FIVE YEARS LATER… "You're fired! Get out of my sight!" Galit na bulyaw ni Chance sa kaniyang empleyado. Wala siyang pakialam kung maubos man lahat ng mga empleyado niya. Mapapalitan naman ang mga ito. Iyong mga magagaling at may pakinabang. Hindi iyong simpleng report lang ay mali-mali pa! Seriously! Paano ba ito natanggap sa kompanya kung ganiyan ito ka incompetent? "Mr. President—" "Are you f*****g deaf? I said, get out!" Narinig naman niya ang pagsinghot nito. Umiling na lang siya at nakatuon pa rin ang mga mata sa screen ng kaniyang laptop. Pagkalabas nito ay nahahapong naisandal niya ang kaniyang likod sa sandalan ng leather swivel chair niya. Pinag-dekuwatro niya ang kaniyang mahahabang mga binti. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinilot ang gitna ng kaniyang sintido. P

