Chapter 3: White Lies

2434 Words
NANGINIG at nanlamig si Ariyah Lynn nang makita niya ang lalaking tinakasan niya noon sa Cebu. Nag-panic siya at hindi alam ang gagawin. Oh, my God! What to do? What to do? Hiyaw ng isip niya. Papalapit na kasi ang mga ito sa gawi niya. Mabilis siyang tumalikod at nagkunwaring may tinitingnan siya sa kaniyang kulay puti na canvas eco tote bag. Bigay ito ni ate Carla sa kaniya at nagugustuhan din naman niya. “So, when are you going home to Manila?” Narinig niyang tanong ng baritonong boses. Hindi nga lang niya alam kung sino sa dalawang lalaki ang nagsalita dahil nanatili pa rin siyang nakatalikod at nagkukunwari pa ring may hinahanap sa kaniyang bag. Halos marinig na rin niya ang pagtibok ng puso niya. Sana naman bago pa siya mapansin ni Dr. Fortalejo ay nakalabas na ang bisita nito. She heard the other man chuckle. And s**t! That was the sexiest chuckle she had ever heard in her entire life! “Pinapaalis mo na ba ako, Fortalejo?” sagot ng lalaking pamilyar sa kaniya ang boses. Boses iyon ni Manong at alam niyang ang tawang narinig niya ay galing din iyon dito. So iyong unang baritonong boses na narinig niya ay kay Dr. Fortalejo pala iyon. She heard Dr. Fortalejo, tsked. “Silly. Of course not. Tumawag nga ako, sa ’yo para pabantayan ang mag-iina ko.” “Nang palihim, yeah!” Dr. Fortalejo just tsked again. “Wala akong choice. Hindi ako makalapit sa kanila sa ngayon kaya iyon na lang ang gagawin ko para masiguro ko ang kaligtasan ng asawa’t mga anak ko.” sabi ni Dr. Fortalejo. Malungkot din ang boses ng lalaki. “Don’t worry. Maybe in time, kapag naghilom na ang trauma sa mga puso nila, makakalapit ka rin sa kanila. Just be patient, dude.” “I hope so. Anyway, how about you? It’s been two years, kailan ba maghihilom—” “Quit it, Fortalejo. You already know the answer to that. I must go.” sabi ni Manong kaya lihim siyang nagpasalamat. “Uh, Doc, nandito na po si Miss Salvador. Iyong mamasukan daw na katulong sa inyo.” Narinig niyang sabi ni ateng secretary kay Dr. Fortalejo. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Mas lalong kinakabahan siya dahil hindi pa tuluyang nakalabas si Manong. “Okay, papasukin niyo na lang siya sa office ko.” “Uh, Miss Salvador, sumunod ka na kay Doc.” tawag-pansin sa kaniya ng babae. Pumihit siya paharap dito at tatango na sana nang nakita naman niya itong may dinampot sa desk nito. Natigilan pa siya nang makitang isang tangkay iyon ng pulang rosas, may nakatali pang ribbon doon at mamahaling tsokolate. “Sige na, Miss, pumasok ka na sa opisina ni Doc.” sabi nito ulit sa kaniya, saka nagmamadaling umalis kaya sinundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng clinic. “Chance, wait!” Narinig niya pang sigaw nito bago sumara ang double glass door. At dahil gawa rin sa transparent glass ang wall nitong clinic ni Dr. Fortalejo ay nakita niya ang paghabol nito kay Manong na papasok na sa loob ng kotse nito. So, his name is Chance. Nahinto naman si Manong sa pagpasok sa loob ng sasakyan nito at kita pa niya ang walang emosyong mukha nito na hinarap ang secretary ni Dr. Fortalejo. Ibinigay ng babae ang dala nitong bulaklak at chocolate. Nahigit niya ang hininga nang makitang kinuha naman iyon ni Manong. At dahil naka-side view ang mga ito sa gawi niya kaya kitang-kita niya ang pagsilay ng matamis na mga ngiti ni ate. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang dibdib. Bakit parang disappointed siya nang tinanggap iyon ni Manong? Pero agad na namilog ang mga mata niya at napaawang pa ang bibig nang makitang hinulog iyon ni Manong. At nakita pa niya ang pagbuka at pagsara ng bibig nito, tila may sinasabi ito kay ate. Pagkatapos ay tumalikod si Manong at tuluyan ng pumasok sa loob ng mamahalin nitong kotse. “Rachell, where’s the—” Pumihit kaagad siya nang marinig niya si Dr. Fortalejo. Nakita naman niya itong natigilan habang nakatingin na rin sa labas ng clinic nito. Pagkuwan ay napailing-iling ito at hinarap siya. “Ikaw ba si Ariyah Lynn Salvador?” tanong ng Doctor sa kaniya. Napatango naman kaagad siya. Pero ang isip niya ay naroon pa rin sa nasaksihan. “Follow me in my office.” sabi nito at pumasok ulit sa opisina nito. Lumingon pa siya ulit sa labas at nakita pa niya roon si ate Rachell na nakatayo habang pinapahiran ang mukha nito sa hawak nitong panyo. Umiiyak yata ito. Napabuntonghininga na lang siya at sumunod na kay Dr. Fortalejo. Unang itinanong sa kaniya ng doktor ay ang buong pangalan niya at kung kaanu-ano niya sina kuya Derick at ate Carla na sinagot naman niya ng maayos at mukhang nakuntento naman ito sa sagot niya. In-orient din siya nito sa magiging trabaho niya sa bahay ng mga ito. “I know my wife was very hands-on to our children. Pero tulungan mo pa rin siya, ayaw kong mapagod siya. Bibigyan kita ng cellphone at gusto kong sabihin mo sa akin lahat ng mga pinaggagawa ng mag-iina ko araw-araw.” Puro tango lang siya sa mga sinasabi ni Dr. Fortalejo sa kaniya. Sa narinig niya kanina nang mag-usap ito at si Manong Saavedra, mukhang may ideya na siya kung bakit nito iyon pinapagawa sa kaniya. Ayaw naman niyang magtanong para kumpirmahin ang nasa isip niya dahil baka magalit ito at ayaw na siyang tanggapin. “Good. Anyway, how old are you?” Doon na siya kinabahan. Baka maligwak siya dahil kaka-eighteen pa lang niya last month. Pero hindi naman iyon minor de edad, right? “Twenty po, Doc.” pagsisinungaling niya. Mas Mabuti na iyong sigurado na tanggapin talaga siya nito. Nang matapos ang interview at pagbe-briefing nito sa kaniya ay tinawagan nito si kuya Derick sa phone nito. Nasa labas lang si kuya dahil nga driver na ito ni ate Thea at pinili nito na hintayin na lang siya sa loob ng sasakyan. Domoble ang kabang naramdaman niya. Pakiramdam niya, isang kalabit na lang sa kaniya ay hihimatayin na siya. Paano kung masabi ni kuya Derick kay Dr. Fortalejo na kaka-eighteen pa lang niya? Shit! Hindi ka talaga nag-iisip, Lynn! Nang bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok ang kuya Derick niya ay mas lalo pang lumakas ang t***k ng puso niya. “May problema po ba, Sir?” tanong kaagad ni kuya kay Dr. Fortalejo. “Nothing. Just wanna know, kung kumusta sila sa bahay.” sagot naman ni Dr. Fortalejo. Maraming sinasabi si kuya Derick sa doctor pero hindi na niya iyon pinakinggan pa dahil busy ang isip niya sa pagdadarasal na sana hindi mabanggit ni kuya Derick ang totoong edad niya. Nagpasalamat naman siya na hindi na siya ng mga ito napag-usapan at tungkol na lang kina ate Thea at sa mga bata ang pinag-uusapan ng mga ito. Hanggang sa nagpaalam na sila ni kuya Derick na aalis na. Muntik pa niyang makaligtaan ang phone na ibinigay ni Dr. Fortalejo sa kaniya sa pagmamadali na makalabas na ng opisina. “Binigyan ka ng cellphone ni Dr. Fortalejo?” tanong ni kuya Derick sa kaniya. Nasa biyahe na sila papunta sa bahay kung saan nakatira sina ate Thea at ang mga anak nito. “Oo, Kuya. Para raw masabi ko kay Doc lahat ng mga pinaggagawa ng mag-iina niya,” sagot niya. “Kuya, ano ba ang nangyari kina ate Thea at Doc? Bakit nagkahiwalay sila?” Hindi na niya napigilang itanong. “Mahabang kuwento, Lynn. Pero hindi natin puwedeng pagtsismisan ang mga amo natin.” sagot naman nito, habang ang mga mata ay nasa daan pa rin nakatingin. Napanguso siya. “Nagtatanong lang, bakit tsismis—” “Lynn, kapag pinag-uusapan natin ang buhay ng ibang tao na wala sila sa harap natin, tsismis na ang tawag n’yon.” putol nito sa sasabihin sana niya. Napangiwi siya. Oo nga naman. “Fine, Kuya. Hindi na po ako makiki-marites.” pairap niyang sabi rito. Nakita naman niya ang pagkunot ng noo nito. “Marites?” naguguluhang tanong nito. Mukhang hindi pa yata umabot sa radar nito ang mga ganoong term, ah. Napangisi siya. “Marites na kasi ang tawag sa mga taong tsismosa ngayon, Kuya.” paliwanag niya rito. Hindi naman ito nag-usisa pa at tumango na lang. Tumahimik na rin siya at itinuon na lang ang mga mata sa labas ng bintana. Grabe ang ganda pala ng lugar dito! Napapalibutan ng dagat pero may mga kakahuyan naman at berdeng-berde pa. Ang fresh pa ng hangin. Malayong-malayo sa siyudad. Pero nang maalala niya ang nangyari kanina kay ate Rachell at sa ginawa ni Manong sa bulaklak at chocolate na ibinigay ng babae ay muli siyang napaharap sa kuya Derick niya. "Kuya, kilala niyo po ba iyong lalaking lumabas kanina sa clinic ni doc?" "Oo, si Sir Chance iyon. Kaibigan ni Sir Lawrence." Oh! Kilala pala talaga ni kuya Derick si Manong. "Bakit mo pala naitanong?" tanong nito. Umiling siya ulit. "Wala. Nakita ko lang kasi ang ginawa niya sa bulaklak at chocolate na binigay ni ate Rachell sa kaniya." Hindi niya alam pero sa halip na magalit siya sa ginawa ng lalaking iyon, ay nakaramdam pa siya ng tuwa. "H'wag kang lalapit sa lalaking iyon, hangga't maaari ay umiwas ka sa kaniya." Siya naman ang napakunot ang noo sa sinabi nito. "Bakit Kuya? Masama ba siyang tao?" Naalala niya na may baril ang lalaki at muntik na siya nitong barilin nang mapagkamalan siya nitong espiya. "Basta. Sundin mo na lang ang utos ko, okay?" Tumango na lang siya. Wala rin namang mawawala kung susunod siya sa utos ng kuya Derick niya. "Nagtatrabaho rin ba siya kina ate Thea, Kuya?" Muli ay tanong niya. "Yes." May itatanong pa sana siya ulit dito nang inihinto na nito ang sasakyan sa isang mataas at kulay itim na gate. Nakita niyang may pinindot lang si kuya na remote at dahan-dahan naman na bumukas ang gate. Pagkuwan ay nagmaneho ulit si kuya papasok at inihinto nito iyon sa may garage sa harap ng malaki at may dalawang palapag na bahay. Maganda ang istraktura ng bahay. Kung hindi siya sanay na nakatira sa isang mansion, baka nakanganga na siya sa ganda. Nang bumaba si kuya ay agad na rin siyang bumaba. "Hintayin mo na lang ako d'yan at ako na ang magbaba ng malita mo." sabi ni kuya Derick sa kaniya na ikinatango na lang niya. Inilibot naman niya kaagad ang paningin sa paligid. Ang ganda ng pagkaka-landscape ng garden. May swimming pool din na naroon sa gilid, isang maliit na fountain, at bilog at kulay puting mesa na may anim na upuang nakapalibot. Pero agad din siyang napangiwi nang makitang may limang lalaki na parehong nakasuot na itim na polo. Bodyguards. Ilang metro ang layo ng mga ito sa isa't isa pero alam niyang naging alerto ito sa pagdating nila ni kuya Derick. Alam niyang mga bodyguard ito dahil ganiyan na ganiyan ang mga bodyguard ng kaniyang Mommy at Daddy. Kumusta na kaya ang mga ito? Sana hindi na siya hahanapin pa ng mga ito at hayaan na lang siya. Bumukas ang double door ng bahay at lumabas si ate Thea. Pero agad siyang namangha nang bigla na lang nawala ang limang bodyguards bago pa man ang mga ito makita ni ate Thea. Ayaw ba ng mga ito na makita ni ate Thea? Siguro utos din ni Dr. Fortalejo. "Ate!" Nakangiting sigaw niya at mabilis na tumakbo palapit dito. Kumunot naman ang noo nito. "Lynn? Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong nito sa kaniya. Napangiwi siya. Oo nga pala, hindi nga pala nito alam na kumuha ng katulong ang asawa nito. "Ah—" "Thea, kinuha siya ni Sir Lawrence para may makakatulong ka rito sa bahay at sa pag-aalaga ng kambal." sabat ni kuya Derick, na nakalapit na pala sa kaniya. At first, ate Thea was so hesitant to accept her. Kaya nakiusap siya, sinabi niya rito na kailangan talaga niya ng trabaho. Kalaunan ay napahinuhod din niya ito. Tumuloy siya sa maid's quarter. Malinis naman ang kuwarto, spacious at may double deck. Sa aliwalas ng panahon dito sa lugar ay mukhang hindi na niya kailangan pa ng electric fan. Pero incase na maalinsangan ang panahon ay may malaking ceiling fan naman sa itaas. Pero duda siya kung makakaramdam siya nang init. Dahil medyo nasasanay na siya sa mga gawaing bahay kaya hindi na siya naninibago. Puwera na lang ang paglalaba sa mga damit ng mga bata. Madaling mairita ang kamay niya sa powder na sabon lalo na kapag kinukusot niya ang mga damit kaya hindi maiwasang magkasugat siya. Matagal din bago siya matapos dahil naku-conscious siya at baka may dumi pang maiiwan sa damit at mapagalitan siya ni ate Thea. Nasa kusina siya at kasalukuyang naghuhugas ng kaniyang pinagkainan nang marinig niya ang pag-iyak ni Faith habang tinatawag nito ang Mama nito. Mabilis siyang nagpunas ng kamay sa suot niyang apron at dali-daling lumabas ng kusina. Nakita naman niya ang bata na nasa sala kaya nilapitan niya ito at akmang hahawakan nang bigla na lang itong sumigaw na ikinagulat niya. "No! H'wag mo akong hawakan! Mama... I want my Mama." "Faith..." Nakita naman niya si ate Thea na nagmamadaling pumanhik dito sa ibaba. "Lynn, 'wag mong hawakan." saway ni ate Thea sa kaniya. Hinawi pa siya nito na muntik pa niyang ikinatumba. Pero hindi na nito iyon napansin dahil nasa kay Faith ang buong atensyon nito. "Lumayo ka na muna." dugtong pa nito. Kaagad din naman siyang lumayo at bumalik na lang sa loob ng kusina. Medyo nasaktan siya sa nangyari lalo na ng maalala niya ang nakitang takot sa mukha ni Faith nang makita siya. Nakalimutan na kaya siya ng bata? Ipinagpatuloy niya ang paghuhugas ng mga pinggan. Pero natapos na lang siya ay hindi pa rin mapanatag ang loob niya, kung ano ba talaga ang nangyari at nagkaganoon ang bata. Nagpasya muna siyang lumabas ng bahay para hanapin ang kuya Derick niya. Masakit kasi ang dibdib niya at gusto niyang umiyak. Pero nang maalala niya na hindi pala siya dapat umiyak dahil baka pauuwiin siya nito, hindi na lang niya itinuloy ang paghahanap dito at dumeretso na lang siya sa may malaking swimming pool. Pero may nahagip siyang isang kubo na nasa pinakadulong bahagi ng bakuran. Kaya sa halip na sa pool siya pupunta ay naglakad siya palapit sa kubo pero bago pa man siya makarating doon nang may isang bodyguard na ang kaagad na humarang sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD