“You marry Mama last night, Papa?” Narinig ni Ariyah na tanong ni Dominick sa ama nito. Nasa loob ang dalawa ng banyo at pinapaliguan ni Chance ang anak nila. “Ang daya, bakit hindi niyo ako ginising?” Napangiti siya habang inaayos ang ilang damit na pinamili ni Chance kanina lang para kay Dominick. Sa kaniya naman ay dalawang pares lang ng dress ang binili dahil ang dami niyang damit sa walk-in closet. Mga damit niya pa iyon dati na naiwan sa mansion ng mga Mendez at dinala rito lahat ni Chance. Hindi sila umuwi rito kagabi dahil nang payagan siya ni Doc Lawrence na puwede na siyang umuwi ay tumuloy sila ni Chance sa isang hotel malapit lang sa hospital. Gusto nitong makapagpahinga na siya at medyo malayo ang mansion sa Fortalejo Medical at alam niyang pagod na rin si Chance. Tinawa

