MAGANANG pinagsaluhan nilang apat ang adobong manok na pinagtulungan nilang lutuin ng mama ni Chance. Magkatabi sina Mama Rhynna at ate Heejhea sa harap ng hapag habang sila naman ni Chance ang magkatabi sa harap ng mga ito. Masaya rin siya na makitang maganang kumakain si Chance. Nakapangalawang plato na nga ito ng kanin na ikinamangha niya at sunud-sunod pa ang pagsubo nito. Ang lakas pala nitong kumain, bagay na hindi niya makikita kung sila lang dalawa dahil kahit kailan mula ng dumating sila rito kahapon ay hindi pa sila nagsabay na kumain. Siguro dahil paborito nito ang ulam at luto pa ng mama nito. Naalala tuloy niya iyong chicken paksiw na ni-request nito sa kaniya dahil sa kakulitan niya. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kaniya kung nakuha ba nito iyon at nakain. N

