Chapter 80: Identity

2294 Words

TAHIMIK lang si Ariyah Lynn habang ang mga mata ay nakatuon sa labas ng bintana ng armored car na sinasakyan nila papunta sa headquarters ng OCTAGON Private Security and Investigation Agency. Doon muna raw sila ni Chance hangga’t hindi pa nahuli si Simon ng mga pulis at ang taong nagbabanta sa kaniya. Ayaw sana niya dahil mahihiwalay sa kaniya si Dominick at hindi niya iyon kaya, pero ayaw niya naman na mapahamak ang anak niya kaya titiisin niya na lang muna. Mabilis niyang pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya. Naramdaman naman niya ang paghawak ni Chance sa kamay niyang nakapatong sa kaniyang hita. Dinala ito iyon sa mga labi nito at madiing hinalikan. “Baby, don’t be like this, please…” Naluluha pa ring tiningnan niya ito. “Hanggang kailan hindi ko makakasama ang anak natin?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD