“I didn’t believe I lost you. Maybe, physically but it never changed my perception in love because you stayed as my greatest love in this life. I lost hope finding you, but my heart never lost you.” Narinig niya itong huminga ng malalim para mapakalma ang sarili. Mahigpit pa rin itong nakayakap sa kaniya at gano’n din siya. Nakapikit lang ang mga mata niya at pinapakinggan ang pagtibok ng puso niya na humahalo sa malakas na pagtibok ng puso nito. At tama si Nana Mila, hindi niya man naaalala kung paano nagsimulang minahal siya ni Chance at kung paano niya minahal ito pero ang puso niya, naaalala kung gaano niya ito kamahal. “Next week is your birthday, at pupunta sana ako ng Batangas para sasama sa mga tauhan namin na hanapin ka,” Birthday na nga niya next week. “A-Aren’t you tired

