"Ano? Anong nangyari? Bakit siya namatay?" tanong ko sa kanya. "Halika!" sabi niya at tumakbo paalis. "Papa, iwan na muna kita dito ha. Babalik ako," paalam ko sa kanya at agad na sumunod kay Andrei papunta sa interrogation room. "Anong nangyari?" tanong ko kay Richard na nasa pintuan. Sumilip ako sa loob at nakita ko si Henry na wala ng buhay habang nilalagay sa stretcher ng mga medics. "Nag-overdose ng sedative, Detective. Sleeping pills po, ininject niya sa katawan niya," sagot niya. Napahilamos ako ng mukha, hindi siya pwedeng mamatay. Siya ang tanging witness namin laban sa suspect. "Bakit siya nandito sa interrogation room?" tanong ko ulit sa kanya. "Kinausap po ni Detective Dan ang dalawang suspect, si Marissa Mendoza po ay tapos na at nasa presinto na po, siya nalang

