Chapter 2: Trabaho

2932 Words
NASA laot pa si Ariyah Lynn at sakay ng Isla Reta ferryboat nang bumuhos na ang napakalakas na ulan. Humigpit ang pagkakayapos niya sa kaniyang backpack nang kasabay ng pagbuhos ng ulan ay humangin din ng malakas. Gutom na gutom pa siya dahil sa haba ng biyahe niya ay ni piso wala ng natirang pera sa pitaka niya. Muntik pa siyang hindi makasakay kanina dahil kulang na ang perang ipinambayad niya. Kaya napilitan siyang ibenta ang phone niya ng dalawang daang peso. Bago pa iyon at nasa around fifteen thousand pesos niya iyon binili pero wala na siyang choice. Ayaw niyang malipasan na naman siya ng araw na hindi pa nahahanap ang kuya Derick niya baka magiging pulubi na siya. Hindi rin niya kilala ang mga tao rito at natatakot siya kung maabutan na naman siya ng gabi. Pagdating niya sa pier ay hindi pa rin tumila ang ulan kaya wala siyang mapagpilian kundi ang sumulong sa gitna nang ulan. “Miss, susulong ka sa ulan?” Napakurap siya at agad na napatingin sa babaeng nagsalita. Nakakamangha at may nagsasalita pa pala ng Tagalog sa lugar na ito. Maganda ang babae at mukhang bata lang siya rito ng ilang taon. Nanginginig na tumango siya rito. “Opo, Ate.” “Saan ka ba pupunta?” tanong nito ulit sa kaniya. “Kilala niyo po ba si Derick Salvador? Sa kanila po ako pupunta kaya lang hindi ko naman alam kung saan siya rito sa Talicud.” “Oo, kilala ko siya. Asawa siya ng pinsan kong si Carla. Kaanu-ano ka ba niya, Miss?” “Ako po si Lynn, Ate. Pinsan ko po si kuya Derick.” pagpapakilala niya. Ngumiti naman ito. Namangha pa siya at napatitig dito nang may malalim na biloy na lumitaw sa magkabilang pisngi nito. Ang ganda nito, pantay-pantay pa ang mapuputi nitong mga ngipin. “Ako naman si Mirathea. Ate Thea na lang ang itawag mo sa akin. Wait, ilang taon ka na ba?” “Eighteen po, Ate.” “Ang bata mo pa pala. Oh, siya, halika na, sasamahan na kita doon sa bahay ng pinsan mo at mukhang giniginaw ka na ng husto.” sabi nito. Bitbit ang payong nito na tanging panangga nila ay sumulong sila sa gitna ng malakas na ulan. At dahil medyo may kaliitan lang ang payong nito kaya nabasa pa rin ang likuran niya at sa may kanang balikat niya. “Saan ka ba galing? Bakit hindi ka nagpasundo kay Derick?” pang-uusisa nito sa kaniya. “Sa Cebu po. Akala ko kasi nasa Davao pa si kuya at ang pamilya niya nakatira.” sagot niya. Tumango-tango naman ito. Ilang bahay pa ang nadaanan nila bago ito huminto sa pinakadulong bahay na gawa sa hallow blocks. “Nandito na tayo,” sabi nito sa kaniya. Hindi naman maliit pero hindi rin naman malaki ang bahay. Siguro may dalawang kuwarto lang ang bahay. Si ate Thea na ang kumatok sa may pinto. Ilang saglit lang ay bumukas iyon at isang babae ang bumungad sa kanila. Kagaya ni ate Thea ay maganda rin ito at mahaba ang unat at itim nitong buhok na pinusod lang nito ng goma. Ito yata ang asawa ni kuya Derick. Alam niyang may asawa't anak na ang pinsan niya pero hindi niya pa nakilala ang mga ito. “Thea? Bakit ka napasugod sa gitna ng ulan? At sino itong kasama mo?” sunud-sunod na tanong ng babae. Bahagya lang siyang tinapunan ng tingin ng babae at ibinalik din kaagad ang tingin nito kay ate Thea. “Oh, pumasok muna kayo.” sabi nito at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Nahiya pa siyang pumasok dahil napakarumi ng kaniyang paa. Sa lakas ng ulan ay napuputikan ang mga paa niya. Gano’n din si ate Thea pero mukhang sobrang close naman nito at ng babae kaya parang wala na lang iyon sa babae. “Naku, hayaan mo na at pumasok ka na, bhe.” sabi ng babae sa kaniya nang mag-alangan siyang pumasok habang nakatingin sa maruming paa niya. “Carla, si Derick?” tanong ni ate Thea sa babae na Carla pala ang pangalan. “Nasa Isla Reta Hotel pa at baka mamaya pa iyon makauwi kapag titila na ang ulan. Bakit?” “Pinsan niya raw itong bata,” sabi ni ate Thea. Medyo napasimangot pa siya nang tawagin siya nitong bata. Hindi naman kasi siya bata. “Ano nga iyong pangalan mo, bhe?” tanong sa kaniya ni ate Thea? Kaya mabilis niyang inayos ang mukha. “Lynn po, mga ate. Ako po iyong pinsan ni kuya Derick na taga-Cebu.” sabi niya. Agad naman na namilog ang mga mata ni ate Carla. Sa reaksyon nito ay tila nakilala na siya nito. “Oh! Ikaw iyong nakuwento sa akin ni Derick na pinsan niyang taga-Cebu. Paano mo nalaman na rito na kami nakatira?” tanong nito sa kaniya. Kaya pala gano'n ang naging reaksyon nito. Naikuwento na pala siya ni kuya Derick sa asawa nito. Sinabi naman niya na iyong ginang na nakatira sa dating bahay ng mga ito ang nagsabi sa kaniya kung saan na ang mga ito nakatira. Pinatuloy na siya ni ate Carla sa pagligo at baka magkasakit daw siya. Nakilala rin niya ang limang taon ng si Cedrick. Nang tumila na ang ulan ay nagpaalam na si ate Thea na uuwi na. Dumating naman si kuya Derick at nagulat naman ito nang maabutan siya nito sa kusina na kumakain kasama si Cedrick at ang asawa nito. “Ariyah Lynn? Anong ginagawa mo rito? At paanong nalaman mo na nandito na kami nakatira?” sunud-sunod na tanong nito sa kaniya. Hinila nito ang isang upuan sa tapat niya at naupo ito kaagad doon katabi ni ate Carla, na natatawa dahil sa naging reaksyon ni kuya Derick. Tumayo si ate Carla, hinagod pa nito ang likod ni kuya Derick. Pagkuwan ay tumungo ito sa may pantry para ipagtimpla ng kape si kuya Derick. Si Cede naman ay bumaba ng upuan at lumapit sa ama para magmano, pagkatapos ay bumalik din ito sa pag-upo at ipingpatuloy ang pakain. “Lynn, sinong kasama mo? May naghatid ba sa’yo rito?” tanong ulit sa kaniya ni kuya Derick, may pag-aalala na sa mukha nito. Umiling siya rito. “Wala, Kuya. Ako lang po ang pumarito.” “What? Lynn, alam mo bang delikado ngayon ang bumiyahe ng nag-iisa? Lalo na sa’yo na isang bata---” “Hindi na po ako bata, Kuya. Kaka-eighteen ko nga lang noong isang araw." "Still, bata ka pa rin. Ano ba ang nangyari at nagpunta ka rito? Saka paano mo nalamang dito na kami nakatira?" Bumalik si ate Carla na may dala ng isang tasa na may umuusok na kape at iniapag nito iyon sa gilid ni kuya Derick saka naupo sa tabi nito. Bumuntonghininga siya saka sumimangot. "Mom and Dad wants me to marry the man I didn't love three months from now, kaya naglayas ako." Kumunot ang noo ni kuya Derick. "What?" “Ikakasal ka na?” sabay na sabi nina ate Carla at kuya Derick, parehong nagulat at hindi makapaniwala. Malalim na huminga muna siya saka ikinuwento niya sa mga ito ang mga nangyari at kung bakit siya naglayas. Nagkatinginan pa ang mag-asawa. May pag-aalala sa mukha ng mga ito nang muli siyang tingnan. Siguro iniisip ng mga ito na baka madamay ang mga ito sa galit ng kaniyang mga magulang kapag nalaman ng mga ito na nandito siya. "Please, dito na po muna ako Kuya, Ate Carla. H'wag niyo po akong isumbong kina Mommy at Daddy na nadito ako." Umiling-iling si ate Carla. "H'wag kang mag-alala, hindi ka namin isusumbong." Tumango-tango naman si kuya Derick sa sinabi ng asawa nito. Sumasang-ayon. "Dumito ka muna hanggang gusto mo, Lynn." sabi ni kuya Derick na sobrang ikinatuwa niya. Sobra-sobra ang pasasalamat niya sa mga ito na pumayag ang mga itong mag-stay siya rito, lalo na si ate Carla. Kinabukasan ay nanghiram siya ng gunting kay Cede. Gugupitin niya ang kaniyang mahabang buhok. Wala ang mag-asawa. Maagang umalis si ate Carla para mamalengke. Si kuya Derick naman ay pumasok sa trabaho nito roon sa Isla Reta Hotel kaya siya ang naiwan kay Cede. Kailangang hindi siya madaling ma-recognize kung sakali man na may mga tauhan ang Daddy niya na umabot dito sa paghahanap sa kaniya. “Anong gagawin mo?” Gulat na tanong ni ate Carla nang maabutan siya nitong nakaharap sa malaking salamin dito sa may sala. Natigil naman siya sa akmang paggupit sana sa buhok niya. Mabilis itong nagtungo sa kusina at inilapag sa lamesa ang dala nitong bayong na puno ng gulay at isda. Pagkuwan ay kaagad siyang binalikan sa may sala. “Paikliin ko lang po sana, Ate, para kung sakali man na…” tumigil muna siya at huminga ng malalim. Tila nauunawan naman nito ang gusto niyang sabihin. “Kung gayon, pupunta tayo ng parlor.” anito at kinuha sa kaniya ang hawak niyang gunting. “Pero, Ate, wala po akong pera pambayad.” “H’wag mo na iyang problemahin. Ako na ang bahala at saka tamang-tama at kailangan ko na ring pagupitan si Cede. Sige na, magbihis ka at bibihisan ko rin ang anak ko.” Walang nagawa ay pumasok siya sa kuwarto ni Cede at nagbihis. Tama siya ng sapantaha niya kahapon na dalawa lang ang kuwarto ng bahay. Kay Cede at sa mag-asawa. Dito naman siya sa kuwarto ni Cede pinatulog ng mag-asawa. Game naman ang bata na makipag-share sa kaniya ng room. Dinala siya ni ate Carla sa Mico Island Salon and Spa. Ang mahaba niyang buhok ay pina-ikli niya. Short layered bob hairstyle daw ang tawag n’yon, sabi ng hairstylist na nag-cut ng buhok niya. Nilagyan pa nito iyon ng bangs na bumagay naman sa bilugan niyang mukha. Papakulayan din sana ni ate Carla dahil sa suggestion ng hairstylist kaya lang tumanggi na siya. Gusto niyang pananatilihing itim ang kaniyang buhok. “Ang ganda mo, bhe. Bakit naman kasi gusto kang ipakasal kaagad ng mga magulang mo eh, kaka-eighteen mo pa lang.” sabi ni ate Carla. Nakauwi na sila sa bahay ng mga ito at kasalukuyan niya itong tinutulungang ilagay ang mga gulay sa refrigerator. Natigil siya sandali. Napahawak pa siya sa kaniyang kuwentas at pinaglalaruan iyon ng mga daliri niya. “Dahil sa negosyo at kapangyarihan, Ate.” malungkot na sagot niya. Kailangan niyang pakasalan si Simon dahil gusto ng Papa niya na e-expand ang negosyo nilang construction supply at ang mga Del Mundo lang ang makakatulong sa kumpanya at tatakbo pa ng Senator ang Daddy niya. Napasimangot ito pero agad din na ngumisi. “Buti na lang hindi kami mayaman at hindi uso sa amin ang arrange-arrange marriage na iyan.” nakangisi pa ring sabi nito. Alam niyang sinubukan lang nitong i-lightened up ang mood niya. Ikinuwento na rin nito sa kaniya kung paano ito nagkakilala at si kuya Derick. Naisangla pala ang bahay ng mga ito roon sa Davao dahil caesarean ito ng manganak ito kay Cede. Pero dahil sa hirap ng buhay ay hindi na ng mga ito natubos pa at tuluyan na lang na ipinagbili at lumipat ang mga ito rito sa Talicud Island. Dumaan ang isang buwan at nagpasalamat siya at wala pa namang naghahanap sa kaniya rito. Sa nakalipas din na isang buwan ay siya ang taga-hatid at sundo kay Cede sa paaralang pinapasukan nito at tumutulong siya sa mga gawaing bahay. Ngayon niya ipinagpasalamat na tumutulong siya kay Nana Mila noon at ng iba pa nilang mga kasambahay, dahil sa mga ito ay natuto siya sa mga gawaing bahay. Kahit na sinasaway siya ni ate Carla pero ayaw niyang paawat. Nakakahiya naman sa mga ito kung magpe-feeling señorita siya rito. Ang mga ito na nga ang gumagastos sa mga personal na mga pangangailangan niya. Pero siyempre sumubok din siyang maghanap ng trabaho dahil sobra na siyang nahihiya na iasa lahat sa mag-asawa ang mga personal na mga pangangailangan niya. “Naghahanap si Dr. Fortalejo nang puwedeng maging kasama ni Thea at ng mga bata?” Natigil siya sa pagpasok sa may kusina nang marinig niya si kuya Derick. Kausap nito si ate Carla. Nandito na ulit sa Isla sina ate Thea at ang kambal? Isang buwan nang hindi niya na nakita ulit sina ate Thea at ang mga anak nito. Mula kasi ng magkasakit si Faith at iniluwas ng Maynila ay hindi na muling nakabalik pa ang mga ito rito. “Oo, pero iyong kilala lang daw natin at mapagkakatiwalaan.” Narinig niya ulit na sabi ni kuya Derick. “Bakit hindi na lang iyong mga kasambahay nila sa Maynila?” “Matanda na raw iyong kasambahay nila roon na siyang pinagkakatiwalaan talaga.” Nakita naman niyang tumango-tango si ate Carla sa sinabi ni kuya Derick. “Subukan mo kayang kausapin iyong anak ni Aling Pipay at baka gustong pumasok bilang kasambahay. Kilala naman natin iyong bata at saka mabait naman iyon.” sabi ulit ni kuya Derick. Nakyuryos naman kaagad siya at bigla ay naisip niyang siya na lang ang magtrabaho. Mapagkatiwalaan din naman siya at mabait. Kahit papaano marunong din naman siya sa mga gawaing bahay. “Sige, kakausapin ko bukas---” “Ate, Kuya? Ako na lang po ang pagtrabahuin niyo roon.” sabat niya na ikinatahimik ni ate Carla. Kaagad din siyang nilingon ng mga ito. Parehong nakakunot ang mga noo. “Anong sinabi mo, Lynn?” tanong sa kaniya ni kuya Derick. “Sabi ko po, ako na lang ang ipasok niyo. Marunong naman po ako sa mga gawaing---” “No.” mabilis na tanggi ni kuya Derick. Napasimangot siya. “Pero Kuya---” “Bakit gusto mong magtrabaho? Hindi ka naman namin pinababayaan dito, ah. Ibinigay naman namin sa’yo lahat ng pangangailangan mo.” inis nitong sabi. “Iyon na nga po, Kuya, at nakakahiya na po sa inyong dalawa ni ate Carla na pati personal kung pangangailangan, iniaasa ko pa sa inyo.” “At nagrereklamo ba kami? Hindi naman, ‘di ba?” sabi nito. Tumayo na ito at iniwan silang dalawa ni ate Carla sa kusina. Napalabi siya at nagbabadyang tumulo ang mga luha sa mga mata niya pero pinigilan lang niya. Tumayo si ate Carla at lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. “Lynn, sana maitindihan mo ang kuya Derick mo. Kahit ako, ay tutol din d’yan sa plano mo. Oo, sabihin nating may alam ka sa mga gawaing bahay. Pero iba ang mangangatulong sa ibang bahay kaysa rito dahil hindi ka naman namin pinupuwersa.” Mabilis niyang pinahid ang luhang naglandas sa pisngi niya. “Unlike, kung papasok ka bilang kasambahay sa ibang tao dahil kailangan mo talagang kumilos. Magluto, maglaba, maglinis ng buong bahay at may mga bata ka pang babantayan.” “Kaya ko po iyon, Ate.” aniya, kahit hindi naman niya alam kung kakayanin ba niya. Pero determinado talaga siya na pumasok bilang katulong. “Gusto ko rin kasing makapag-ipon, ate Carla.” dugtong niya pa. Kumunot ang noo nito. “Bakit?” “Dahil gusto ko pong mag-aral ng kolehiyo.” Hindi kaagad ito nakaimik at matagal din bago nakapagsalita. “Ate Carla?” untag niya pa rito nang makitang natulala na lang ito. Napakurap ito. “Yeah,” ngumiti ito pero malungkot naman ang mga mata nito. “Pasensya ka na Lynn at hindi ka namin matutulungan para sa pag-aaral mo sa kolehiyo.” Ngumiti siya at mabilis na umiling-iling. “Naku! Ate, ako nga dapat ang humingi sa inyo ni Kuya ng pasensya kasi dumagdag pa ako---” “Hep!” sabi nito na ikinatahimik naman niya. “Iyan talaga ang ‘wag mong sasabihin sa akin dahil baka pati ako mainis, sa’yo.” sabi nito na ikinasimangot niya. “Hindi ka dumagdag sa gastos naming mag-asawa dahil hindi ka naman namin itinuring na iba.” puno ng sensiridad ang boses na sabi nito. “Salamat, ate Carla.” aniya at niyakap niya ito. Kay ate Carla niya nararamdaman ang isang kaibigan, and at the same time, kapatid. Kinabukasan ay masinsinan siyang kinausap ni kuya Derick bago ito pumasok sa trabaho. Pumayag na ito na pumasok siya bilang kasambahay nina ate Thea at sa mga anak nitong kambal pero sa isang condition, kapag nagkasakit daw siya dahil sa katigasan ng ulo niya ay iuuwi talaga siya nito. Pumasok na rin kasi itong driver nina ate Thea. Napakayaman pala ng lalaking napapangasawa ni ate Thea. Pero bago siya pumunta sa bahay nina ate Thea ay kakausapin muna raw siya ni Dr. Fortalejo kaya sinamahan siya ni kuya Derick sa clinic nito. “Magandang umaga po, Ma’am. Ako po si Lynn, iyong mamasukan na katulong nina Dr. Fortalejo at ng asawa niya po na si ate Thea.” sabi kaagad niya sa babaeng naabutan niyang nakaupo pagkapasok niya sa loob ng clinic ni Dr. Fortalejo. Malaki ang clinic nito at may nakita pa siyang pinto na gawa sa glass, malapit sa table ng babae, gawa rin sa glass ang wall na nakapalibot n’yon. Mukhang iyon yata ang pinaka-clinic ni Dr. Fortalejo. Ngumiti naman ang babae sa kaniya. “Maupo ka na muna, Miss Lynn. May kausap pa kasi doc.” malumanay ang boses na sabi ng babae sa kaniya. Tumango naman siya at mauupo na sana sa malaking leather couch na naroon nang bumukas ang pintong nasa gilid ng mesa kung saan nakaupo ang babae. May dalawang lalaking magkasunod na lumabas. Pero agad na namilog ang mga mata niya nang makilala niya ang lalaking unang lumabas sa may pintuan ng clinic ni Dr. Fotalejo. “Si Manong…” mahinang sambit pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD