Sinimulan na ang hearing pagsapit ng ala-una. Sabay kaming pumasok ni Andrei sa court room. Sa pinakalikod kami umupo dahil may maraming tao sa unahan. May mga reporters at journalists ang nandito, dahil ito nga ang pinakamainit na balita ngayon. Ang pagkahuli ng tunay na murder suspect. Nahagip ng paningin ko si Papa kasama si Detective Dan sa unahan habang nililibot ko ang mga mata ko. Ang mga prosecutor at ang abogado ni Mama ay nasa harap na, si Mama naman ay naka-upo sa tabi ng abogado niya. Maya-maya lang ay dumating na ang judge at sinimulan na nila ang hearing. "Members of the jury, your duty today will be to determine whether the defendant is guilty or not guilty based only on facts and evidence provided in this case. The prosecution has the burden of proving the guilt of th

