“Sobra akong nagsisisi na pinakawalan kita, na sinaktan kita. At gusto kong bumawi sa iyo. Gusto kong itama ang pagkakamali ko. Ariyah, if only you will give me a chance.” Lost in thoughts, Ariyah stared at Chance’s black eyes. Ang mga mata nitong dati ay puno ng pagkamuhi at galit sa kaniya, ngayon puno iyon ng pagsisisi at pagmamahal habang sinasabi ang nararamdam sa kaniya. Ilang beses pa siyang kumurap at kinurot pa niya ang sarili para tiyakin na hindi lang panaginip lahat ng ‘to. Pero kahit na ilang ulit pa itong magsisisi at sabihin na gusto siya nito, hindi naman mababago ang katotohanan na hiwalay na sila. Na wala na silang pinanghahawakan sa isa’t isa. At kung papatulan niya ang pagkagusto nito sa kaniya, hanggang kailan? O baka nga nasab lang nito iyon dahil alam na nitong hi

