Chapter 35: Raging Anger

1833 Words

ISANG malakas na busina ng sasakyan ang dahilan kung bakit lumuwag ang yakap ni Simon sa kaniya. At gano’n na lang ang takot na lumukob sa kaniya nang mapagtanto niya kung sino ang may-ari ng sasakyan. Akala niya magagalit si Chance sa kaniya. Katulad ng ibang mga asawa na kapag nakita nila ang mga kabiyak na may kayakap na ibang lalaki ay magwawala ang mga ito sa galit. Pero si Chance, wala siya ni isang salitang narinig mula rito at mas masakit iyon sa kaniya. Nakatingin lang ito sa kaniya ng malamig. Kasing lamig ng patak ng ulan na tumutulo sa kaniyang buong katawan. Mabilis siyang kumuwala kay Simon at tinakbo niya ang pagitan nila ni Chance pero bago pa man siya makalapit dito ay tumalikod na ito at naglakad na papasok ng hotel. “Chance, sandali!” sigaw niya. Pero hindi man lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD