NAMUMUGTO ang mga mata ni Ariyah Lynn dahil sa magdamag niyang pag-iyak. Ramdam din niya ang pananakit ng pagitan ng mga hita niya. Pero walang-wala ang sakit na iyon sa sakit na nararamdaman ng puso niya. Akala niya, unti-unti na niyang natitibag ang pader na iniharang ni Chance sa sarili nito. Akala niya unti-unti ng magiging maganda ang pagsasama nila. Akala niya nang sinabi nito sa kaniya na makipag-cooperate ito sa kaniya kung gusto niyang ayusin itong marriage nila ay iyon na ang simula ng masaya nilang pagsasama. Pero lahat puro akala lang pala. But who could blame all of this? Walang ibang sisisihin nitong lahat kundi siya lang din. Sa halos dalawang buwan nilang magkasama na puwede niyang sabihin dito ang totoo ay mas pinili pa rin niyang maglihim. Kaya wala talagang ibang sisi

