nito. Sa totoo lang, gusto na niyang sumuko. Pagod na pagod na kasi ang katawan niya. Pero hindi puwede. Mas pipiliin na lang niyang maghirap kaysa ang makasal sa lalaking hindi naman niya mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD